Mabilis lang lumipas ang mga araw at hindi iyon namalayan ni Dianne. Halos isang buwan na pala siyang nananatili sa lugar kung saan siya ikinulong ni Yuhan. Ang sitwasyon niya ngayon ay maihahalintulad sa isang ibon na nakakulong sa hawla. Malaya siyang nakakakilos sa loob ng bahay, ngunit may mga tanikalang nakagapos sa mga paa niya. Gustuhin man niyang tumakas, subalit napapaligiran ang buong villa ng security guards.
Namayani sa kanyang ala-ala ang mga magulang. Tiyak na labis na ang pag-aalala ng mga ito sa kanya ngayon. Ngunit kung alam nilang kasama niya ngayon ang binata, hindi mag-a alala pa ang mga ito, dahil iyon din naman ang hangad nila, ang magkasundo sila ni Yuhan.
"Aling Bitty ako na po ang mag-a ayos dito." Sambit niya sa ginang, isa sa mga tagapag-alaga ng villa.
Kinuha niya ang isang paso na may lamang mga bulaklak. Mahilig siya sa flower arrangement at iyon ang madalas niyang libangan, kaya hindi siya masyadong naiinip sa loob ng bahay.
"Sige po, Miss Anne, salamat! Gusto niyo po ba ng maiinom? Ipag titimpla ko po kayo ng juice."
"Salamat Aling Bitty, pero hindi po ako nauuhaw eh. Gumawa na lang po kayo ng meryenda para po may makain din kayo pati na rin ang mga guwardiya sa labas."
"Ang swerte po talaga ni Sir Yuhan sayo Ma'am, bukod sa maganda na, mabait pa ang kasintahan niya!"
"Naku ang aga-aga at binubula niyo ako Aling Bitty!"
"Aba ay nagsasabi lang ako ng totoo, ma'am. Akala ko nga noong una ko kayong nakita ay isa kayong artista, eh?"
"Palagi po iyan ang sinasabi niyo sa tuwing nakikita niyo ako."
"Totoo po iyon, ma'am! Kaya sobrang bagay talaga kayong dalawa ni Sir."
"Diba sabi ko wag mo na akong mina ma'am, tawagin mo nalang akong Anne."
"Eh, kasi ma'am... este Anne. Miss Anne, pala!"
Natatawa na lang siya sa reaksyon nito.
"Pero Ma'am, kahit minsan masungit si Sir, mabait din po yon!"
Ilang tango lang ang naging sagot niya sa minungkahi ng ginang.
Kung alam lang nito ang kahayopang ginawa ni Yuhan sa kanya, siguradong magagalit din at mag-iiba ang tingin nito sa binata.
Ang pagkakaalam ng mga tao sa villa ay kasintahan siya ni Yuhan. Marahil napapansin nilang matagal na siyang nananatatili sa lugar. Hindi lang niya masabi sa mga ito, dahil alam din naman niyang wala silang magagawa at lalong wala silang kapasidad na tulungan siyang makatakas, at hindi rin naman nila iisipin na dinukot talaga siya, sapagkat saksi ang mga ito kung gaano kabait ang binata sa kanya. Sa ilang araw na kasama niya ang binata, batid na niya ang ugali nitong may pagka bipolar.
Simula noong mangyari ang insidente sa gubat ay nag-iba na ang pakikitungo sa kanya ni Yuhan. Hindi na siya nito sinasaktan at pinipilit gawin ang isang bagay na ayaw niya. Gayunpaman, galit pa rin siya sa binata, at hindi niya kailanman malilimutan ang ginawa nitong ka babuyan sa kanya.
"Iwan na muna kita Miss Anne ha, magluluto lang ho ako sa kusina."
"Sige po, Aling Bitty."
Bigla niyang naalala ang binata. Tatlong araw na ang nakaraan simula ng umalis ito papuntang United States na ikinatuwa naman niya, sapagkat magagawa na niya ang lumabas ng mansion ngayon at lalong pabor iyon sa kanya dahil wala nang mang a-asar sa kanya araw-araw, naiinis lamang siya kapag nakikita ang pagmumukha nito.
