“Kay Mayor Santillan sasakyan yun ah!” tanong ni Lola Mameng.
“Opo La, hinatid niya po ako dito sa bahay nadaanan niya po ako sa highway!”
“Aba paano naman kayo nagkita pinapasundan ka ba niya!
‘Hindi po!
“Alam ko ang ugali ng unico iho ng mga Santillan kung ginusto niya kukuhanin niya talaga kahit gaano pa iyan kahirap!”Hindi lang Mayor iyang si Dominic kilala iyan sa dami at papalit palit na babae! Ewan ko ba bakit hanggang ngayon hindi pa rin iyan nag-aasawa!” Kaya ikaw mag-ingat ka baka nagustuhan ka niya!” ang narinig kung sinabi ni Lola.
“Huwag po kayo mag-alala Lola tapos na po ako diyan! Hindi ko na po iniisip ang bagay na iyan dahil pareho lang ang mga iyan, mga manloloko!”
“Nagsasabi lang ako pero ikaw naman ang magpapasya para sa sarili mo! Nakita ko lang na nagkaroon ng interes ang binatang Mayor sa’yo!”
Pagkatapos kung maihatid ang dalawa sa palengke kaagad ako pumunta ng bayan para mag-withdraw ng pera. Nauubusan na kasi ako ng cash. At saka kailangan ko ring bumili ng cellphone para magagamit ko. Iniwan ko lahat ng alala-ala sa Maynila maging ang mamahalin kung phone iniwan ko ito.
Tanghalian na nang marating ko ang bahay ni Lola. Sa malayo pa lang nakita ko na may nakaparadang sasakyan sa tapat.
Tilang may panauhin si Lola sa araw na ito.
Isang nakaupong matanda at kausap ni Lola Mameng.
“Heto na pala ang Apo ko Berto!” at sa akin sila nakatingin.
Nagmano muna ako at umupo sa itinuro ni lolang upuan.
“Apo pumunta dito si Berto para ipagpaalam ka sana na kuning isa maging fiesta muses. Nalalapit na kasi ang fiesta dito sa bayan!”
“Lola nakakahiya po at saka marami naman diyang tagarito na deserve ang ganyan!”
“Anak pera ang kakailanganin para manalo at hihiranging fiesta queen, ikaw kasi ang nagustuhan nilang i-fund para sa asosasyon sa public market!” Ikaw ang napagbotohan na maging representative nila!’ mahabang litaniya ni Lola.
Parang hindi yata siya makakaayaw tilang may initial talk na yata ang dalawang ito.
“Iha, marami kayong mga relatives ng lahat na vendor doon ang pinagpipilian pero sa’yo talaga bumoto ang karamihan kaya kita pinuntahan para hingin iyon kay Lola Mameng!”
“Lola…hindi po kasi ako sumasali sa ganyan po!”
Napangiti ang sobrang tamis ang Lola na tilang na-excite pa sa maaring maganap.
“Sige na Apo, ipapanalo kita!”
“Hay naku Lola! Sobrang gastos po iyan!”
“Jasmine may financial assistance din na ibibigay ang opisina ni Mayor Santillan sa lahat na mananalong muses na maaring gamitin sa rental ng gown at pag-hire ng make-up artist!” At saka nandiyan din naman ang buong Market vendors para suportahan ka!” si Berto na hinihimok talaga ako na magdesisyon.
“Sige na Apo, payag ka na di ba!
Pinal na mungkahi ni Lola na ito na yata ang magdesisyon para sa akin.
Isang buntong hininga na lang ang naisagot ko sabay tumango na lamang sa kaharap ko.Sino ba ako para tumutol sa kagustuhan ng Lola ko. Kung masaya siyang makikita ako sa sumali sa ganito, so be it.
“Hay, naku Insan kailangan mo nang sumunod bukas sa palengke para makuha natin ang suporta ng mga vendors doon at maparami ang fund natin para sa canvassing!” si Joshua nang parang ito pa yata ang tatayong campaign manager ko.
“Oo nga! Sigurado makakaipon tayo sa solicitation natin!” dugtong din ni Carmela.
Sa aking pagbabalik sa tindahan nakikita ko ang mga mata ng mga market vendors na madadaanan namin ay parang lahat nakatingin.
“Joshua may sulat ka doon sa BOD quarters!” sabi ng isang vendors.
Habang nagbabantay kami ni Carmela kanina ko pa napansin ang dalawang lalaki na tilang umaaligid sa pwesto namin. Hindi ko lang masyado pinansin dahil akala ko mga simpleng mamimili lang pero nang kalaunan hindi naman sila umaalis at panay ang sulyap nila sa tindahan.
May maraming mamimili sa araw na ito. Kinuha ko na ang isang upuan sa loob ng tindahan para doon pumuwesto sa labas para mas mabilis ang pagbabantay.
“Miss magkano ang isang kilong lansones? Isang lalaki ang lumapit na halos napupuno ng tatoo ang buong katawan. Parang nakakatakot tingnan batay sa titig nito at pinapasadahan ng malisyosong tingin ang buo kung katawan. Mabuti nga lang isang leggings ang suot ko pero naka sleeveless naman sa pang-itaas.
“One-twenty po ang kilo Sir!”
“Ang ganda ng lansones kasing ganda ng tindera!” parinig nito.
“Bibili po ba kayo Sir?
