"Cindy, turuan mo naman ako gumawa ng f*******: account," ani ng dalaga sa kaibigan. "Oo naman akin na cellphone mo," ani ni Cindy. Kinuha naman agad ng dalaga ang cellphone niya at ibinigay kay Cindy. Pagkakita nito ay kaagad na nanlaki ang mga mata nito. "Wow! Iphone, alam mo bang ito ang latest na model nila? Super mahal nito," ani nito sa mahinang boses. "Talaga? Alam kong mahal ang brand na 'yan pero hindi ko alam na super mahal. Pasalubong sa akin 'yan ni, Auntie kagabi," saad ng dalaga. Hinimas ni Cindy ang cellphone niya at niyakap ito. "Ang suwerte mo talaga frenny. Pa-selfie ako mamaya ha," saad niya sa kaibigan. Kaagad na natawa si Amira at napatango. "Oo na," sagot niya habang nakangisi. Ilang saglit lang ay nag create account na sila. Nag-demo na rin si Cindy kung p

