Napakurap-kurap ang dalaga at halos hindi na siya makahinga. Lalong inilapit ng binata ang mukha niya sa dalaga. Napapikit si Amira nang tumapat ang labi nito sa taenga niya. She can smell his intoxicating scent. His warm breath and raspy voice that lingers on her. "May malunggay ang ngipin mo. Don't smile it's annoying," ani ng binata. Natigilan si Amira at tsaka lang natauhan nu'ng nakaupo na ang binata sa table nito. Busy na ito sa kinakalikot nitong kung ano sa kaniyang laptop. Kaagad na kinuha ng dalaga ang cellphone niya at napangisi. May dahon nga ng malunggay. "Lintek na lalaking 'to, wala nang ibang ginawa kun'di ang bwesitin ako araw-araw, " mahinang saad niya. Gusto niya sana itong ambahan ng suntok pero baka masuntok siya nito, iyong totohanan na. Napairap na lamang siya at

