MIKA Umabot ng tatlong araw ang hindi pag pansin sa akin ni Uno kaya parang gusto ko na lang umalis dito sa condo niya kahit hahayaan ko na lang siya na ibalik ang pag demanda sa akin. Parang hindi ko kaya tumira dito na kasama siya tapos ang trato niya naman sa akin ay parang pader lang na kapag nakikita niya ako, hindi niya ako pwedeng banggain dahil alam niya na masasaktan siya dahil sa tigas ko. Kung sana naging pader na nga lang talaga ako. Araw-araw palagi ako nangangapa na imikan siya kahit na minsan pinipigilan na ako ng kaluluwa ko na huwag siyang pansinin pero ang ending, legwak. Dedma ako na para bang virus ako na walang kakayahan na pumasok sa sistema niya dahil doctor siya. Nang pa apat na araw, hindi ko naabutan si Uno ng magising ako. As usual alas kwatro pa lang ng uma

