Alas diyes na kinabukasan nang lumabas ako sa aking silid. Makulimlim ang kalangitan, walang araw at parang nagbabanta ang malakas na buhos ng ulan. Habang pababa ng hagdan ay nakangiti kong pinagmasdan ang litrato namin sa dagat kahapon kasama ang aking mga kaibigan dito. Sa larawan ay tumatalon kaming lima habang magkaka-akbay, tumitilamsik ang tubig sa aming mga paa. Mariing nakapikit ako habang sila, nakangangang tumatawa. "Good morning Sammy!" si Ate na may dala-dalang tray ng mga kape. "Good morning po Ate." Nakangiti akong lumapit sa kanya, sinisipat ang tray na dala niya. "Nasa lamesa na ang almusal mo, iyong mayroong takip." "Thank you!" tango ko na ngitian pa siya lalo, "Para kanino iyan?" "Sa mga ninong at ninang mo," aniyang pinagmamasdan ang aking magiging reaction, ba

