Kabanata 4

2022 Words
Kinakabahang naglalakad na ang dalaga paakyat sa second floor kung saan naroroon ang kuwarto ng binata. Ramdam niya ang kaunting pawis sa noo. Huminga siya nang malalim bago kumatok. Tatlong katok lang at may nagsalita na sa loob. "Who's that?" tanong ng binata. Halata ang kasupladohan at kalamigan sa uri ng boses nito. Nahihirapan tuloy siyang ibuka ang kaniyang bibig. "Ahm, nandito na po ang agahan niyo, Senyorito," ani ng dalaga. Pilit niyang ikinakalma ang sarili. Naisip niyang hindi nga biro ang kabang nararamdaman ng mga kasamahan niya sa tuwing haharapin ang amo nila. "Come in," sagot nito. Huminga muna siya ulit nang malalim at pinihit na ang doorknob. Maingat na pumasok siya at walang ingay na isinara ang pinto. Pagharap niya ay kamuntik na siyang atakihin sa takot at gulat. "What?" malamig na tanong ng binata sa kaniya. Napapikit saglit ang dalaga dahil bigla na lang itong sumulpot sa harap niya. "W-wala po," nanginginig niyang saad. Tumango ang binata at tumalikod. Napalunok ang dalaga nang makita ang hubad na itaas nito. Bigla ay bumalik sa alaala niya ang nasaksihan. Lalong lumakas ang pagtahip ng dibdib niya. Umupo ang binata sa couch ng malaking living room nito sa loob ng kaniyang kuwarto at nakahawak sa baba niya. Nailang naman agad ang dalaga nang makitang nakatitig ang binata sa kaniya. Naglakad na siya palapit dito at inilagay ang pagkain nito sa ibabaw ng lamesa. Nang maayos na niya ay tumayo na siya at pilit iniiwasang mag-abot ang tingin nila ng binata. "Kung mayroon pa po kayong kailangan, maaari niyo pong sabihin at nang madala ko rito kaagad," ani ng dalaga. "I haven't seen you here. Matagal ka na bang naninilbihan rito?" tanong ng binata habang nakakunot ang noo sa kaniya. "Opo, isa po akong cook sa hacienda. Hindi po ako nakatuka sa mga gawain dito," sagot ng dalaga. Napatango naman agad si Creed at kinuha ang kape niya t'saka sumimsim. "Wala na po ba kayong kailangan?" tanong ng dalaga sa binata. Kaagad namang natigil si Creed sa ginagawa at tiningnan siya. "Are you sure with your question?" sagot ng binata sa kaniya. Nangunot naman agad ang noo niya sa tanong nito. Mahinang tumango ang dalaga. "Sigurado ka bang ibibigay mo ang pangangailangan ko?" tanong ulit ng binata. Kaagad na nagsitaasan ang balahibo ng dalaga sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ang totoong tinutukoy ni Creed. Sa wari niya 'y pinaglalaruan siya nito. "Ibibigay ko po ang tamang serbisyo bilang tagasilbi ninyo, subalit naniniwala po ako na lahat nang hinihingi ay may hangganan," sagot ng dalaga. Kaagad na bumunghalit ng tawa ang binata sa sagot niya. Kumunot naman ang noo ni Khadessi sa reaksiyon nito. "You can go now," ani ng binata at pigil-pigil ang tawa. "Oh, the next time, just knock three times and went inside," ani ng binata. Mahinang tumango naman ang dalaga. Inis na tumalikod naman si Esay. Kung hindi niya lang ito amo ay baka kanina niya pa binagsak ang pinto at pinagmumura ito. Busangot na bumaba siya at pumunta ng kusina. Kaagad namang nagsilapitan ang mga kasambahay sa kaniya. "Napagalitan ka rin ba?" tanong ni Ruth sa kaniya. "Sa ganda mong 'yan binalewala rin pala ni, Senyorito," iiling-iling na ani ni Daisy. Tiningnan niya lamang ang mga ito at lumabas na ng kusina. Nakita niya si Mang Andoy kaya't sumakay na siya sa truck. "Pasensiya na po kayo, Mang Andoy. Naghatid pa po ako ng agahan ni, Senyorito," ani niya sa matanda. Ngumiti naman agad ito. "Okay lang, balita nga roon sa sakahan na napaka-suplado ng amo natin ngayon. May katotohanan ba iyon, Esay o sabi-sabi lang?" tanong nito. "Istrikto lang po siya, kaya nasasabi nilang suplado siya. Batas niya dapat ang nasusunod. T'saka, trabaho rin nating manilbihan nang maayos at naaayon sa gusto niya, kung hindi naman labag sa karapatan natin," ani ng dalaga. Kaagad na napatango ang matanda. "Tama iyan, kung nakabubuti naman para sa 'ting mga trabahante aba'y dapat lang," sagot nito. Matapos gawin lahat ng trabaho ng dalaga ay pumunta na siya sa