Kabanata 7

1210 Words
Kasalukuyang nagluluto ang dalaga ng hapunan niya. Maaga siyang nakauwi kanina dahil maaga naman natapos ang kanilang ginagawa sa gulayan. May dala siyang patatas, carrots at pechay. Naisipan niyang gumawa ng ginisang gulay. Tiningnan niya ang laman ng refrigerator niyang maliit. May natitira pang karne ng baboy. Kinuha niya iyon at nagsimula nang maghiwa ng kakailanganing pangsahog. Nagsimula na siyang magluto--matapos ay pinatay na niya ang stove. Nakaupo na siya sa lamesa at akma nang susubo nang biglang may kumatok sa pinto. Kaagad na kumunot ang noo niya. Hindi siya mahilig sa bisita lalo na at wala naman siyang masiyadong kaibigan. Nagtataka siya at napaisip kung sino ang kumakatok. Biglang nabuhay ang kaba sa kaniyang didbdib. Napatingin siya sa kutsilyo at kinuha iyon. Itinago niya iyon sa kaliwang kamay niya sa likod at naglakad na papunta sa pintuan. Maingat na pinihit niya ang doorknob at binuksan. Inilabas niya ang kutsilyo at napakurap-kurap. Nasa harapan niya ang Senyorito nila. Mukhang nagulat din sa dala-dala niya. Napahinga siya nang maluwag at kinausap ang binata. "Ano pong kailangan ninyo, Senyorito?" tanong ng dalaga. Nakatayo lamang siya sa hamba ng pinto ng bahay. "Won't you let me in?" tanong nito sa kaniya. Alanganin pa siya na papasukin ito, kahit na amo niya ito ay lalaki pa rin ito. Ilang segundong pagtatalo ng isipan niya ay pinapasok na niya ito. "Pasok po," wika niya at pumasok naman ito. Maingat na isinara niya ang pinto at nilingon ang binata. "Bakit po pala kayo naparito?" tanong niya sa binata. Pumameywang ang binata at napatingin sa kabuoan ng bahay niya. "Nasiraan ang kotse ko," sagot ng binata. Napatango naman agad ang dalaga. Napatingin ang binata sa kusina niya. "Kumain ka na po ba?" tanong ng dalaga. Umiling naman agad ang binata. "Hindi pa," sagot nito. Nahihiyang inaya naman agad ito ng dalaga. "Kain po tayo, kaso gulay lang po ang ulam ko," aya niya sa binata. Ngumiti ito sa kaniya at tumango. "I can be a vegetarian for a night," sagot ni Creed.  Napangiti na lang din ang dalaga. "Tara po, Senyorito," aya niya sa binata. Kaagad na sumunod naman ito sa kaniya. Nakatingin lamang ang dalaga sa binata na sumasandok ng kanin. "Sigurado po ba kayong okay lang kayo sa ulam ko, Senyorito?" tanong ng dalaga sa kaniya. Ngumiti ito at tumango. "Sanay ako sa ganito. I grow up here," ani ng binata. Ibinaling naman agad ni Khadessi ang pansin sa pagkain. Napatingin pa siya sa unang subo ng binata. "It's delicious," wika ng binata. He was not lying. Totoong masarap ang niluto ng dalaga. Napangiti naman ang dalaga. Masaya siya at kahit simple lang ay nasarapan naman ang binata. "How did you learn cooking?" tanong ng binata sa kaniya at sumubo. Lumunok muna siya bago nagsalita. "Sa Mama ko," ani niya. "Mahilig kasi sa pagluluto si, Mama. May restaurant kami noon, na-close na simula noong mawala sila," ani ng dalaga. Kaagad na natigilan ang binata. "You lived alone here, right? Aren't you afraid? May mga relatives ka ba?" tanong ng binata sa kaniya. "Hindi naman ako natatakot, it's been three years since I lived here alone. Yes, I have relatives. Nakatira ako sa kanila noon. But I choose to be alone and be independent. I worked in the morning and study at night," sagot ng dalaga. Napatango naman si Creed halata ang paghanga sa kaniya. "How old are you?" tanong ng binata. Natigilan naman agad ang dalaga sa tanong nito. Tiningnan niya ang binata na pinagsisihan niya. Nakita niya tuloy ang napaka-gandang asul na mata nito. Mabilis na ibinling niya ang tingin sa pagkain. "Don't mind my question," ani ng binata at bumalik sa