Chapter 3

1904 Words
HEAVEN  “Oh basta, galingan mo ha. Kailangan mong manalo dahil inaasahan ng inaanak ko ang Ice cream pag uwi natin.” saad ni Kath sa akin habang nakapila ako sa mga contestant na kasali sa singing contest. Marami kaming maglalaban laban sa contest. Nasa 12 kaming kalahok. At ang number ko ay pang lima akong isasalang sa kantahan sa entablado. Hindi naman na ako kinabahan sa mga ganitong contest dahil sanay na ako na tumapak sa entablado at kumanta sa harap ng mga tao dahil na rin umi-ektra ako sa pagkanta kasama ang isang banda. “Oh, best. Mag water ka muna,” inabot sa akin ni Kath ang bote ng mineral water. Sa aming dalawa, ako ang kakanta sa harap ng maraming tao pero ang kaibigan ko ang kinakabahan at aligaga. Kanina pa siya ganyan sa akin. Sa aming mga contestant na nakapila. Ako lang ang may taga paypay pa dahil ayaw akong mapawisan ni kath para hindi daw humulas ang makeup ko. Naiinis na nga rin ang ibang kapwa contestant na nasa pila dahil sa ingay ni kath. Hindi daw kasi makapag-concentrate ang mga ito dahil sa kaibigan ko. “Kath, ano ka ba? Relax ka lang okay. Ako ang sasali sa contest pero ikaw ang kinakabahan. ‘Wag mo akong alalahanin, yakang yaka ko ito. Peteks na lang sa akin ang kumanta sa harap ng mga tao.” sabi ko para kumalma sa pagiging O.A ang kaibigan ko. “Eh kasi naman, look mo ‘yung ibang kasali, ang bonga ng mga dress nila oh. Ikaw? Wala, simpleng dress lang ang suot mo. Kaya dapat galingan mo na lang para manalo ka.” Natawa ako. Oo nga. Ang gagara at elegante ang mga suot na dress ng mga kalaban kong babae. Sa mantalang ako. Isang above the knee white dress lang ang suot ko na plain cut lang ang tela. But I won’t care. Hindi naman pagandahan ng dress ang labanan. Talent sa pagkanta. At doon, alam kong may laban ako. “Bakit, yung dress ba ang kakanta mamaya sa stage? ‘Di ba hindi naman. ‘Tsaka, okay lang kahit mas maganda at gliterer ang dress nila kaysa sa akin. Sa talent pa rin naman magkakatalo e.” sabi ko sa kaibigan ko. Nagsimula na pumalakpak ang mga tao sa likod ng nakasarado na takip ng entablado nang magsalita ang baklang MC ng contest. Mabilis na tumahip ang kakaibang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang boses ng sumunod na babaeng MC. Her voice is familiar to me. Hindi lang ako sure. At sana, mali ako sa hinala kung sino ang babae sa likod ng boses na ‘yon. Pinakilala ng babae at baklang MC ang mga hurado sa contest. Ang isang lalaking hurado ay mahuhuli dahil naipit sa traffic kaya naman kumuha na lang sila ng substitute na hurado. Nagsimula ng tawagin ang unang kalahok. Si Kath naman ay nagpaalam na sa akin na sa audience na siya uupo at hihintayin na lang akong isalang sa stage. Hahanap daw siya ng magandang spot para pwede niya akong ma-videohan ng maayos. Agad kong inayos ang sarili nang marinig kong ako na ang tinawag ng baklang MC. Lumakad ako papunta gitna ng stage. Nakangiti naman akong sinalubong ng baklang MC. Maliban na lang sa babaeng host. Dahil mabilis na namulta ang mukha nito nang makita ako. Hindi nga ako nagkamali, ang ahas kong ex bff ang tao na may ari ng pamilyar na boses na iyon. “Ang ganda naman ng ating pang limang contestant,” sambit ng baklang host sa hawak nitong mic. “Hindi ba partner?” tanong nito sa ahas kong ex-bff na Myra. Nakita kong hirap na malalim na napalunok si Myra sa tinuran ng baklang host. “O-oo