MIKA “Ah…dito ka mamaya maghahapunan?” alanganin kong tanong kay Uno pagkalabas niya pa lang ng kanyang kwarto. Tumayo siya sa harapan ko baon ang kalmadong hitsura. “Hmmm, yeah, wala naman akong meeting mamaya. Do you need anything? May mga kulang ba sa lulutuin mo para mabili ko mamaya bago ako umuwi,” aniya sabay tingin sa gawi ng kusina niya. Ang totoo hindi ko alam! Hindi ko pa natitingnan ang mga cabinet niya sa kusina. Sa reef lang ako nagbukas kanina at nakita kong isang pirasong karne ng manok na lang ang nando'n. Nagkamot ako sa ulo bitbit ang pagkahiya sa hitsura. Ano ba yan, Mika! “May nakita akong karne ng manok sa freezer, balak ko sanang…mag tinola mamaya dahil ‘yon na lang naman ang pwedeng maluto doon.” Umawang ang bibig niya saka pilyong ngumisi. Guilty as char

