Chapter 4

2354 Words
HEAVEN “Oh, bat gising ka pa Heaven? Akala ko ba maaga kayong aalis bukas ng anak ko?” Napatingin ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng nanay ni kath. Nasa sala kasi ako at umiinom ng kape para makatulog ako. Baliktad kasi ako. Yung iba para makatulog gatas ang iniinom, ako naman ay kape. Ewan ko ba kung bakit sa halip na magising ang diwa ko pag-uminom ako ng kape. Nakakatulog naman ako. Kaya sa tuwing hindi ako makatulog, umiinom talaga ako ng kape. Naupo si nay Kamila sa harapan sofa at tinitigan ako. “Unang gabi mo na hindi kasama si baby Hazel, alam kong name-miss mo ang anak mo kaya hindi ka makatulog.” malumanay na saad nito sa akin. Mabilis na nanlabo ang aking mga mata dahil sa sinabi ni nay Kamila. Sa totoo. Kaya hindi ako makatulog. Sobrang namimiss ko ang anak ko. Ang amoy niya, ang pag-iyak niya. Miss na miss ko na siya kahit wala pa siyang 24 hours na malayo sa akin. Sobrang miss na miss. Isa pa. Ang sakit na rin ng mga dibdib ko dahil puno ng gatas. Hindi ko maikilos ang braso ko dahil sa kirot ng dibdib ko. “O-okay lang po ako Nay Kamila, ang mahalaga. Magiging maginhawa po ang buhay ng baby Hazel ko doon sa ama niya.” Garalgal ang boses na sagot ko kay nay Kamila. Ayoko nang Makita nila ako ng kaibigan kong umiiyak. Wala rin naman kasing magagawa kung mag ngawngaw lang ako ng iyak sa harap nila. “Napakabuti mong ina, Heaven. Ni minsan hindi mo naisip na ipalaglag ang mga anak mo kahit sobrang dami ng pagsubok na sinuong mo. Mabuti kang ina.” Isang mapait na ngiti ang binigay ko kay nay Kamila. Napaisip ako. Mabuti nga ba akong ina? Paano? Hindi ko kasi masabi sa sarili ko na mabuti akong anak. Pinaaral ako ng mga magulang ko, ginapang nila ako para makapagtapos sa pag-aaral. Tapos ano? Binigo ko sila. Nagpabuntis ako sa hindi ko kilala. Hindi ako mabuting ina dahil hinayaan kong malayo sa akin ang anak ko. Pero isang bagay lang ang alam ko. Kahit hindi ako mabuting ina. Mahal ko naman ang mga anak ko. At handa akong gawin ang lahat para sa kanila. Pagak akong natawa. “Nay Kamila naman. Wala pong mabuting ina ang ipamimigay ang anak niya. Kaya hindi po ako mabuting ina, iresponsable po ako.” Nagyoko ko ang tingin sa hawak kong tasa ng kape. “Pero hindi mo naman pinamigay si baby Hazel sa ibang tao, Heaven. Sa ama naman niya ‘di ba? Tsaka, wala ka lang pagpipilian kaya mo nagawang ibigay ang anak mo sa ama niya. Mabait, mabuti at mapagmahal kang ina sa mga anak mo. Sa part na ‘yan, hindi mo dapat pagdudahan ang sarili mo.” Sambit ni nay Kamila at tumayo na ito sa sofa. “Oh, sige maiwan na kita r’yan. Tulog na ako. Ikaw din, matulog ka na pagkatapos mong uminom ng kape.” Pagtalikod ni nay kamila ay saka ko palang hinayang bumuhos ang aking mga luha. “Babalikan kita baby Hazel ko… Kukunin kita sa Daddy mo pag mayaman na ako. Pero dahil poorita pa si Mama. Diyan ka muna kay Daddy mo. At least diyan naka-aircon ka at malambot na kama ang tutulugan mo. Plus, mamahaling gatas pa ibibili sa ‘yo ng ama mo.” Iyon na lang talaga ang iniisip ko para mabawasan