“Bibilhin kita baka gusto mo? Ngayon lang kita nakita rito ah!”.
‘Sir nakikipag-usap ako ng seryoso sa’yo sana ganoon ka rin, kung bibili ka pwede kitang ikilo pero kung hindi distorbo ka lang, marami pang nais bumili!” matabil ko ring wika rito, sobrang presko kasi kung magsalita.
Nagalit ko yata dahil hinawakan niya ako ng mahigpit sa balikat at tinititigan ng masama diretsahan sa mata.
“Bitiwan mo ako, pwede ba!”
“Gawin ko kung ano ang gusto ko! sigaw nito.
“Cristobal bitiwan mo ang pinsan ko!” malakas na boses ni Joshua na papalapit sa amin. Nakita niya yata ang ginawa ng lalaki.
Pero ang ikinabigla ko nang may humawak na dalawang lalaki sa tinawag nilang Cristobal at hinatak palayo. Ito kanina ang mga lalaking napansin kung nakatingin sa pwesto namin.
“Thank you mga Sir!” pahabol pa ni Joshua sa mga ito.
Ipinasok ako ni Joshua sa loob ng tindahan.
“Pinsan pwede ba si Carmela na lang ang utusan mong magbantay dito sa labas dahil lalo kang nailalagay sa hot seat! Hayan kahit si Cristobal napansin ka na!” na napakamot pa.
“Kilala mo ‘yon?
“Yap, pinsan iyan ni Mayor Santillan pero nalulong sa droga kaya hayan laging problema! Mas mabuti na nga iyan ngayon at nakakalabas na ng rehab. Center! Pag makita mo iwasan mo na lang!” si Joshua.
Si Carmela na lang ang nag-presenta na magbabantay sa harapan.
Narinig kung may umpukan at nag-uusap sa bandang dulo ng dry goods section kaya tuloy na curious ako.
“Si Mayor umikot sa buong market, baka may report na naman na umabot sa kanya kaya nag-inspection na naman!” narinig ko sa katabing tindahan.
Si Mayor Lucas daw, kung ganoon hindi na naman ako makakaiwas nito. At tiyak magkikita kami ulit after ng nangyari dito sa tindahan.
Nagkunwari akong nag-repack ng wash sugar para doon ako sa loob nakakubli lang.
“Where’s Jasmine? Ang boses na kilala na ng aking pandinig.
“Sa loob po Mayor!” narinig kung sabi ni Carmela
Salamat at wala na akong narinig pang boses na nag-uusap.
“What you’re doing!” ang boses na nagpakislot sa akin. Nakapasok na pala ito sa loob ng pwesto at tinititigan ako na tilang galit ang mukha.
Napaupo ako at iniwan ang aking ginagawa.
“Magandang araw Po Mayor!” magalang kung sabi pero sa nakita ko sa reaksyon ng mukha nito nakaramdam ako ng kunting takot.
“Anong ginawa ni Cristobal sa’yo? Buo ang tinig nito.
“Wala hinawakan lang niya ako sa balikat!
“Ganoon lang? parang hindi pa yata kontento sa naisagot ko.
“Wala na nga!
Pinasadahan niya ako tingin papunta sa aking balikat.
“s**t!” At lumapit ito sa akin at hinawakan ang bisig ko. “Walang ginawa pero namumula ang balikat mo!” naiinis na boses.
“Wala po iyon! Okay lang po ako!
“Dammit Jasmine, huwag mo akong pinu-“Po”, I’m only 35 years old, ganyan na ba katanda ang tingin mo sa akin? Call me Luke!
“Pero Mayor!
“I said Luke! You do it or I will make thing that urge you to follow me!” buo ang boses na binitiwan nito.
Napabuntong hininga na lamang ako para matapos na ang usapan.
Nanatili pa rin siyang nakatayo habang minamasdan ang bawat kilos ko sa loob ng tindahan.
“Insan ipinabigay pala ni Tito Berto ang sobre para i-distribute later!” dumungaw si Joshua buhat sa labas.
Napasunod ang mata ni Lucas sa iniabot ni Joshua.
“What’s that?” kay Joshua ito nakatingin.
“Mayor si Jasmine pala ang napili naming na maging pambato para sa fiesta queen!”
“At pumayag ka kaagad sa alok nila?” sa punto ng tinig nito parang ayaw pang pumayag.
“Mayor..!
“Luke!” tumaas ang isang kilay nito.
“Wala din akong magagawala si Lola Mameng ang pumayag!”
Napabuntong hininga ito at napailing.
“Mayor ok lang po iyan mananalo o matalo basta may representative lang ang mga market vendors! Masaya na ang lahat!” si Joshua.
“Bakit hindi ninyo pinilit si Benita di ba siya din ang interesado pumunta pa yan sa opisina ko noong nakaraang araw!
“Lahat na BOD po ibinoto si Insan, wala yatang patatalo ang ganda ng representative naming kahit wala pa yang make-up!” pagmamalaki ng aking pinsan.
Napailing na lamang ito at napakamot sa kanyang ulo. Sabay kuha ng telepono nito sa kanyang bulsa.
“Give the list of all the fiesta queen candidates!” ang sabi nito sa kanyang kausap.
At pinasadahan ako ng tingin na wala lamang sinabi pa sabay talikod na walang iniwang salita.