It's been six months, magmula nang magtungo kami sa probinsya nila Timothy. And almost a year after ng wedding nila Dave at Clare. Ilang buwan silang nanatili sa Madrid, Spain bilang kanilang honeymoon. Ilang buwan pa ang lumipas bago sila bumalik ng bansa. Naghanda sila ng isang salu-salo sa farm pero hindi kami nakadalo dito ni Timothy. Nagkaroon ng biglaang tour sa vineyard namin sa Batangas ang aming mga pangunahing customer. At kailangan ko sila ditong samahan. Si Ruth nalang ang aking pinayagang pumunta. Sa bandang huli ay pinili ni Timothy na huwag nalang ding dumalo, tahimik itong nag-aabang sa aming pagdating sa bungad ng vineyard. "Wrong timing naman." anito pagkapasok ng aming mga bisita na kulang-kulang sa isang daang individual, "Hihintayin tayo ngayon nila Dave sa farm." "A

