Special Chapter 2

4282 Words

Nanginginig akong umayos ng tayo mula sa pagkakalugmok ko sa harapan ng lababo, tumutulo ang sipon at luhang tinanggap ko ang inaabot na tissue ng aking asawa. Humihikbing ipinunas ko iyon sa aking mukha. Nilingon ko siya, bagamat nakahalukipkip ang dalawang braso sa dibdib ay kitang-kita pa rin ang labis niyang pag-aalala sa akin sa pares ng kanyang mga mata. "Sa tingin mo ay kakayanin mong magbiyahe?" tanong niyang kumuha pa ng ilang ply ng tissue sa plastic at lumapit sa akin, "Malayo ang ating magiging biyahe." Paulit-ulit akong tumango sa kanya, pilit kinakalma ang aking sarili. Pakiramdam ko ay muling hinahalukay ang buong kalamnan at sikmura. Kapag nagsalita ako ay baka muli akong magduduwal at magsuka. Kakaiba ang pintig ng aking puso. Parang nagmamadali iyon at sumasailalim sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD