Kinabukasan ay nagising ang dalaga sa hagikhikan ng anak at asawa niya. Pagdilat niya ay nakatitig ang dalawa sa kaniya. "Good morning, Mama," nakangiting bati ng anak niya. Kaagad na napangiti si Khadessi. "Good morning, wife," saad naman ng asawa niyang sobrang lapad ang ngiti. Mukhang alam na niya kung bakit maaliwalas ang gising nito. "Good morning," natatawang saad niya sa dalawa. "Let's go downstairs. Let's have our breakfast," saad ng binata sa kaniya. Kaagad na tumango ang dalaga. "Susunod na ako," ani ng dalaga. Karga naman ng binata ang anak nila at masayang lumabas ng kuwarto. Tumayo naman ang dalaga at nag-ayos ng sarili niya. Sabado ngayon at walang pasok. Date ngayon ng anak niya at ni Creed. Alam niyang babawi ang binata sa anak nila. Matapos makapaghilamos at mags

