CHAPTER 2 - Nakaw na Halik

1736 Words
Maaga pa ginising na kami ng tilaok ng manok sa likod bahay. Ito ang hudyat na kailangan ng bumangon para maghanda. May maliit na tindahan si Lola Mameng doon at ang Mama nila Josua ang bumabantay pero dahil sa bumalik ang sakit ng tuhod nito kaming tatlo nag inatasan na pansamantalang magbantay dito. Dinala ko dito sa probinsya ang aking sasakyan para mas mabilis kung may gusto akong puntahan. Ito ang regalo ko sa aking sarili sa 30th birthday ko nitong taon. “Jas mabuti naman at mabilis tayo makakarating sa bayan pag ganito!” si Joshua at pinapahiran ng lipstick ang bibig nito. Napapangiti siya sa pinsan sobrang maarte sa katawan daig pa silang dalawa ni Carmela kung pumorma. Sa loob ng tindahan ang pwesto. At mix groceries and fruits ang itinitinda dito. “Hello, mga suki! Halina kayo may libreng ngiti at libreng hawak sa kamay ng mga magaganda!” malakas na boses ni Joshua at masayaw-sayaw pa sa harapang tindahan. “Wow, Diosa may na-pirate ka yatang artista at pinabantay pa ng tindahan ah!” sabi ng isang lalaki kaharap lang ng kanilang puwesto. “Of course, sa lahi kaya namin ang artistahin! Kaya bili na may kiss kayo sa akin!” pa-gimmick nitong salita. Siguro tama si Joshua pa-bwenas talaga kami sa negosyo dahil malaki ang naibenta namin nitong araw. Dahil hindi pa makakabalik si Tita kami na lang ang inaasahan na magbantay. Graduate na rin ang dalawang pinsan kung ito sa HRM at BSBA pero hanggang ngayon wala pa ring balak magtrabaho. “Nandito muna kayo ha at iikot lang ako sa buong area!” si Joshua na alam na nila kung ano ang gagawin. Maghahanap lang naman ng mga gwapong prospect doon sa loob ng public market. Marami pa naman ang bumibili dahil market day ngayon. Nakaka-bwesit talaga dahil may bumibili sa loob ng grocery at mayroon pang bumibili ng prutas sa harapan. “Car, ako na lang dito sa harapan magbantay!’ presenta ko dito. Mas mabilis lang kasi imemorya ang presyo ng mga prutas compare sa groceries kasi sobrang dami. Kahit may masterlist pero kailangan mo pa rin alamin lahat para mas mabilis. May bumili ng tatlong kilo ng mangga kaya napilitan akong tumingkayad para abutin ito sa loob ng box. Kunti na lang kasi ang nasa display kaya kailangan kung i-replace ito. “Good morning, Mayor!” boses na narinig ko. Kaagad akong bumalik sa pagkakatayo kaya lang na-out balance ako. Dala ko ang box at napatumba. Akala ko sa semento ang bagsak ko pero laking gulat ko nang may may humawak sa beywang ko at niyakap ako para hindi mauntog kasama ang box. Natigilan ako. Nasa bisig ako ngayon ni Mayor Santillan at hindi pa rin niya ako binitiwan. “Hindi ka nag-iingat lagi ka nalang na-aaksidente!” Bilog ang boses na pagkakasabi nito. Habang tinititigan niya ako sa mga mata. “Next time dress properly!” ay bumaba ang titig nito sa suot kung maikling short. “Next time gagawan ko ng dress code itong public market at ipagbawalan ang naka-short dito pag nagtitinda!” lakas loob niyang bulong sa tainga ko. Naitulak ko siya at lumayo dito. “Thank you, Mayor!” at paismid na tumalikod dito at inaayos ang mga prutas na tinda namin. “Kung bibilhin ko ba ang lahat ng paninda mo, uuwi ka na at magbihis!” mahina ang boses pero madiin ang pagkasabi