UNO ( FIRST PERSON POV) In an instant my world turned upside down. Pagod na pagod ako kakaisip kung paano ko susuyuin si Mika pero hindi ko rin alam kung paano ko gagawin at kung saan ako magsisimula. I don't know what to do. Ilang araw na akong ganito. Palaging gapang kung umuwi dahil sa kalasingan. Araw-araw gano'n. Araw-araw laging lasing at walang ibang ginagawa kundi ang mag kulong sa kwarto at mag-isip but then I always found myself crying in the dark. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala akong ibang iniisip kundi si Mika. She is always in my mind and in my heart. Nasanay na ako na palagi siyang kasama kaya ngayon hirap na hirap ako na wala siya. She's my life at kung ako pa rin ang tatanungin, wala akong ibang gusto kundi siya lang. Siya lang habang buhay. Hating gabi na naman at