nga,” tipid na sang-ayon nito na ang mukha ay tuluyang nawalan ng buhay. Hinarap naman ako ng baklang host. “Ang pretty mo naman sister,” puri nito sa akin. “Ang balita ko, mom of two kids ka na raw, sa true ba? Kasi,” hinawakan ako ng baklang host sa aking balakan. “Grabe! Ang sexy at ang pretty mo pa rin. Parang hindi ka nagluwal ng dalawan bata dito sa mundong ibabaw dahil walang bakas sa ‘yo sister na nanganak ka.” patuloy na saad nito sa akin. “Kung hindi mo mamasamain, tanong ko lang. Ano ang vital statistic mo? Kasi, sinasampal mo ako ng sobra sa waistline ng bewang ko!” “Uh, 38, 25, 36, po.” nakangiti na magalang na sagot ko naman rito. “Wow! So big naman ng yung hinaharap! Pinagpala!” sambit ng baklang host. “How to be you, sister. Napakaswerte mo, hindi ka lang pretty, sexy ka pa! Mapapa-sana all kami sa ‘yo!” Tumikhim naman si Myra. Dahil napatagal na ang interview sa akin ng baklang host na kasama nito. “Gurl, may mga next contestant pa tayo na naghihintay sa backstage. Siguro pakantahin na natin siya.” putol ni Myra sa pagiging makulit ng baklang host. Siguro narindi na siya dahil puring puri ako ng co-host niya. “Ay! Sorry naman partner. Na-starstruck kasi ako sa ganda nitong ating contestant number 5.” tugon ng bakla kay Myra at sa akin muli humarap. “Ready ka na bang kumanta?” tanong nito sa akin. “Opo,” agad ko naman sagot. “Kung ready ka na, then the stage is yours! Good luck contestant number 5!” sabi ng bakla sa akin. Humarap ito sa audience. “Once again. Here’s our contestant number 5, Heaven!” sambit nito sa mga tao at agad na iniwan akong mag-isa sa gitna ng stage. Agad na nag palakpakan naman ang audience nang simulan kong kantahin ang kantang Natatawa ako by Gabriela. Kaya pala ito ang kantang nagustuhan kong kantahin ngayon sa contest. Nagkataon naman na tugma sa dalawang tao na masakit sa mga mata ko ngayon na makita. Ang cheater kong ex-bf at ang ex-bff ko na ahas. Si Tyler, ang ex kong manloloko naman ang isa sa mga hurado. Taas noo kong kinanta ang awitin. At habang kinakanta ko ang kanta, ang nakangiting mukha ng anak kong si Hunter ang laman ng isip ko para magawa kong awitin ng maayos at malinis ang kantang napili ko. Kailangan kong manalo para may dala akong Ice cream mamaya sa anak ko. Nag tayuan at nagpalakpakan ang mga hurado pati na ang audience pagkatapos kong kumanta. Nakita ko namang masamang tinitigan ni Myra ang si Tyler nang tumayo rin ito dahil nagustuhan ang performance ko sa pag awit. “Salamat po,” sambit ko at magalang akong nag bow sa mga tao. Matapos na mag perform ang lahat ng contestant. Ito na ang pinakahihintay naming lahat. Ang awarding time. Top 3 at ang champion. Pinatayo kaming lahat sa stage at tinawag ang top 3. Sigawan at palakpakan ang mga tao. Malakas ang t***k ng puso ko. s**t. Hindi ako napasali sa top 3. Kinabahan akong bigla dahil isa ang manloloko kong ex sa mga hurado. Ayokong mawalan ng pag asa. Pero yung posibilidad na hindi ako manalo ay tanggap ko na dahil alam kong hindi ako bibigyan ng mataas na score ni Tyler. Nakita ko kasing nilapitan siya ni Myra kanina at may sinabi ito sa kanya. Sa hilatsa ng mukha ni Myra. Sure ako na against siya sa pagkapanalo ko. Pumikit ako. Lord, okay lang po kahit matalo ako. Bawi na lang next time… Lihim kong sambit. “At ang ating champion for tonight…” bitin ng baklang host sa pagsasalita para i-announce ang