nito. Liningon ko siya at inismiran. “Hindi porke’t na Mayor ka ng bayang ito lahat na gusto mo masusunod!” wala sa loob kung sabi. Tumaas ang kilay nito at gumagalaw ang adams apple nito. Namumula ang mukha at masama ang pagkatitig. “Wala pang sumagot sa akin ng ganyan, Miss Jasmine Nicole Magbati ikaw pa lang!” “Paano mo ako nakilala? “Basta mainit sa mga mata ko pinapa-background check ko yan kaagad! Lalo ka na!” at pinisil pa ang pisngi ko. “Manyak!” Hindi ko naman sinadya na iyon ang lalabas sa bibig ko. Lumabas na kasi hindi ko na mabawi pa. Galit ang nakikita ko sa titig niya. Sinaklit niya ako at ninakawan ng halik sa labi at saka binitiwan. Halos buo kung katawan ang naginginig sa nangyayari. It’s a quick kiss but naramdamn ko ang lambot niyang labi na lumapat sa labi ko. “Huwag mo ako hamunin Ms. Magbati, you don’t know me ever!” Huwag mo ako galitin dahil pagsisihan mo na nakilala mo ako!” nagbabanta niyang boses at nakatitig ang seryoso nitong mukha. Inikot ko ang aking mga mata sa amin lahat nakatutok. At tilang sinusundan ang susunod na mga eksena na magaganap. I hate you!” Kagaya din siya ni Michael mapagsamantala. Patakbong pumasok sa pwesto namin. Nanginginig ang mga kamay ko. Nagalit ko yata siya pero ang sama niya. He kisses me without permission. s**t! Nakita ko si Carmela na natulala at hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Pumasok ako sa kurtina kinukublian namin pag kumakain kami doon ko ibinuhos ang sama ng loob ko. Iyak ako ng iyak. Akala ko nakakatakas ako sa sama ng loob pero heto na naman parang magdadala naman ng hindi magandang mangyayari. Narinig ko ang boses ni Joshua tiyak ko nakabalik na ito. Wala siya kanina para tulungan ako. Nakahinga na ako saglit. Hinuhupa ko lang ang sarili ko at inaayos ang mukha ko para hindi naman lumabas na haggard. Paglabas ko nagulat ako nang masilayan na nakasarado na ang pwesto namin. At nagbibilang na si Joshua ng benta. Mag-alas tres pa lang ng hapon. Masyado pa maaga para mag-close nakagawian naming magsara ay alas-sinco na. “Ano ang nagyari? “Ano pa e di utos ni Mayor!” na-excite pang tugon ni Joshua. “Masaya ka pa isinarado na nga ang pwesto natin oh! “Bayad na yan lahat! At ang prutas ipapakuha niya lahat dito para ipamigay sa orphanage! Ayaw mo ‘yun makakauwi ka na kaagad at maka-beauty rest!” si Joshua na may ibig itumbok. “Saan na siya? “Kung ikaw ba naman takbuhan tatayo ka lang ba, e di umalis na! Pero galit si Mayor yata sa’yo eh!” sabi nito. Mas lalo gumulo ang isip ko. Hindi pa nga ako nakapag-move on sa ginawa ni Michael sa akin tapos heto naman ang another na nagpapagulo sa isip ko. Sinabihan ko ang dalawa na hindi magsumbong kay Lola dahil baka magalit ang matanda. Kinabukasan hindi na ako sumama pa sa bayan para magtinda. Sobrang nakakahiya ang nangyari kahapon at tiyak ako ang pag-uusapan sa buong palengke. Bago pa lang ako sa lugar na ito pero parang papagkit pa yata ang pangalan ko sa buong lugar na ito. Hinatid ko lang ang dalawa sa palengke pero hindi na ako bumaba pa. Diretso kaagad ako pauwi. Kailangan kung umiwas baka mas lalo pang lumala ang lahat pag magkasalubong ulit ang landas namin. “So ano naman ang gagawin mo! Ma-boring ka lang dito Apo!” “Mamasyal