likod ng kusina upang kunin ang kaniyang bisikleta. Nagmamadali siya lalo na at may klase pa siya. Nasa kalagitnaan siya ng pagpepedal nang dinaanan siya ng sports car ng binata. Buti na lamang at gumilid siya, muntikan na siyang mahagip ng kotse nito. Nakagat ng dalaga ang labi niya sa inis na naramdaman. Nang makauwi sa bahay nila ay kaagad siyang nagbihis ng uniform nila at kumain lang ng tinapay. Kailangan niyang magmadali dahil baka ma-late na siya sa klase nila. Sumakay na siya sa traysikel at ilang minutong pagsakay ay nakarating na siya sa unibersidad na pinapasukan. Ipinakita niya ang kaniyang ID sa guard at lakad-takbong pumunta na sa building niya. Papaliko na ang dalaga nang malakas na bumagsak siya sa sahig dahil sa nakabangga. Kaagad na tumayo siya at agad na tiningnan ang lalaking nakabanggaan niya. "Sorry," ani niya at tiningnan ito. Lalaking naka-top knot ang buhok at may kasamang dalawa pa sa likod nito. Nakatingin lang ito nang deritso sa kaniya at sinlamig ng yelo ang ekspresiyon. Tiningnan niya ang oras sa wristwatch niya at tumakbo paakyat ng hagdanan. "Hey!" tawag sa kaniya ng lalaking kulay yellow ang buhok. Huminto siya saglit at binalingan iyon ng tingin. Hindi naman nagsalita at nakatunganga lang sa kaniya. Mabilis ang kilos na tumakbo na siya papunta sa building. Buti na lamang at nakasabay niya papasok ang professor nila. Nakahinga naman siya nang maluwag. Umabot din ng ilang oras ang klase nila. Pumunta pa saglit ang dalaga sa library upang mag-research. Mga bandang alas nuwebe ay umuwi na siya. Hindi naman siya natatakot dahil kilala niya ang mga traysikel na nakaabang sa labas ng eskuwelahan. Naglalakad siya sa highway papunta sa hintayan ng traysikel nang may huminto na motorsiklo sa gilid niya. Kaagad na bumalatay ang kaba sa mukha niya. Hindi siya makakilos. Binuksan nito ang glass na cover ng mukha at nakilala niya ito. Iyong lalaking nakabanggaan niya kanina. Batid niyang napaka-guwapo nito. Halatang-halata ang medyo may kasingkitan nitong mata at napaka-tangos na ilong. "Sakay na," ani nito sa kaniya. Kaagad na kumunot ang noo niya sa turan nito. "H-huh?" sambit niya. Iniwas ng binata ang tingin niya rito at ininguso nito ang likod niya. Indikasiyon na pasasakayin na siya sa likod. Huminga nang malalim ang dalaga at tiningnan ito. "Kung sino ka man..." "I'm, Cross Zhen," malamig na ani ng binata. "Okay, Cross sorry kung nabangga kita kanina. Nagmamadali lang talaga ako kasi male-late na ako sa klase ko," paliwanag ng dalaga. Kinuha ng binata ang isa pang helmet at inihagis sa kaniya. Nanlaki ang mata niya at mabilis na sinalo iyon. Mukhang mamahalin pa naman ang helmet. "Hop in," ani nito at ini-start na ang motor niya. Nagdalawang-isip pa ang dalaga pero sumakay na rin siya. Baka ano pa ang gawin nito sa kaniya. Pinatakbo na ng binata ang motorsiklo nito at kaagad na napahawak siya sa uniform ng binata. Itinuro na rin niya kung nasaan ang bahay niya. Nang makarating ay saka lamang nakahinga nang maluwag ang dalaga. Tinanggal niya ang helmet at ibinigay sa binata. "Maraming salamat sa paghatid. Una na ako," ani ng dalaga at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila. Ini-lock niya ang pinto at swinitch on ang ilaw. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng tubig sa reftigerator. Napahawak siya sa dibdib niya at tiningnan ang isang kamay na may hawak na ballpen. Napaupo siya at natawa sa sarili. "Baliw ka, Khadessi," ani niya sa sarili at natawa. Napailing na lamang siya at nagluto ng cup noodles. Matapos kumain ay nag half bath siya at naghanda na para matulog. Kinuha niya ang kaniyang nag-iisang cellphone at tiningnan kung may message ang pinsan niya. Kaagad na kumunot ang noo niya nang may unknown number na nag 'hi'. Dinelete niya iyon at natulog na. Bandang alas sais ay bumangon na ang dalaga at naligo. Maaga siya ngayon dahil kailangan niyang mag-serve ng agahan sa Senyorito nila. Nakasuot lamang siya ng simpleng blue na jogging pants at pinaresan ng itim na t-shirt t'saka basta