"Ma'am may bisita po ka'yo?'" tawag ng katulong kay Cleo habang nasa garden sila na pinagawang playground naman ni Skyler. Kanina ayaw ng pumasok ni Cloud dahil gusto na lang nitong mag laro sa playground na pinagawa ng ama. Kung hindi pa ito na uto ni Skyler na pumasok hindi ito papasok. "Sino daw po?" "Anthony daw po." napangiti si Cleo sinabi na nga ba n'ya e na one of this days magiging bisita n'ya ang dating kaibigan na 'di n'ya akalain na magiging bakla pala. Ni hindi n'ya nahalata noon, ang balak n'ya s'ya ang pupunta sa bahay nito kapag kaya na n'yang kumilos ulit ng normal. Kapapangak pa lang n'ya at wala pa 1-month kaya bawal pa s'yang mag kikilos. "Sige, dito mo na lang papuntahin." maya-maya lang bumungad na sa kanila si Anthony na malawak naman na ngumiti ganun din s'ya.