ako mamaya Lola! Hihiramin ko lang ang bike ni Carmela! Gusto ko din umikot sa lugar na ito!” “Bahala ka basta mag-ingat ka! Huwag ka magpagabi!” “Hindi po Lola susunduin ko pa sila Joshua mamayang hapon sa palengke! Mababa ang BMX ni Carmela kaya kay bilis itong dalhin. Suot ang skin tone na leggings at pinatungan ko ng maikling short partnered with sleeveless shirts. Binaybay ko ang daan na sementado dahil sa kabilaan ng kalsada ay panay palayan. Napakasarap mamuhay sa lugar na ito pawang preskang hangin lang ang iyong malalasap. Saglit akong umupo sa puno ng kamatsili sa gilid ng daan para magpahinga saglit at uminom ng tubig. Pag ganitong nag-iisa ka Malaya ang isipan mong makapag-isip ng mga bagay at timbangin ang lahat lahat na nagyayari. Napakasarap ng hangin na tilang nakakaantok. Isang busina ng sasakyan ang nagpabalik sa aking katinuan. Nakaidlip yata ako. Isang Ford Ranger ang tumigil sa tabi ng bike ko. “Hindi nagtinda pero nandito naglakad mag-isa na walang kasama!” isang baritonong boses. Mayor Santillan driving a car. At pabagsak na bumaba ng sasakyan nito at kaagad na nakalapit. “Hindi mo ba alam na delikado ang lugar na ito! Lugar ito ng mga nag-session na mga drug addict! You always put yourself in danger!” Ipinagpag ko ang aking sapatos at tumayo. “Salamat sa paalala Mayor! Sige babalik na lang po ako!” at kaagad akong tumalikod. Naramdaman kung may hindi talaga mangyayari pag patuloy pa ako makikipag-usap dito. Pero hinawakan niya ang kamay ko. “Hop in!” turo niya sa sasakyan nito. “Huwag na po! at kumawala ako sabay kuha ng bike ko at pinatakbo ng matulin. I need to run fast dahil baka ano na naman ang gagawin niya. Naipasara na nga niya ang tindahan sa wala sa oras kahapon. Pero kung gaano ako kabilis magpadyak ng bike mas mabilis din na pumaharurot ang sasakyan nito at hinabol ako. “Don’t dare to run away lady! Maabutan din kita kahit saan ka pa pumunta, ‘You better STOP!” seryosong boses nito. Pawis na pawis na ang mukha ko kaya tumigil na ako. Ano ba naman ang laban ko sa sasakyan niyang dala. Kaagad inihagis nito ang dala kung bike sa likuran ng sasakyan. Inalalayan niya ako na makapasok sa passenger seat nito. Napakabango ng loob. Napuno yata ng pabango ang loob ng sasakyan na ito. Nanunuot at halimuyak nito ay nagpapagaan sa pakiramdam. ‘Punasan mo ang mukha mo!” sabay abot ng towel. Napatingin lang ako saglit at kinuha din naman. Pawis na pawis talaga ako. “Hindi na kita hahawakan dahil baka sabihin mo binabastos kita! Hindi ko gusto malagay sa limelight ang pangalan ko sa buong San Manuel! Kaya nag-iingat lang!” patuloy pa rin sa pagmamaneho. “Sa pinakaayaw ko sa lahat ang hindi sumusunod sa gusto ko! And I hate you for opposing me!” “Hindi mo ako constituents and neither one of your voter kaya may karapatan akong hindi susunod sa’yo! “As long as you are in my territory you must follow me!” “Ano ba ang ipinupunto mo ha! Mayor ka nga ng bayan na ito pero sana naman respeto lang sa privacy ng simpeng mamamayan!” Napahinto ito bigla at tumitig ng buong tapang. “Because I can do what I want! Napatahimik na lang ako hindi na ako nakipaglaban pa ng usapan dahil alam ko magtatalo lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD