Maaga akong gumising ng sumapit ang araw nang pagpunta namin ng bayan. Hindi pa gising ang mga manok ay nakadungaw na ako sa harapan ng aking bintana. Iniisip kung tama ba ang desisyong gagawin ko ngayong araw. Hindi malayong may makakilala sa akin sa kanilang bayan, kahit pa taon na ang dumaan. "Sa makalawa ay magtutungo ako ng bayan, gusto mong sumama?" Napipilitan akong ngumiti at tumango sa kanya. "Sige po." Natigilan siya sa napipintong paghigop ng kanyang kape. "Aira, sasama ka sa akin sa bayan?" Nang umihip ang pang umagang hangin ay nagbigay ng pamilyar na mahinang kaluskos ang mga dahon ng mangga, na nakadikit sa bubong ng bahay. Ang malamig na hamog ay patuloy na humahalik sa aking balat at nanunuot ito sa aking kasu-kasuan. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. An

