Kasalukuyang naghahain ng pagkain sa lamesa ang dalaga para sa mga trabahante. Nang matapos ay nakangiting pinindot niya ang alarm indikasiyon na handa na ang pagkain.
"Sarap naman ng ulam ngayon, Esay," ani ni Mang Lando.
"Lagi namang masarap basta si, Esay ang nagluluto," nakangiting puri ni Jane.
"Salamat po," nakangiting ani niya. Ilang saglit pa ay kompleto na ang napaka-habang limang lamesa. Ang ulam nila ngayon ay tinolang manok, lato salad, ginisang ampalaya, daing, pritong tilapia at pinya. Nagsimula na silang magdasal. Pagkatapos ay magsisimula na rin sana silang kumain nang biglang may dumating na magarang kotse. Kaagad na napatingin silang lahat. Natigilan pa sila nang bumaba ang binata. Nanlaki ang mata ni Jane at siniko siya.
"Ang gwapo," mahinang ani nito. Napatingin naman ang dalaga sa binata. Nakangiti ito at papunta sa kinaroroonan nila.
"Magandang umaga po, Senyorito," bati ng mga trabahante. Kaagad na bumati pabalik ang binata.
"Hali po kayo, Senyorito. Sumabay po kayo sa aming kumain," aya ng kaibigan ng dalaga na si Jane. Nakatuon lamang ang tingin ni Khadessi sa pagkain niya.
"Thank you," ani nito at tumayo sa gilid niya. Pahabang upuan na gawa sa kahoy ang inuupoan nila. Kaagad naman siyang siniko ni Jane. Kinunotan niya ito ng noo.
"Bakit?" tanong niya rito. Pasimpleng inirapan siya ng kaibigan at ininguso nito ang amo nila. Kaagad na nilingon ito ng dalaga at umusog.
"Pasensiya na po Senyorito, upo po kayo," ani ng dalaga. Umupo naman ang binata at nakangiting binalingan sila.
"Kain na tayo," ani ng binata. Napatikwas naman ang kilay ng dalaga sa magaang ani nito. Kung nandoon sa mansiyon halos nakasigaw ito araw-araw. Dito naman napaka-gaan ng boses. Akala mo hindi nambabasag ng gamit.
"Can you hand me the rice?" tanong nito malapit sa tenga niya. Bahagya siyang lumayo dahil nakikiliti siya sa tumatamang hangin sa leeg niya. Maingat na kinuha niya ang sandok at sinandokan ng kanin ang binata.
"Okay na po ba 'to, Senyorito?" tanong niya rito. Tumango naman si Creed. Bumalik sa pagkain ang dalaga. Pilit niyang iniiwas na mabaling ang tingin sa binata. Pakiramdam niya ay magkaka-stiff neck na siya. Sa gilid naman niya ay ang kaibigan niyang kanina pa pasulyap-sulyap sa amo nila. Matapos kumain ang dalaga ay tumayo na siya. Uminom siya ng tubig at pumunta sa kulungan ng mga kabayo. Kumuha siya ng damo at nagdala papasok. Wala pa si Mang Elias. Kasalukuyan pa iyong kumakain. Nakangiti ang dalaga habang kinakausap ang mga kabayo.
"Oh, magpaka-busog kayo ha," ani niya sa mga ito. Matapos mabigyan ng damo ang sampung kabayo ay lumabas na siya ng kwadra. Nagulat naman siya nang makita ang binata na nakatayo sa labas. Yumuko siya nang bahagya at dumeritso na pabalik sa pinagkainan nila. Nang matapos ang lahat ay kinuha na niya lahat ng mga kubyertos na ginamit. Inilagay niya iyon sa malaking palanggana. Medyo mabigat ang laman ng palanggana dahil sa dami ng kumakaing trabahador. Binuhat niya iyon at inilagay sa ilalim ng gripo. Maghuhugas siya ng plato.
"You are gonna wash all of that?" tanong ng isang baritonong boses sa likod niya. Kaagad na nilingon niya ito.
"Opo, Senyorito," ani niya sa mahinang boses. Tumango naman ito. Naipikit pa niya ang kaniyang mata dahil sa gulat. Pasulpot-sulpot lang ito. Nagsimula na siyang maghugas ng plato, ilang sandali lang din naman ay dumating si Jane. May hawak itong folder.
"Senyorito, heto na po ang record ng lahat," ani ni Jane. Kinuha naman ito ng binata at tiningnan. Kaagad na sumeryoso ang mukha ng binata.
"Can you tour me around?" tanong nito kay Jane. Halata sa mukha nito ang kilig at saya.
"Opo,Senyorito," ani ng dalaga. Nauna nang maglakad ang binata kaya naiwan saglit ang magkaibigan.
"May something sa inyo no?" kinikilig na tanong ni Jane kay Esay. Napaikot naman agad ang mata niya sa tanong nito.
"Tumahimik ka nga, mabuti sana kung tumulong 'yon," yamot niyang sambit. Kaagad na napangisi si Jane.
"Lakad na ako, baka mapagalitan ako," ani ni Jane na ikinatango niya. Pansamantalang tumigil ang dalaga sa pagsasabon nang matingnan niya ang binata. Kahit talaga sa malayo makikita mo ang kaibahan nito sa kanila. Kitang-kita sa tindig nito ang kapangyarihan. Ang pera ang otoridad na mamuno sa lahat. Bahagyang lumingon ang binata kaya't mabilis na bumalik sa paghuhugas ang dalaga. Matapos niyang maghugas ay pumunta siya sa taniman ng mga organic na gulay. Hindi iyon ibinebenta bagkus iyon ang ginagawang supply ng hacienda. Pumunta siya sa pechayan at nagsimulang bungkalin ang bawat gilid ng lupa at binunot ang mga tumutubong damo at nakausling lantang dahon. Medyo mainit na kaya isinuot niya ang kaniyang sombrelo na gawa sa pandan. Nakangiti siya habang bumubunot ng damo dahil talaga namang napaka-gandang tingnan ng mga dahon ng pechay. Sinalaki ng dahon ang isang plato at luntian pa ito. Sa isip niya'y napaka-sarap niyon igisa o isahog sa kare-kare.
"Ito naman po ang organic na gulayan ng hacienda. Lahat ng produce mula rito ay siyang ginagawang pansahog sa bawat putaheng niluluto at siya ring inuuwi ng mga trabahador," ani ni Jane. Naitulos na naman ang dalaga sa kinauupoan niya nang marinig iyon. Imbis na bigyan ng pansin ay hinayaan niya lamang ito. Hindi siya puwedeng lumingon dahil paniguradong magdududa na naman ang magaling niyang kaibigan. Napaangat ng tingin ang dalaga nang biglang may nag-block ng init ng araw. Napatingin ang dalaga sa binata na nakapamulsa.
"Your pechay looks healthy," ani nito, kaagad na namula ang dalaga sa narinig mula rito. Mukhang iba pa ang pagkakaintindi niya.
"Harvest some pechay, I want to have a vegetable soup later," ani ng binata sa kaniya.
"Masusunod po, Senyorito," tugon niya. Ilang saglit pa ay umalis na ang dalawa. Napahinga naman siya nang malalim. Bumunot siya ng limang pirasong pechay at dinala ito sa gripo at hinugasan. Umuupo siya sa upuan at pinapaypayan ang sarili dahil sa init at pawis na nararamdaman. Kumuha siya ng basket at hinihintay na si Mang Andoy. Kailangan na niyang bumalik sa mansion upang kumuha ng pananghalian ng mga trabahador.
Nakatingin lamang ang binata sa kinauupuan ng dalaga. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng reports mula sa naatasang trabahante ng hacienda. She was a cook. Sa wakas ay masaya na siya't natikman niya ang luto ng dalaga. Lihim na napangiti ang binata nang makitang kinakusap na naman nito ang sarili. Matapos gawin ang kailangang gawin ng binata ay lumabas na siya sa opisina ng hacienda. Pumunta siya sa pinag-park-ingan niya. Pinaandar niya ang kotse at huminto sa harap ng dalaga. Kaagad na nagsalubong ang kilay nito. Binuksan ng binata ang bintana ng kotse niya at tiningnan ang dalaga.
"Hop in," ani niya rito. Nakita pa niya ang pag-aalangan sa mukha nito.
"I have already told, Mang Andoy," ani niya. Nag-aalangan pa rin ang dalaga. Tiningnan niya ito nang seryoso at sinenyasan na pumasok na sa loob. Tumayo ang dalaga at kinuha ang plastic bag na may lamang pechay. Binuksan ng binata ang pinto sa gilid niya. Nahihiyang pumasok naman ang dalaga. Ini-start na ng binata ang kaniyang kotse. Tahimik na binagtas nila ang daan. Ni isa walang sumubok na magsalita.
"You're still studying?" tanong ng binata sa dalaga. Nanatiling nakatingin lamang ang dalaga sa labas. Hindi kasi siya makahinga. Para bang may kung anong bumabara sa lalamunan niya.
"O-opo, Senyorito," magalang niyang sagot rito.
"Graduating?" tanong nito. Mahinang tumango ang dalaga.
"How old are you?" tanong pa ulit nito. Nailang nan agad ang dalaga subalit pinilit niyang sumagot.
"Twenty-four po," sagot niya, napatango naman agad ang dalaga.
"I saw you last night," seryosong sambit ng binata. Napalingon ang dalaga sa sinabi nito at kumunot ang noo.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong niya rito.
"Bumaba ka sa isang motorcycle. Boyfriend mo ba 'yon?" tanong pa ulit nito. Kaagad na napaisip ang dalaga. Hindi niya napansin na may nadaanan silang kotse kagabi.
"Ah, 'yun po ba? Hindi po. Kakilala ko lang sa eskwelahan. Nagmagandang loob lang na ihatid ako," ani niya rito.
" I know that man," ani ni Creed.
"Anak 'yon ni, Governor Zhen," dugtong ng binata. Napatango naman agad ang dalaga. Ngayon niya lang din nalaman.
"Ganoon po ba?" ani niya rito, tumango naman ito pabalik.
"Was he courting you?" tanong nito, kaagad na umiling siya.
"That's good, huwag mong sayangin ang bayad ng parents ko," ani ng binata. Kaagad na tumikwas ang kilay niya sa sinabi ng binata.
"Alam ko po," matabang niyang ani. Medyo nainsulto siya sa sinabi nito.
" Tsaka hindi ko po pinapabayaan ang pag-aaral ko. Tinatanaw ko pong utang na loob ang tulong sa akin ng pamilya ninyo, Senyorito," ani niya rito at ibinalik ang tingin sa labas. Napatango naman ang binata.
"That's good to hear, wala pa kasing scholar si, Mommy at Daddy na nakapagtapos. Lahat maagang nabuntis," ani ng binata. Tsaka naman napaisip ang dalaga. Totoo nga ang sinasabi nito.
"Makakaasa po kayong hindi mangyayari sa akin 'yan. Magtatapos po ako na buong-buo," matigas na ani ng dalaga. Baka inaakala nito ay siya rin ay magpapabuntis lamang.
"I don't mean to offend you," ani ng binata. Tumango lamang siya.
"Senyorito?" tawag niya rito.
"Hmm?" sagot nito.
"Kung mamarapatin niyo po sana sa susunod kong paghatid ng pagkain ninyo
ay hindi ako makakakita ng hubad na katawan," ani ng dalaga. Natigilan naman agad ang binata sa narinig.
" Kung hindi po kayo papayag iba na lang po ang paghahatirin ninyo," dagdag pa niya. Ihininto ng binata ang sasakyan at seryosong tinitigan siya.
"Bakit? Are you bothered?" tanong nito. Huminga nang malalim ang dalaga at sumagot.
"Super bothered po. Alam ko pong lumaki kayo sa isang liberated country, subalit sana ay maikonsidera ninyo na iba po ang bansang Pilipinas lalo na sa mga taga probinsiya. Lalong-lalo na po sa katulad sa akin," sagot ng dalaga. Napatango naman agad si Creed sa sinabi niya.
"Why should I listen to you? I am your boss," ani ng binata at nakangiting pinaandar na ang kotse. Hindi makapaniwalang tiningnan ng dalaga ang amo niya.
"Of course, I'm just kidding. Okay, I'm sorry if it bothers you," nakangiting ani nito sa kaniya. Napatingin saglit ang dalaga sa binata at kaagad ring iniwas ang tingin. Natatakot siya sa ganoong ngiti. Ilang saglit pa ay dumating na sila. Mabilis na lumabas ang dalaga sa kotse at nagpasalamat dito.
"Maraming salamat po, Senyorito," ani niya. Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Naglakad na siya papasok sa kusina upang ihanda ang pananghalian ng mga trabahador. Biglang sumulpot sa likod niya si Ruth at Daisy.
"Esay, nakita ka naming bumaba sa kotse ni, Senyorito," ani ni Ruth.
" May namagitan ba sa inyo ni, Senyorito?" usisa ni Daisy. Nawawalang pasensiyang hinarap niya ang dalawa.
"Wala, puwede ba huwag niyo muna akong gulohin sa trabaho ko?" mahinang ani niya rito.
"Naku! Grabe ka tinatanong ka lang para namang kung sinong maganda," ani ni Ruth sa kaniya. Inis na binitawan niya ang sandok at hinarap ito.
"Eh, ikaw kayang humarap sa napaka-init na lutoan at mang-usisa ng wala namang kabulohan," sagot niya rito. Nakita nilang maraming pawis na ang mukha ng dalaga dahil sa init. Mainit pa ang panahon at mainit ang hinaharap niya. Lalo lamang sumasakit ang ulo niya sa dalawa.
"Kahit ano namang sasabihin ko hindi kayo maniniwala. Puntahan niyo si, Senyorito doon kayo magtanong. Hindi iyong nakikichismis kayo rito sa akin. Atupagin niyo trabaho niyo," ani niya at tinalikuran ang dalawa.
"Sabi ko kasi sa'yo, hindi eh. Bad mood nga ibig sabihin walang sila ni,Senyorito," ani ni Daisy. Napailing na lamang ang dalaga. Kaya ayaw niya rito sa loob ng mansiyon.
Masiyadong mahilig sa chismis. Kaunting galaw lang at issue na agad. Ilang beses na ba siyang na chismis? Ilang sandali pa ay bumukas na naman ang pinto ng kusina.
"Hindi ba ang sabi ko, huwag niyo akong gulohin? Bakit ba ang tigas ng ulo niyo?" galit na ani niya at humarap. Natigilan naman siya nang makitang ang Senyorito nila iyon.
"I-ikaw po pala, Senyorito. Pasensiya na po," ani niya rito. Nakatingin lamang ito sa kaniya nang deritso. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya.
Tbc
zerenette