Sapo pa rin ni Storm ang pisnging nasampal kahit wala na si Maid. Mainit na mahapdi ang parteng iyon ng kanyang mukha. Napalunok siya ng ilang beses habang hindi siya makapaniwalang sa ikalawang pagkakataon ay napadapo ni Maid ang kamay sa kanyang mukha. "Eh gago ka eh!" kastigo niya sa sarili. Inaamin naman niyang kasalanan niya. Paanong hindi siya masasampal eh hinalikan niya ito. Muli siyamg napalunok habang pinadaan ang dila sa kanyang labi. Tila nalalasahan pa niya ang labi ni Maid. It's sweet and innocent. At sigurado siyang it was her first kiss. Gago siya! Hindi niya napigilan ang sarili. Nabighani siya at naenggganyo. 'Kung puwede ay balewalain mo ako' Her words keeps on repeating in his mind. Tila naririnig pa nga niya iyon nang paulit-ulit. Kasalanan niya pero, masakit a