pagkain. "Twenty-four, I am already twenty-four. Supposedly graduate na ako ngayon. But I stopped for one year noong namatay ang parents ko. And next month hopefully ay ga-graduate na ako sa chosen course ko," seryosong saad ng dalaga. Napatango naman agad ang binata. "You are very hardworking," komento ng binata. Napangiti naman ang dalaga. "Salamat po, ikaw Senyorito? Ilang taon ka na?" balik tanong niya sa binata. Napailing naman ito. "I'll be thirty in the next few days," sagot nito na ikinataas ng kilay niya. She knew that Creed was way more old than her. But she didn't know that he's thirty. Ang akala niya kasi mga around twenty-eight pa ito. "I know, I am too old," natatawang sambit ng binata. Nagkibit balikat naman ang dalaga. "Hindi naman halata eh," ani niya. "Really?" tanong nito. Tumango naman ang dalaga. "Wala po ba kayong planong mag-asawa?" tanong ng dalaga sa kaniya. There was a moment of silence. "I mean, nasa marriagable age na kayo. Financially stable , sobra pa nga sa stable eh. Gwapo rin kayo, I'm sure maraming babae ang magkukumahog sa inyo," saad ng dalaga. Natawa naman agad ang binata at napailing. "Maniniwala ka bang wala pa akong nakikita?" sagot ng binata sa kaniya. Tumango naman ang dalaga. "Oo naman, iyong asawa ng pinsan ko he was thirty-one when they got married," saad niya. Nag-usap pa sila sandali hanggang sa matapos kumain. "Ako na po," ani ng dalaga. Tumango naman ang binata habang nakatingin sa dalagang nakatalikod sa kaniya. "You are very beautiful, are you aware of that?" tanong ng binata sa kaniya. Natigilan naman ang dalaga sa sinabi ng binata. Lihim na napangiti siya at itinuloy ang paghuhugas ng plato. "Maybe because of my race? I'm Filipina-Pakistani," sagot ng dalaga. "Really?" tanong ng binata. Tumango naman siya. "''Yong Mama ko is pure Pakistani. Si papa naman half-German. I got these genes from them," ani ng dalaga. "Are you in a relationship?" tanong ulit ng binata. Umiling naman agad ang dalaga. "I've never been into any relationships," sagot ng dalaga. "Ayaw mo?" saad ng binata. "Hindi naman sa ayaw ko, walang nagtangka," natatawang sagot niya sa binata. Napataas naman ang kilay ni Creed. He saw how vulnerable she was.  "Really?" tanong niya rito. "Sinasabi nila mahirap daw akong lapitan. Hindi makausap, eh hindi naman totoo 'yon. Wala kasi akong masiyadong kaibigan kaya siguro iniisip nilang maldita ako," wika ng dalaga. She wiped her hands and untie her apron. Tumayo na ang binata at pumunta sa sala ng bahay ng dalaga. Umupo silang dalawa. "Hindi pa po ba kayo uuwi?" tanong ng dalaga rito. "As much as I want to but I can't, can I stay here instead?" tanong ng binata. Kaagad na natigilan ang dalaga. Tiningnan niya ang oras at alas ocho na. Napaka-bilis ng oras. "Ahm, hindi po airconditioned ang kuwarto rito," ani ng dalaga sa binata. "I can manage," saad ni Creed. "Hmm, tara sa taas," ani niya, tumango naman ang binata. Nauna na ang dalaga at binuksan ang kuwarto niya noon. Pumasok siya at inayos ang kaniyang higaan. Pumasok naman si Creed. He was just staring on Khadessi's movement. Para bang bawat kilos nito ay ayaw niyang balewalain. "Thank you," mahinang ani ng binata sa kaniya. Natigilan ang dalaga at hinarap siya. Nawala ang ngiti niya nang makitang nakatitig ang binata sa kaniya. "Ahm, matutulog na ako," paalam ng dalaga at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Pakiramdam niya ay biglang sumikip ang kuwarto. Naiwan naman ang binata na nakangiti. He knows Khadessi was shy. Humiga na ang binata sa kama at napangiti. "Thank you," nakangiting sambit niya. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD