"Maid naman..." tila takot habang lumalapit sa kanya si Greta. "Bakit mo ginawa iyon?" ika nitong takot man ay may pag-aalala pa rin naman na mababanaag sa mukha. Alam niyang nag-aalala ito sa kanya dahil sa nangyari sa kusina. Paano ay talagang nawalang na siya ng pasensiya sa lalaki. Hindi ba ay sinabihan siyang huwag paharang-harang dito. Iniwasan na niya ito para walang gulo. Kaya hindi niya maintindihan, bakit ito naman ang tila lumalapit. Ito ang paharang-harang sa pagtatrabaho niya ng matiwasay. Nang umalis siya sa harapan ni Storm kanina ay nagtungo na lamang siya sa likod ng mansiyon para huminga. Bukod kasi sa inis ay kay lakas ng kaba niya sa dibdib. Siyempre, amo pa rin nila ang lalaki at nagawa niya talagang sungitan ito. Gusto rin lang niya kasi kumawala sa kung anong kaba

