Kinabukasan ay hindi ako nagmukmok sa aking silid. Hindi pa sumisikat ang araw ay nasa restaurant na ako ng hotel at kumakain ng aking almusal. I choose buffet at ang pinili kong kunin ay bread, black coffee and some french fries. Mangilan-ngilan na ang mga tao ditong kumakain at nagpapalipas ng oras. Ang labas ng restaurant ay nababalot ng malamig at makapal na hamog. Tapos na akong kumain at nasa kalahati na ang aking kape nang makita kong dumating si Timothy. Nakangiti sa mga servers. Bagong ligo at bitbit ang kanyang laptop. Ibig bang sabihin nito ay dito rin siya naka-check in? Naupo siya sa aking malayong banda. Basa pa ang kanyang buhok. He is wearing black shorts and white t-shirt. Inilapag niya ang kanyang laptop sa mesang kanyang kaharap. Isinaksak niya dito ang kanyang headse

