UNO Napatigil ako sa pagsubo at nilunok agad ang natitirang laman ng aking bibig ng makita kong dumating si Salvador kasama si Mika? Tangina, anong ginagawa niya dito? Dito pa talaga ang second meet namin sa Isla Verde? Hindi ba pwedeng doon na lang ulit sa bar? Ibinaba ko ang kutsara sa plato at binilisan ko ang pag inom ng tubig ng maabot ko ang baso. Parang hinahabol ako ng asong ulol dahil sa pagmamadali. Akmang titingin si Mika dito sa tent pero hindi ko hinayaan na maabutan niya ako na nakatingin rin sa kanya kaya ang ginawa ko, nag kunwari akong may binalingan sa kabilang direksyon kung saan naro’n kumakain si Ryuku at asawa niyang si Ashley. Sa kabila nila, katabi ni Sirius ang asawa niyang si Lexie. Sabay silang apat na napatingin sa akin. Nag patay malisya akong ngumisi sa