na lang tinali. Nagsimula na siyang magpedal at ilang minuto lang din ay nakarating na siya. Tumulong muna siya sa pagluluto. Mga bandang alas-ocho ay tinawag na siya ni Ruth upang maghatid ng agahan. Kinuha iyon ng dalaga at umakyat na. Mabuti na lamang at naiibsan na ang kabang naramdaman niya. Kumatok siya ng tatlong beses at pumasok. Naitulos siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang Senyorito nila na may kahalikan sa kama nito. Wala itong suot na pang-itaas at ganoon din ang babae. Ibang babae iyon sa nakita niya noong nakaraang araw. Kaagad na namula ang mukha niya sa nakita. "Ahem," ani niya at akmang tatalikod na. Tumayo ang binata at kaagad na naipikit ng dalaga ang mata nang tumayo ito sa harap niya. Nalalanghap pa niya ang napakabangong amoy nito. "Where are you going?" tanong ng binata sa kaniya. Napalunok siya at hinarap ito. "P-pasensiya na po kung pumasok ako agad," mahinang ani niya. Handa na siya sa singhal nito. "It's okay, just put it there and leave," wika ng binata. Kaagad na natigilan ang dalaga sa narinig. Siguro nga'y nahiya ang binata sa nakita niya. Lumingon siya sa kama na kinahihigaan ng babae. Kasalukuyan itong nagsusuot ng panty niya. Ang binata naman ay pumasok sa loob ng banyo. Inilagay na niya ang utility tray sa lamesa at umalis. Paglabas niya ay kaagad na ipinilig ang kaniyang ulo. Hindi niya lubos maisip kung sa susunod na araw sinong babae na naman ang nasa kama nito. Inis na binalingan niya ang pinto ng kuwarto nito. "Palakero, guwapo sana kaso manyak naman," ani niya at umiiling-iling na lumabas. Tumapat sa dutsa ang binata at hinayaan ang sariling lukobin ng lamig. He was in heat seeing her. Hindi niya maintindihan kung bakit iba ang epekto ng dalaga sa kaniya. Ilang saglit pa ay pumasok ang babae sa banyo at niyakap siya. "Get out Jane," ani niya rito. He felt her stiffened. "I'm, Trisha you idiot," inis na ani nito at iniwan siya. Napangiti naman ang binata at nagpatuloy sa pagligo. Laging bumabalik sa isipan niya ang mukha ni Khadessi. "Sh*t!" mura niya nang makitang tumigas ang alagad niya. He caressed his manhood and closed his eyes. Lalo lamang itong nagalit. He was imagining what was Khadessi's body underneath those clothes. Lalo lamang uminit ang pakiramdam niya. Namalayan na lamang niyang he was stroking himself. "F**k you woman," nahihirapang ani niya at naisandal sa wall ang noo niya nang labasan siya. "You are giving me a hard time," saad niya. He knew to himself that his hunger will never fade until he will have a taste of Khadessi. Matapos maligo ay lumabas lamang siya nang nakahubad. He didn't mind going out naked. This is his private place. Walang makakakita sa kaniya, at kung meron man he doesn't care. Walang sino mang babae ang hindi nagakakainteres sa kaniya. No one, and he knows not even Khadessi can resist his charm. Napangiti siya at isinuot ang bath robe niya t'saka kumain. Matapos kumain ay bumaba na siya at umupo sa living room. He was taking his time lalo na at sa susunod na araw ay babalik na siya sa trabaho niya. Tinawag niya ang isang katulong at kaagad na lumapit ito. Ngumiti pa ito na para bang nang-aakit. "Ano po 'yon, Senyorito?" tanong nito sa kaniya. "Change my beddings," utos niya rito. Kaagad na tumango ito at tumalima. T'saka niya naalala ang dalaga. Tumayo siya at pumunta sa kusina. Nakapamulsa siya at pumasok sa loob. He was a little disappointed not seeing her inside. Kaagad na nilapitan siya ng matanda. "Senyorito, may kailangan po ba kayo?" nakangiting tanong nito sa kaniya. "Have you seen..." Hindi na niya natuloy ang tanong dahil hindi niya alam ang pangalan ng dalaga. "Sino po?" tanong nito. "The one that brings me breakfast?" tanong niya. "Ah, si Khadessi ba, Sir? Umalis na po siya papunta sa hacienda," ani ng matanda. Tumango siya at ngumiti nang tipid. "Thank you, Manang," ani niya at umalis. Nakangiting nilaro niya sa kaniyang kamay ang susi at nakangiting sumakay sa kotse niya. Tbc zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD