True friends are care like a Mother, scolds like a Father, tease you like a Sister, irritates you like a Brother and loves you more than a lover. True friends are like our own family. It's been a month mula nang muli kaming magkita ni Ruth. At sa loob ng buwang iyon ang pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat ng ito. Ang isa sa aking kaibigan noong highschool ay nandito. Nakakailang sa una, limang taon 'yon eh ngunit hindi rin nagtagal ay naging komportable ako kagaya ng dati sa kanya. Lumuwas si Bella after a week. Sabado ng madaling araw siya dumating sa terminal ng bus sa Araneta, Cubao. At nang sunduin ko siya dito ay panay ang kanyang hinaing at reklamo sa mahaba at nakakabagot niyang naging biyahe. "Tapos, bawat bayan ay tumitigil ba naman!" Hila ko ang isa sa kanyang dalawan