ang bigat ng dibdib ko dahil sa desisyon kong ibigay ang anak ko sa ama niya. Sure akong hindi niya pababayaan ang anak ko. *** “A-anong sabi mo?! Isa sa may ari ng cabin resort na papasukan mo ang tatay ng mga anak mo? Seryoso ka r’yan?” halos mabasag ang eardrum ko dahil sa lakas ng boses ni Kath nang sabihin ko sa kanya ang ama ng mga baby ko ay isa sa sixtuplets na apo ng may ari ng cabin resort na papasukan ko. “Oo,” agad kong pinakita sa kanya ang screen ng phone ko kung saan naroon ang larawan ng isang masaya at malaking pamilya. Sikat at magaling na engineer ang tatay ni Clint. Kaya naman kilala angkan nila sa mundo na ginagalawan nila. Mundo ng may sinabing pamilya sa lipunan. Napatakip ng bibig si Kath. “s**t! Isa ba talaga sa mga pogi dito sa picture ang tatay ng mga anak mo? Wew? Hindi nga?” hindi makapaniwala na sambit nito. Hinila ni kath ang buhok ko. “s**t, ka! Kaya naman pala nagawa mong magpa-anak ng dalawang beses, e! Makalaglag panty naman pala talaga ang lalaking ‘to! Ghad! Ang ga-gwapo nilang apat!” kinikilig na sambit ni Kath. Na-starstruck sa kagwapuhan ng mga kapatid ni Clint, ng ama ng mga anak ko. “Oo, at ‘yan ang problema ko…” problema dong sambit ko. Agad na nagtaas ng tingin sa akin si Kath. “Ha? Eh bakit ka naman problemado kung tagapagmana pala ng cabin resort ang tatay ng mga anak mo?” “H-hindi mo kasi alam eh, saka…” hindi ko maaaring sabihin ang dahilan ko sa kaibigan ko. Wala ng dapat na makaalam ng dahilan ko. Ayokong pababain ang sarili ko at mas maawa pa sila sa akin. “Hindi ko nga talaga alam, kasi nga hindi mo naman sa akin sinabi ang tungkol roon.” Hinarap ako ni kath at pinagkatitigan ng mabuti sa mga mata. “Sabihin mo nga sa akin Heaven, paano nga ba kayo humantong ng lalaking ‘yon sa one night stand in the second time around n’yong dalawa, ha?” hamon na tanong niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at hinablot ang phone ko sa palad niya. “Nakalimutan ko na, saka. Tapos na ‘yon kaya ‘wag na natin pag-usapan Kath. Ang dapat nating gawin ngayon, makapag isip tayo ng paraan para sa problema ko. Para hindi ako makilala ng ama ng anak ko.” “Hmm… Sabagay tama ka naman r’yan, matagal ng tapos ‘yon. Naka dalawang baby na nga kayo e.” nag-isip si kath maaring solusyon sa problema ko. “Aha! Alam ko na!” sandaling pumasok si kath sa silid nilang mag-ina at paglabas ay may dala itong box. “Eto ang solusyon sa problema mo. Sure na hindi ka niya makikila nito.”sambit ni Kath habang pinubuksan ang box mukhang lumang gamit ang laman. “Ito ang tatapos sa problema mo!” pagmamalaking sabi ni Kath saka tinaas ang wig na hawak sa ere. Kumunot naman ang noo. ‘Wig’ aanin ko naman ang wig? “Anong gagawin ko r’yan?” napapaisip na tanong ko. Aanhin ko naman ang wig na parang poon ang yari ng pagkakakulot at itim na itim pa. Hindi ko tuloy maiwasang matakot e. Katakot ang wig. “Hindi ka niya pwedeng makilala diba? So this wig is the solution of your problem.” Nilagay ni Kath ang wig sa ulo ko. “Iyan, bagay naman sa ‘yo. Mabuti na lang naitabi ko pa ang wig nato nang