Chapter 39: New gang

3919 Words

Nakaupo ako sa labas at kasalukuyang kumakain ng manibang mangga nang lumabas si Nanang, bitbit ang dalawang plastic na basket na mayroong takip. Sinundan ko siya nang tingin habang papalabas sa pintuan ng kanyang tahanan. Kuryuso ang aking mga mata sa kung anong laman ng basket at kung saan siya patungo. Inilapag ko ang buto ng manibang mangga sa platong kinalalagyan nito. "Saan po kayo Nanang?" hindi na nakatiis ay tanong ko. Inilapag niya ang dalang basket sa karugtong ng upuan na aking kinaroroonan. Inayos niya ang gusot ng damit at pinagpag sa lupa ang suot na tsinelas. "Sa taniman ng gulay hija, magpapa-merienda ako sa kanila." Tumango-tango ako sa kanya, matanda na ang sikat ng araw sa kalangitan. Kaunting ikot nalang ng orasan at nasa dapithapon na naman ang araw na iyon. M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD