MIKA “Saang lugar ba ang medical mission niyo?” “Isla Verde, in Batangas.” Isla? Ibig sabihin hassle ang sakayan dun papunta at pabalik. Dahil do'n may pagtataka ko siyang binalingan pero hindi ko sukat akalain na magtatama ang mga labi namin. Natigilan ako at namilog ang mga mata ko dahil ng akma kong hilahin pabalik ang aking sarili pero hindi ako nagtagumpay dahil kusang pinigilan ni Uno ang batok ko dahilan para lalong magdikit ang mga labi namin. “I want to kiss you so surrender your lips, please…” samo niya ng bahagya niyang paghiwalayin ang mga bibig namin. Hindi ko tuloy alam kung nagpapaka-gentlemen ba siya o ano para mag paalam pa sa akin gayong nasakop na naman niya ang labi ko. Naging pipi ako at hindi na pinilit na magsalita dahil kusa nang pumikit ang mga mata ko