champion. “Heaven!” Agad akong napadilat ng mga mata. Ako ang nanalo! I made it! “Congrats, best! Ang galing mo talaga! May pa-Ice cream tayo mamaya sa anak mo!” sigaw naman ni Kath sa akin. Lumapit sa akin ang mga hurado. Kinamayan nila ako isa-isa. At nang si Tyler na ang makikipag kamay sa akin ay hindi ko pinaunlakan ang palad nito. Mabuti na lamang at inabot sa akin ang sobre na aking cash prize napanalunan ko ng isang hurado kaya naman hindi naging awkward sa side ni Tyler. Pero sure akong alam ni Tyler na sinadya ko talagang hindi makipag kamay sa kanya. Isang mabilisang picture taking lang kasama ang lahat ng hurado at pagkatapos ay bumaba na rin ako sa stage. Ayokong makita si Tyler. Hawak ang sobre habang naglalakad ako pababa ng stage. Narinig kong tinawag ako ni Tyler. “Heaven sandali, mag-usap tayo.” sambit nito. Para akong bingi na walang narinig. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad para makalayo ako sa kanya. Pero napatigil ako sa aking paghakbang nang hawakan niya ako sa aking braso kaya naman napatingin na ako sa kanya. “Bitiwan mo nga ako!” sigaw ko kay Tyler at mabilis na tinabig paalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. “Gusto kitang makausap, Heaven.” malamlam ang mga mata ni Tyler. I scoffed. “Hindi kita gustong makausap.” mabilis kong sagot at agad na tinalikuran ko siya. Muli ay hinabol ako ni Tyler at hinatak akong muli sa aking braso. “Ano ba? Tang ina! Pwede ba Tyler, wala na tayong dapat na pag-usapan pa! Isa lang ang alam ko. Manloloko ka!” galit na sigaw ko. Nang makita naman kami ni Myra ay agad na lumapit ito at parang tuko na kumapit sa braso ni Tyler. “Hey, what’s wrong?” anito kay Tyler. Then ako naman ang hinarap. “May dalawa ka ng anak ‘di ba Heaven? Kaya layuan mo na ang boyfriend ko.” At ang kapal niya para sabihin sa akin ang bagay na ‘yon. Gusto kong sugurin at sabunutan si Myra. But what for. Noon nga never kong ginawa na komprontahin silang dalawa kahit pa nakita ko mismo sa mga mata ko kung paano sila kainit na nagsesex sa ibabaw ng kama ni Tyler. Ngayon pa kaya na move on na ako at wala na akong pakialam pa kay Tyler. Taas noo kong pinagkrus ang aking dalawang braso sa aking dibdib. “Kung noon nga wala akong pakialam sa inyong dalawa ni Tyler, what makes you think na may care pa ako sa kanya? Sa ‘yo na si Tyler, kung gusto mo lunukin mo ng buong buo. Wala akong paki. Okay. At kung ang kinakatakot mo naman, eh aagawin ko sa ‘yo si Tyler. No Myra. Sa ‘yong sa ‘yo na siya.” si Tyler naman ang tinignan ko. “At ikaw Tyler, sorry. Hindi kasi ako bumabalik sa ex ko. So stop flirting with me.” mataray na sambit ko at agad ko silang tinalikuran. Bahala silang dalawa mag-away ni Myra. Agad naman na tumakbo palapit sa akin ang kaibigan kong si Kath. “Sino sila? Bakit mo sila inaaway?” curious na tanong sa akin ni Kath. “Wala ‘yon, ‘wag na natin silang pag-usapan.” Kumapit sa braso ko si Kath. “Mm… Okay! Sabi mo eh. Tara na, bili na tayo ng Ice cream para makauwi na tayo. Maaga pa tayo bukas.” Masaya kaming naglakad ni Kath palayo sa lugar na pinagdausan ng contest. Habang nakapila kami sa counter sa loob ng convenience store. Bigla akong nakaramdam ng labis na kalungkutan dahil may nakita akong babae na may kargang baby girl. Naalala ko tuloy ang baby Hazel ko… Tiis lang muna tayo baby ko. Babalikan kita…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD