Six in the morning ang usapan ni Daddy at Mommy na aalis kinabukasan upang tanghali ay nasa bahay na kami sa Laguna. Ipinatong ko ang aking shoulder bag sa gitna naming dalawa ni Mommy. Malakas kong isinara ang pintuan. Nasa unahan na si Daddy at halatang inaantok pa. Binuhay na ni Mang Dante ang makina ng sasakyan. It roared to life. Nakita ko si Ate Maring, sa labas kasama ang iba pa at kumakaway sa amin. "Thank you Aling Maring." si Mommy na binuksan pa ang bintana sa kanyang tabi, ngumiti lang ang matanda at kanyang mga kasama. "Sa susunod po ulit." Nang magsimulang umandar ang aming sasakyan ay isinandal ko ang aking ulo sa likod na upuan ng sasakyan. Ipinikit ko ang aking inaantok pang mga mata. Alas onse na kagabi nang matapos ang kanilang party at kasiyahan. Maingay ang kanilang