minsang gumanap ako sa school ng betty la fea.” pagjojoke ni Kath sa akin. Hinila ako ni kath papunta sa salamin na nakasabit malapit sa bintana. “Yan! Bagay na bagay sa ‘yo best! Ay, wait may kulang pa ‘yan.” Kinuha niya ang salamin sa box. “Don’t worry, walang grado ang salamin na ito, props mo lang ‘yan.” Nang maisuot sa akin ni Kath ang wig at salamin ng maayos. Napatitig ako sa aking sarili. Hindi kaaya-aya ang hitsura ko pero pwede na. Malayong malayo na ang hitsura ko sa pagiging si Heaven. “Gusto mo lagyan kita ng makapal na kilay para Betty La Fea ang peg mo?” Napaisip ako. Mukhang mas maganda nga idea ni Kath na lagyan ako ng makapal na kilay para mas hindi ako makilala ng tao na pinagtataguan ko. “Mm… sige,” hinayaan ko lang si Kath na ayusin ang mukha ko. At kahit nangangati at asiwa ako sa wig na nasa ulo ko. Kere lang, titiisin ko na lang. Sayang ang sasahurin ko sa resort. Pero ang sabi naman ng kilala ni Kath. Sure na matatanggap ako sa trabaho. “Ano? Okay ka lang ba? Tiis lang, masasanay ka rin ng naka-wig.” Sabi ni Kath sa akin nang mapansin nito na hindi ako komportable sa wig habang lulan kami ng Jeep papunta sa resort na papasukan ko. Nilapit ko ang sarili sa kanya. “Oo, Kath. Okay lang ako. Tsaka hindi naman ‘yung suot kong ‘wig’ ang problema ko.” Bulong na sagot ko sa kaibigan ko. “Ha? Eh ano pala?” kunot-noo na tanong ni Kath. Nahihiya akong nagtaas ng mukha sa mga taong nakasakay naming sa jeep. “Sa mga tao dito sa jeep. Tignan mo naman kung paano nila ako titigan.” Napanguso na sagot ko. “Ngek! Ayon lang!” natatawang sagot naman ni Kath. Kinawit niya ang isang braso sa akin. “Kere bells lang ‘yan girl, remember the reason kung bakit ka nasa katauhan ni Betty La Fea ngayon. Dahil sa trabaho at sahod. Iyan ang laging ipasok mo sa kukote mo. Sabi nga nila, you don’t have to please anyone!” “Eh may magagawa pa ba ako? Wala naman di ba? Tsaka, kahit pagtawanan naman nila ako. Hindi naman nila ako kilala. Nakasakay ko lang sila dito sa jeep, hindi na kami ulit magkikita kita.” “Tompak ka r’yan, girl. Kaya yaan mo na kung pinagtitinginan ka nila. Cute ka namang version ni Betty la fea, e!” Hanggang sa marating naming ang malaking entrada ng cabin resort na papasukan ko ay walang humpay ang tawanan naming ni Kath dahil sa look ko. Paano naman kasi, napapa-second look ang mga taong nakakakita sa akin dahil sa hitsura ko. “Oh, ayon na pala yung kakilala ko.” Turo ni Kath sa kakilala niyang staff ng cabin resort na naglalakad papunta sa direksyon naming dito sa receiving area ng resort. “Hi, kath. Oh, nasaan na ‘yung sinasabi mo na ipapasok mo? Di ba ang sabi mo isasama mo siya ngayon?” tanong nito kay Kath pagdating sa lamesa na kinaroroonan namin. “Mm… Oo, kasama ko na nga siya Ate Veronica.” nakangiti na sagot naman ni Kath. Mabilis na nagpalingod-lingon tinawag ni kath na Veronica. Siguro hinahanap nito kung sino ang tinutukoy ni kath na ipapasok niya ng trabaho. “Eh, nasaan siya? Attitude, ha? Ang usapan natin before 8:00 AM narito na kayo.” Taas kilay na saad nito. “Kasama ko na siya