UNO “Can someone explain to me why I didn't receive a notification from outside that my wife was coming? Matiim at galit niyang usig sa kanyang mga taohan ng makarating siya sa ospital. Nagkukumahog sa takot ang mga empleyado na kaharap niya ngayon lalo na ang matandang guwardiya na wala namang ginawa kundi ang magbukas at mag sarado lang ng entrance door. May tumikhim na isang employee. Naglakas loob ito na humakbang ng isa kaya naagaw nito ang atensyon niya. Tamad niyang tiningnan ito. “Baguhan po doc ang naka-assign sa information desk noong araw na dumating po si Mrs. Lowell at hindi po yata aware sa palaging bilin niyo sa amin. Pero nando'n naman po si Tatang para samahan si Mrs. Lowell papunta sa inyong opisina.” Umiling-iling siya na parang hindi pa rin kumbinsido dahil sa

