Tahimik siyang pumasok sa loob ng bahay kaya hindi niya maiwasang maulinigan ang dalawa pang katulong na nag-uusap habang naglilinis sa living room. "Naku, ayaw kong i-train iyong bago. Mukhang malapit kay Miss Rainnah, baka siya pa dahilan para mapalayas ako. Parang may special tretament eh," aniya ng isang katulong. Nasa kuwarenta na siguro ito at isa ito sa nakikita niyang kasama ni Aling Susan sa pagluluto. "Hindi naman siguro, Helen. Ikaw talaga," saway naman ni Lory na siyang kausap nito. "Naku, hindi ba at iyon din ang dinala ni Miss Rainnah dito noon. Baka nga mata pa ni Miss Rainnah iyon sa atin..." "Hmmm," pagtikhim niya para kunin ang atensiyon ng dalawa. Nabigla ang mga ito at napayuko nang makita siya. "Senyorito," anya ni Helen na tila nahiya sa nasabi. "Are you here