Ate Veronica,” pinatulis ni Kath ang nguso at tinuro ako. “Siya, te.” “Putsa naman, Kath! Ano ba ‘to? Nagbibiruan ba tayo dito? Ang sabi mo maganda ‘yung friend mo ‘di ba? Eh bakit… ganito ang itsura ng kasama mo?” Gusto kong magtampo dahil sa sinabi ni Veronica. Bakit? Magaganda lang ba ang pwedeng mag work sa resort na ito? Ang judgemental naman niya. Lumapit si Kath sa kakilala niya at kumapit sa braso. “Maganda naman siya Ate Veronica. kulang lang sa ayos. Sige na te, ipasok mo na si Heaven, kailangan na kailangan niya ang trabaho.” Pamimilit nito sa kakilala. Muli ay tinitigan ako ng Veron mula ulo hanggang paa. “Mm… sige nga, kaya ko naman siyang ipasok. Kaso… hindi ko siya mailalagay sa posisyong napag usapan natin. Sabi mo kasi maganda, sexy at kutis labanos kaya sa clubhouse ko sana siya ilalagay as cashier or crew. Pero dahil kulang sa pleasing personality ito. Mag cleaner na lang siya, para tago sa tao. Maganda rin naman ang sahod sa pagiging cleaning lady. Mas Malaki pa nga minsan ang tip nun, saka ang kagandahan. Solo niya ang tip at wala siyang kaagaw.” Paliwanag ni Ate Veronica sa amin. “Okay na po ako sa cleaning lady na trabaho. Kaya ko po.” Inunahan ko nang magsalita si Kath. Mas okay na yung tagalinis ako at least hindi ko kailangan makiharap sa guests. “Oh, ‘yun naman pala. Game siya sa work kahit cleaner. Basta hindi ma-attitude sa trabaho, tatagal ka rito girl.” saad ni ate Veronica sa akin. “Salamat po,” sagot ko naman rito. “Oh sige, alis na ako Heaven. May trabaho pa ako.” Paalam sa akin ni Kath. “Bye Ate Veronica, ikaw na bahala sa friend ko, ha.” Saad naman ni kath sa kakilala niya. “Okay, sige ako na ang bahala sa kanya.” Lumakad na palayo sa amin si Kath. “Sumunod ka sa akin, girl, ipapakilala kita sa kanila.” Narinig ko na sabi naman sa akin ni Ate Veronica. “O-okay po,” garalgal ang tinig na mabilis kong tugon rito. “Huwag kang matakot sa akin, girl. Hindi naman ako nangangain ng tao. Tawagin mo na lang rin akong Ate Veronica since I’m older than you.” hindi lumilingon sa akin na saad nito. “O-okay po, Ate Veronica. Uh, hindi naman po ako natatakot sa inyo. Excited lang po akong pumasok ng trabaho dito sa cabin.” Nahihiya naming tugon ko. “Good, basta maging masipag ka lang dito sa cabin, tatagal ka rito.” Pumasok kami sa maingay na kitchen sa malaking clubhouse dito sa cabin resort. Maingay dahil maraming guests ngayon. Sandamakmak ang mga nakapila na gawain sa loob ng kitchen. Siguro dahil weekend kaya maraming guests talaga. “Everyone! Listen, she’s Heaven. Bago siya dito at sa housekeeper posisyon siya maasigned. Kaya be Good to her, okay.” Pakilala ni ate Veronica sa mga katrabaho namin dito sa resort. Sandaling napatingin ang mga ito sa akin. Kahit hindi magsalita ang mga ito sa itsura ko. Alam kong pangit na pangit sila sa akin… Kahit ako naman ay surang sura sa itsura ko. Pero mas mabuti na ito. At least, mas makakalapit ako sa anak ko kung sakali na dadalhin siya dito sa resort ng tatay niya dahil fresh air sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD