Nang sumapit ang huling linggo ng Mayo ay nagpaalam sa amin si Saskia na babalik na sa Manila. Hinayaan niyang makapag selfie kami sa cellphone niya na bagong charge lang sa bayan. Malungkot dahil papasok na sila sa paaralan, samantalang ako ay heto maiiwang mag-isa sa gitna ng bukirin naming mga alaala. "Babalik ako sa sembreak!" kaway sa amin ni Saskia nang ihatid namin siya sa sakayan ng tricycle. Kasunod noon ay nalaman ko na magdo-dorm silang lahat na sa bayan na mag-aaral ng kolehiyo. Nasa second year college na si Apollo at Jerome, si Louvelle, Jaycel, Rayquel at Daphne naman ay first year. "Hindi ka ba talaga mag-aaral ngayong taon Aira?" si Daphne, "Sayang naman ang panahon." "Hindi, baka next year nalang." Sa tuwing magtatanong kay Nanang ang mga kapitbahay niya at ka-bar

