Alas otso na ng gabi nang sapitin namin ang kanilang beach. Malamig ang ihip ng hangin na yumakap sa amin pagbaba namin ng sasakyan. Nagmumula iyon sa malawak, madilim at malayong karagatan. Ibinigay ni Timothy ang susi ng kanyang sasakyan saa isang staff na agad lumapit sa amin. Kinuha niya ang bag naming dala at ini-abot sa akin ang shoulder bag. Sumakay na ang staff sa sasakyan upang iparada na ito. "Magbihis ka ng panlangoy sa room na ibibigay sa'yo." akbay sa akin ni Timothy. "Sigurado kang maglalangoy tayo?" paninigurado ko sa kanyang nais. Paulit-ulit siyang tumango, bumabaon ang suot naming sapatos sa malinis na buhanginan. Naaalala ko pa noong una kaming magpunta nila Mommy sa lugar na ito. Nagbiro pa ako kay Daddy na i-uuwi ang dagat. "Ayaw mo ba?" tanong niyang deretso pa

