CHAPTER 1 - Muddy Stares

1627 Words
“Apo kumain ka na dito! Kanina ka pa diyan sa punong mangga nakamasid sobrang lalim naman ang iniisip mo!” ang Lola Mameng ko. Napadpad ako dito sa bayan ng San Manuel pagkatapos lisanin ang magulong mundo ng Maynila. At gustong makapag-isip at ibalik ng buo ang sarili kung binasag ng kasawian sa pag-ibig. “Ilang lingo ka na rito pero bakit sobrang tamlay mo pa rin! Lalo ako tuloy nababahala sa’yo lalo na yung dalawa mung pinsan lagi ka nila tinatanong sa akin! Ang tahimik mo hindi ka man lang nagsasalita masyado, may iniinda ka bang karamdaman, Apo?” ang-alalang titig ni Lola. Hindi ko kasi sinabi sa kanila ang totoong dahilan ng pagpunta ko dito. Ang alam lang nila magbabakasyon lang. At maglanghap ng sariwang hangin sa probinsya. “Okay lang po ako Lola! Ganito lang talaga ako hindi masyadong palakibo!” “Oh, siya! Sumama ka sa mga pinsan mo sa bukid para malibang ka maghahatid sila ng pagkain sa mga tauhan nating nag-aani ng palay doon! “Talaga po Lola! Sige po!” Gusto ko ring ma-divert ang atensyon ko sa ibang bagay para hindi ko maalala ang pilit bumabalik sa isipan ko. Naihanda na nila Carmela at Joshua ang basket na pinaglagyan ng pagkain. Nagpresenta naman akong magdadala ng gallon ng tubig. May kabigatan pero gusto kung sanayin ang aking sarili sa pagbuhat ng mabibigat para hindi naman lumabas na wala akong alam sa buhay nila dito. Sa lungsod ako ipinanganak nila Mama at Papa kaya hindi ko naranasan ang mamuhay sa probinsya. Nakapagbakasyon din kami dito noong elementarya pa ako pero isang linggo lang at bumalik din kaagad kami ng Maynila. “Insan okay ka lang ba? Baka mabigat sa’yo palit na lang tayo nitong dala ko! si Joshua na pakimbot kimbot pa kung lumakad. “No, kaya ko na!” hindi naman pwedeng siya ang magdala tiyak masisira ang poise niya. Bakla ang pinsan kung ito at pinababayaan lang nang buong angkan dahil matalino at madiskarte lang talaga nito. “Ayusin mo nga ang lakad mo Diosa!” ito ang tawag ni Carmela sa kapatid. Nang narating namin ang malawak na palayan kaagad akong napatayo at nilanghap ang sariwang hangin na dumadampi sa nga pisngi ko. “Sa atin ba lahat na ito? “OMG, hindi po Insan, ito lang ang tinatayuan natin! Nakita mo iyang malawak na lupain sa kalayuan at napapalibutan ng bakod pag-aari iya ng pamilya Santillan!” kwento ni Joshua na parang kinikilig pa. “Sila ang mayamang angkan dito sa Tarlac at ang lupain na ito ini-award lang kay Lola ng Agrarian Reform Program ng gobyerno pero noon sakop pa ito sa mga lupain nila!” “Mayaman pala nila kung ganoon! “Superb…hmmmm, ang yaman talaga ni Papa LD!” pakimbot kimbot ni Joshua. Napapatawa siya sa kilos ng pinsan nito. Pagkatapos kumain ng mga tao kaagad din nagyaya si Carmela na mamitas kami ng mangga sa dulo ng lupain. “Carmela, baka mahuli tayo!” si Joshua na may takot ang mukha. “Saglit lang naman, at saka hindi nila tayo mahahalata! Mayabong ang talahiban sa bandang roon!” matapang na sabi. Natatawa ako sa ibig gawin ng pinsan ko. Akala ko sa aming sakop na lupain ang tinutukoy nito pero hindi pala. “Ako naman ang kukuha kaya relaks lang kayo!” matapang niyang sabi. Tama nga si Carmela napakabilis nitong umakyat sa bakod at naipuno ang plastic bag na dala nito ng manggang dilaw at ilang mga hinog. Nagtatawanan pa kaming binabaybay ang sementadong daan pabalik ng bahay habang dala-dala ang kinuhang mga mangga. “Sobrang galing mo Carmela, sanay na sanay ah!” biro pa ni Joshua dito. “Alam kung wala si Mang Colas pag ganyang oras kaya kampante ako!” napahagikhik pa ito. Napatigil kami nang may paparating na dalawang itim na sasakyan na tilang nagmamadali. Pumagilid ang dalawa kung pinsan pero nahuli ako sa aking mga kilos at tuluyang tumilapon ang putik sa aking mukha buhat sa gulong ng sasakyan. Napatili ako dahil sa gulat at takot. “Walang hiya! Lumabas ka riyan! Porke’t may sasakyan kayo hindi niyo tinitingnan na may taong dumadaan!” pasigaw kung sabi. Nakita ko ang takot sa mukha ng dalawa kung pinsan sa aking sinabi. Basang basa ang dibdib ko sa tumilapon na tubig na may dalang putik. Punong puno ang aking leeg at mukha. Bumukas ang driver set at bumaba ang isang mid-40’s na lalaki. Napapatawa pa ito habang nakatitig sa akin. Ano kaya tingin nito isa akin taong grasa. “Ay naku Iha hindi ka kasi nag-iingat!’ sabi pa nito na tuluyang nagpantig sa tainga ko. “How dare you! Hindi mo ba nakikita ikaw ang may kagagawan nito! Tanga!” pasigaw kung sabi. Napatutop ito sa bibig at tintigan ako ng maigi. Nagulat kaming tatlo nang bumukas ang passenger seat ng kotse at bumaba ang isang lalaki. Napatili si Joshua sa kanyang kinatatayuan at maging si Carmela hindi nakakilos at napatulala. Umikot ito sa bandang kinatatayuan ko. Dito ko lubos nasilayan ang mukha nito. Matikas ang katawan, kayumanggi ang balat at may biloy pa sa pisngi nito at walang kasing-gwapo. Larawan ng isang kagalang galang na tao ang papalapit sa akin. Siguro nasa mid-30’s ito sa tingin ko. “What happen to her? Ang kausap niyang lalaki ang kanyang tinatanong. Buo ang boses nito at may awtorisasyon ang bawat bigkas ng salita. “Natapunan yata Sir ng putik pagdaan ng gulong natin diyan sa lubak na daan!” sabay turo nito sa kalsada. “Dammit!” at pahakbang na lumapit sa akin. napayuko ako dahil nakakahiya ang hitsura ko sa sitwasyon na ito. Ano ba naman ang height ko compare sa matangkad na lalaking ito. Napakalakas ng buntong hininga nito. “This is it I always complain to Engr. Soco na lagyan ng budget ang access road na ito! Kay heto ngayon!” inis ang boses. “I’m so sorry!” ay inangat nito ang panga ko kasabay noon ang pagpunas niya ng kanyang panyo na kinuha sa kanyang bulsa. Lakas loob niyang pinunasan ang puno ng putik kung mukha at maging ang ilang hibla kung buhok. Dahan-dahan ang haplos nito at tilang pinag-aaralan ang bawat hugis ng mukha ko. Nagkahulihan ang aming mga titig na tumagal ng ilang mga minute. Kapwa kami natulala habang maipapaliwanag na nararamdaman. Inipit pa niya ang hibla ng buhok ko sa aking tainga at humaplos pa ulit bago ibinaba ang kamay. He is seriously looking again at me directly on my eyes. Sinisipat nito ang buo kung mukha at nakikita ko ang paggalaw ng adams apple nito na nagpadagdag sa angkin nitong kakisigan. Ang kislap ng mga mata nito na tilang nangungusap. Warning Jasmine Nicole… The image na hindi pwedeng pagkakatiwalaan. Ang mga mukha na hindi dapat pagtuunan ng pansin. Sila ang mga taong sisira ulit sa pilit kung binabalik na kaligayahan. “Salamat sir!” at tumalikod na dito. It’s an alarm sa akin pag ganito ang kaganapan. Tinitigan ko ang dalawa kung pinsan na sinenyasan na aalis na pero patuloy pa rin ang dalawang na-estatwa sa kinatatayuan. ‘Hoy, alis na tayo!” sita ko sa dalawa at doon pa lang nakakilos ang mga ito. “Thank you, Mayor!” narinig kung sabi ni Joshua. Napalingon pa ako sa tinawag nilang Mayor at nakangiti pang kumakaway sa amin kasabay na bumalik sa sasakyan. Nakapalakpak si Joshua habang naglalakad kaming tatlo. ‘Kung alam ko lang na ganoon ang nagyari, sana ako na lang ang natapunan ang putik kanina! Ka-sweet kaya!” “Hoy, bakit kung ikaw pupunasan ba ni Mayor ang mukha mo? Hindi mangyayari! Inggit ka lang kay Jasmine!” si Carmela na natatawa at pilit iniinis ang kapatid. “Cousin, iba talaga ang dating sa’yo ni Mayor ah, tinititigan ka niya kanina nakita ko! Akala ko nga hahalikan ka niya eh!” pabiro at kinikilig na sabi. “I hate boys! At wala akong pakialam sa mga ganyang mukha, manloloko ang mga iyan! Napatutop si Joshua sa bibig nito. “Bakit naman ganoon, huwag mo po sila ilahat, pinsan! Mayor Santillan is my idol, kaya! “Dahil nababaliw ka! Napatawa siya sa sinabi ni Carmela. “Nagsasabi lang naman ako ng totoo sa nakikita ko sa kislap ng mga mata ni Mayor sa pinsan natin!” “Halina nga kayong dalawa kanina pa tayo hinihintay sa bahay!”. Dalian nyo na para makaligo ako!” Ang baho ko na!” Iniba nila ang usapan pero buhay naman ng lalaki ang pilit ikinukwento ni Joshua. Habang sumusunod sa akin dahil hindi na ako sumagot pa sa mga tanong nila. Napag-alaman kung Si Mayor Lucas Dominic Santillan pala ang totoong pangalan nito. At hindi lang Mayor ito, nag-iisang tagapagmana ng malawak na lupain sa iba’t ibang bayan ng Tarlac at kilalang Hacienda Domino na may-ari ng lupaing tinatanaw ko kanina. Kaya pala sobrang takot ng mga pinsan ko pagkakita rito. Simple lang naman nito kung manamit na hindi mo kaagad makilala. “Lola hulaan mo kung sino ang pinakamaganda sa amin!” pabidang sabi ni Joshua sa pagdating ng bahay. “Lahat kayo siyempre! “Hindi Lola Mameng, may nanalo na po sa paligsahan!” “At ano naman na kalokohan iyan Diosa!” kahit ang Lola namin ganito rin ang tawag kay Joshua. “Jasmine and Mayor Lucas po!” Sa wakas nagkita na rin sila ni Papa LD ko!" At sabay pabidang kwento nito kay Lola na tilang naaaliw pa sa takbo ng usapan. “Hoy, anong nagkita ha! Sita ko dito. “Mag-ingat kayo lagi! Hindi natin alam ang panahon ngayon! At sa susunod huwag na kayo pumunta doon sa bukirin! Mas mabuti pa doon na kayo sa bayan simula bukas sa tindahan tumulong!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD