MIKA “Hindi kami pwede mag tagal dito. Namamahay ‘tong si Niko kaya mahihirapan akong patulugin siya kung dito mo kami patutulugin.” Inunahan ko na si Uno ng makapasok kami sa unit niya. Nararamdaman ko na may binabalak siya kaya uunahan ko na siya! Wala siyang karapat na sundin ang gusto niya dahil unang-una, hindi ko siya asawa! Ni hindi ko siya magugustuhan kung sakali na magkita ulit kami sa isa pang pagkakataon! Kumunot ang noo niya matapos marinig ang sinabi ko. Karga niya pa rin si Niko habang mahimbing na itong natutulog sa balikat niya. “Ito bang namamahay? Come on, hindi siya mababaguhan dito kung ‘yan ang pinoproblema mo.” “Ah basta, uuwi kami mamaya kapag nagising siya. Hindi ako pwedeng mag tagal dito dahil may shop ako na iniintindi–” “Hindi mo ba talaga binasa ang n

