MIKA Nasa shop ako at abala sa pag intertain ng mga customer nang biglang dumating si Alli. Kasama niya si Kaden at Yusof. I smiled at them then faced the two customers. Si Hannah ang sumalubong sa kanila. Nakita ko na binigyan sila ni Hannah ng upuan pero si Alli at Yusof lang ang umupo. Nagtaka ako dahil bigla ulit bumalik palabas ng pinto si Kaden. May isang magandang babae ang makakasalubong niya palabas pero nagulat ako dahil basta iyon hinapit ni Kaden ng mag tapat sila. Napaawang ang bibig ko. “Thank you, Miss Mika! Balik kami dito sa susunod.” Sabi ng isang customer kaya napaharap agad ako sa kanila. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. “Sure, basta invite niyo mga friends ninyo ha? Anniversary namin this coming month. Marami kaming mga freebies sa mga bibili ng one K plus.” Nag

