Malalaki ang aking mga hakbang pabalik ng lumang townhouse ni Tito Caloso. Sa pintuan sa kusina ako nagmamadaling pumasok. Nagulat sa akin ang apat na caretaker na kasalukuyang naglilinis at abalang naglalampaso ng makintab na sahig. "Miss Samantha," sabay-sabay nilang tawag sa aking pangalan, tumayo sila ng maayos at yumukod sa akin. "May kailangan po ba kayo?" Huminga ako ng malalim at pinilit ang aking sarili na sa kanila ay ngumiti. "Saan po banda ang aking kwarto?" "Sa ikalawang palapag po Miss Samantha," tugon ng pinakamatanda sa kanila, tiningnan niya isa-isa ang kanyang mga kasama. Naburo ang kanyang mga mata sa pinakabata sa kanila. Sa tingin ko ay wala pa ito sa twenty. "Aming samahan mo siya." Noong una ay alumpihit pa siya, sinubukan niya akong ipasa sa isang kasama. Agad

