"Tay, anong gagawin natin dito." reklamo ni Cloud habang bitbit ni Skyler ang isang tupperware na may lamang turon na ginawa ng Lola Cielo habang hawak-hawak ang anak sa kamay patungo sa kabilang bahay. "Napagalitan ako ng Nanay, inaway ko kasi ang Tatay ni Yumi." "Bakit n'yo po inaway?" "E kasi pinapasok s'ya ng Nanay sa bahay natin." "Ano namang pong masama, sabi ni Nanay kababata at kaibigan daw po n'ya ang Tatay ni Yumi." "Oo nga. So, ibig sabihin ba okay lang sa'yo na pati si Yumi makapasok na sa loob ng bahay natin." 'Hindi. Ayoko po." "Kaya nga nagalit ako sa nanay kanina pinapasok n'ya si Anthony na yun s'yempre kasunod nun papasukin na rin si Yumi." wika ni Skyler. "Wag po kayong pumayag Tay." "Yun nga sana ang gusto ko kaso nagalit sa akin ang Nanay mo. Kailangan ko mu

