UNO (FIRST PERSON POV) “I need to go home later, bro..” imporma ko kay Ryuku ng matapos ako sa aking ginagawa. He immediately looked at me but seemed surprised by what I said. “Sira ang bangka, bro. Ang isa ay nasa pagawaan pa rin.” Sabi niya. May ginamit kami kanina ng tumawid dito sa Isla. “Yung ginamit kanina, nasaan ‘yon? ‘Wag mong sabihing sira din?” Tumango-tumango siya kaya napabuntong hininga na lang ako. No. Hindi pwede na hindi ako uuwi. Kahapon hindi ako pummalya na dalhan ng pasalubong ang Misis ko. Kahit sobrang pagod ako kahapon galing sa Isla na’to, pumilit akong makauwi. “Bakit lahat ng bangka niyo dispalinghado? Kailangan kong makauwi mamaya, bro!” “Ginamit sa rescue operation ang mga bangka no'ng kasagsagan ng bagyo kaya halos lahat hindi mapakinabangan.” Paliwa

