Kabanata 8

1015 Words
Kinabukasan ay maagang nagising ang dalaga. Tumayo siya at naligo. Nagtimpla ng kape at nag-prepare ng agahan. Nagdalawang isip pa siya kung aakyat ba siya upang gisingin ang binata o hindi na. Sa huli ay napagdesisyonan niyang puntahan ito. Mahinang kinatok niya ang pinto subalit walang reaksiyon mula sa binata. Pinihit niya ang doorknob at tiningnan. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakatihaya ang binata. Walang suot na damit at tanging boxers lamang nitong itim ang suot. Napalunok siya nang lumandas ang tingin niya mula sa maamo nitong mukha hanggang pababa nang pababa. Ang tiyan nitong mabato at ang gitna nitong sumasaludo. Napakurap ang dalaga at mabilis na isinara ang pinto at napahawak sa dibdib niya. "Nagkakasala ka na naman," ani niya sa sarili. Naisipan niyang huwag na munang distorbohin ang binata. Nag-iwan na lamang siya ng sulat katabi ng pagkain nito. Nagpedal siya at umalis na. Mabuti na lamang at hindi pa gising ang kapit-bahay nila. Pero sa hinala niya'y bagong pag-uusapan na naman kapag nagkataong may nakita silang lalaking lumabas sa bahay niya. Sa tingin niya ay magiging okay naman na ang binata sa bahay niya. Creed opened his eyes and smiled. Sininghot niya ang pillow na ibinigay ng dalaga kagabi. Bumangon na siya at isinuot ang kaniyang damit. Binuksan niya ang pinto at tinawag ang dalaga. "Khadessi?" tawag niya subalit walang sumagot. Bumaba siya at pumunta sa kusina. Nakita niyang may maliit na papel na nakapatong sa pantakip ng pagkain. Kaagad naman niyang binasa iyon. Senyorito, Nauna na po ako dahil may trabaho pa po ako. Kain na lang po kayo riyan. Paki-lock na rin ng pinto ko. Nasa ilalim ng paso ang susi. Salamat! Khadessi Napangiti ang binata at sinimulang kainin ang hinandang sandwich ng dalaga. Napangiti siya knowing how thoughtful Khadessi was. Matapos kumain ay hinugasan niya ang nagamit na kubyertos. Marunong naman siya. Matapos ay sinunod niya ang sinabi ng dalaga. Naglakad na siya papunta sa kinaroroonan ng kotse niya. Binuksan niya iyon at nag-drive na pauwi. T'saka lang niya napansing alas nuwebe na pala ng umaga. And he lied about his car being broken. He just want to know some informations about her. Lahat iyon ay naging daan upang mas naging interesado pa siya sa buhay ng dalaga. Mabilis na pinatakbo niya ang kaniyang sasakyan at iginarahe. Sa susunod na araw ay birthday na niya. He went inside and called Manang Martha. Magkaharap sila ng matanda sa opisina niya. "Magandang umaga po, Senyorito," bati nito sa kaniya. Tinanguan lamang ito ng binata. "Upo po muna kayo," ani niya. Kaagad naman itong tumalima. "Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nito sa kaniya. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "This is about, Khadessi," simula niya. "Bakit po, Senyorito? May problema po ba kay, Esay?" tanong nito sa kaniya. Umiling naman ang binata. "I just want her to stay in the mansion. Gusto kong siya ang maninilbihan sa akin. Is it possible, Manang? " tanong niya rito. Kaagad na napangiti ang matanda. "Wala pong problema, Senyorito. Mapagkakatiwalaan po ang, Esay namin. Maaari po bang malaman kung bakit siya po ang napili ninyo? " tanong ng matanda. "Dahil sa lahat ng utos ko, siya lang ang marunong sumunod, " sagot ng binata. Napatango naman agad ang matanda. "Makakaasa po kayo, Senyorito. Paniguradong matutuwa ang batang iyon kapag nalaman niyang magkasama na kami rito," nakangiting sambit ni Aling Martha. Napangiti naman ang binata. Ilang minuto pang pag-uusap ay umalis na ang matanda. Kinuha ng binata ang baso at sinalinan ng gin. Ininom niya ito at nakapameywang na nakatingin sa labas. Nakatayo siya sa may glass window. Nakatingin lamang siya sa baba. Natigilan siya at natuon ang pansin sa dalagang nakangiti habang may kinakausap. He took a sip on his gin and grinned. "I will have you, no matter what," mahinang ani niya. Napangiti siya habang nakatingin sa napaka-gandang dalaga. Matapos maubos ang laman ng baso ay bumalik siya sa pagkakaupo. Ilang sandali pa ay kumatok na ang dalaga sa labas. "Come in," matigas na ani ng binata. Yumuko naman nang bahagya ang dalaga at tumayo sha harap niya. Creed signed her to sit. Kaagad naman siyang tumalima. Nakahawak ang kanang kamay ng binata sa baba niya at nakatingin sa dalaga. "I bet you already know why you are here," ani ng binata sa kaniya. Kaagad na napatango siya. "Opo," sagot ni Khadessi. "I want you to be my personal maid," wika ng binata sa kaniya. Tahimik lamang ang dalaga at nanatiling nakikinig sa mga sinasabi niya. "I will give you my schedules everyday para alam mo kung ano ang gagawin," dagdag pa ng binata sa kaniya. Kaagad naman siyang napatango. Kinuha nito ang brown envelope sa gilid at ibinigay sa dalaga. Kaagad naman itong tinanggap ng dalaga. "Pag-aralan mo," sambit niya. Tumango lamang si Esay. "Anyway, thank you for the good breakfast. Here's your key, dinala ko na," ani ng binata at ibinigay sa kaniya ang susi. Tumayo ang dalaga at tinanggap iyon. "Thank you so much," ani ng dalaga at ngumiti. "The next day is my birthday. I want it to be simple and enjoyable. We'll be using the pool. Make sure that it will be cleaned thoroughly, " bilin ng binata sa kaniya. Tumango lamang ang dalaga. "Your salary will be twenty thousand a month," wika ng binata sa kaniya. Kaagad na natigilan siya. "Talaga po ba? " tanong niya na namamangha. Kaagad na napatango si Creed. "Ang laki naman po yata," sagot ng dalaga na ikinataas ng kilay ng binata sa narinig. "Really?" tanong nito. Tumango naman agad ang dalaga. "I want you to come in my birthday party. Not as my personal maid but as Khadessi that you are, " saad ng binata. Nag-alangan naman agad ang dalaga. "Sa susunod na araw na 'yan," nakangiting wika ni Creed. Napatingin naman agad ang dalaga sa boss niya. "Pag-iisipan ko pa po muna. Hindi po kasi ako sanay sa mga ganiyan," sambit ng dalaga. Tumango naman agad si Creed. "I am hoping that you will come," sambit ng binata sa kaniya nagkibit balikat na lamang siya. Tbc Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD