Ang kasabihan na kapag kasama mo ang taong iyong minamahal, oras ay mabilis na lumilipas nang hindi mo namamalayan. Napatunayan ko iyan habang kasama si Timothy sa loob ng iisang bahay. Oras ay mabilis na nalagas, araw ay walang pakundangan na lumipas. Ito ay mabilis na umabante, patungo sa huling araw ng pamamalagi namin saa naturang lugar. "Hanggang anong oras tayo pwedeng magtambay doon?" tanong ko kay Timothy na tahimik na nakaupo sa aking tabi, magkasalikop ang aming dalawang palad. Nakasakay kami sa train na patungong Paris, pupunta kami sa Eiffel Tower na ipinagmamalaki ng bansang ito. Lagpas tatlong oras ang aming bubunuin upang makarating sa lugar na nais naming puntahan. "Hanggang gabi ba ang pwede?" Nakita kong ma-dramang humalukipkip si Ravin sa aming harapan at umismid. Kita

