December twenty three, bisperas ng aking kaarawan nang dumating ang ilan sa mga bisita ni Mommy at Daddy na kanilang mga kaibigan. Nagsimula na rin silang nagpatay ng mga baboy at manok na ihahanda sa aking kaarawan. Bago magtanghali ay dumating ang mga gown ng mga kasali sa eighteen thingy ko. Kagaya ng aking inaasahan pumunta si Anda at Thea, ganundin si Bron, Bella at si Sindy na ang sabi ay magaling na. Hangover lang daw iyong naging lagnat niya. Maghapong naging abala ang mga taong pumunta sa bahay, dumadagsa na rin ang mga bisita na tutulong sa pagluluto at paghahanda ng mga putahe para bukas. Kumuha pa si Mommy ng catering kahit na alam niyang hindi na iyon kailangan, nais niya lang maging maayos at handa. "See you tomorrow!" bago maghapon ay paalam sa akin nina Sindy, bitbit ang g