Hindi nga niya mawari kung ano nga ba talaga ang balak ng binata sa kanya. Napapaisip tuloy siya kung ang dahilan lang ba kung bakit siya nito dinukot ay tungkol sa pagiging bayaran niyang babae o tungkol sa 10% niyang share sa kumpanya nito, o di kaya ay tungkol sa napagkasunduan kasal ng kanilang mga magulang? Tanging si Yuhan lamang ang makakasagot sa mga katanungan niya. Subalit paano naman iyon mangyayari kung galit ito sa tuwing binibigkas niya ang mga katagang iyon?
Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos sa mga bulaklak. Bukod sa pagguhit, ito na ang nakagawian niyang gawin tuwing umaga.
Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay. Nagtungo siya sa likod kung saan nakatanim ang naggagandahang ibat-ibang uri ng mga bulaklak.
"Magandang umaga po Miss Anne, nandito po pala kayo!"
Boses iyon ni Mang Karding, ang magaling na hardinero ng villa.
"Good morning, Mang Karding! Ako na po ang magdi dilig ng mga halaman."
"Ako na po Miss Anne, baka po muli akong mapagalitan ni Sir Yuhan kapag nalaman niya na nakialam na naman ho kayo dito."
"Wala naman po siya dito, kaya hindi niya malalaman, diba po?"
Inabot niya ang hawak nitong hose.
"Wag po kayong mag-alala Mang Karding, ako na po ang bahala."
Nag-aalangan na ibinigay sa kanya ang hawak nitong hose.
"Salamat po Miss Anne, ang bait niyo po talaga!"
"Walang anuman po, pwede na po kayo magpahinga Mang Karding."
"Sige po Miss Anne, salamat po ulit!" Sambit nito sabay alis.
Inilibot niya ang paningin sa paligid, ang totoo, gusto niyang masolo ang floral garden. Sinusulit niya ang pagkakataon, dahil hindi naman siya nakaka labas ng bahay kapag nandito ang binata. Para siyang presong prinsesa na kain tulog lamang ang ginagawa sa loob ng palasyo.
Malaya naman niyang na gagawa ang anumang kanyang naisin, subalit hindi siya pwedeng lumabas ng mansion at makialam sa mga gawaing bahay, iyon ang mahigpit na utos ng mokong sa mga trabahador ng villa.
Tumayo siya at naglibot sa loob ng garden. Hindi siya kailanman magsasawang puntahan ang lugar na ito na nakakalula ang ganda. Katulad ng buwan kung titigan ang kabuuang hugis ng garden na may malaking puno sa bandang kaliwa. Masisilayan sa lugar ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak katulad ng dahlia, tulip, roses, chrysanthemum, marigold, carnation, at marami pang iba.
Pumitas siya ng isang bulaklak at nilagay niya iyon sa kanyang kanang tinga. Kung hawak niya lamang ang phone niya ngayon siguradong mag selfie na naman siya. Ang huli niyang natatandaan na gumamit siya ng phone ay noong nakaraang buwan pa bago siya dalhin dito ng binata.
Iniunat niya ang kanyang magkabilang kamay at pumikit. Ang sarap sa pakiramdam ang preskong hangin na humahaplos sa balat niya. Hindi niya maiwasang mapangiti habang sumasabay sa ihip ng hangin ang mahaba niyang buhok.
Halos dalawang oras siyang nanatili sa floral garden. Pumasok lang siya sa loob ng bahay ng makaramdam ng gutom.
Kay bilis lumipas ang oras at mag gagabi nanaman. Wala na rin ang mga tao sa bahay. Ang pagkakaalam niya umu uwi lang ang mga tagapag alaga ng villa at sinusundo lamang ng driver kinaumagahan. Iyon ang hindi niya maunawaan, pwede namang manatili ang mga iyon sa villa, wala tuloy siyang makausap ngayon.
Samakatuwid heto na naman siya at dinalaw ng pagkabagot, kaya naman naisipan niyang mag-night swimming. Mabuti at siya lamang ang tao sa loob ng villa.
Tinanggal niya ang saplot at tanging bra at panty na lamang ang natira sa kanyang katawan. Nag iisa lang naman siya sa lugar, kaya walang makaka kita sa kahubdan niya.
"Brrrrr! Ang lamig!" Bulalas niya ng lumusong siya sa pool.
Hindi niya inaasahang sobrang lamig pala, mabuti at may heater, kaya kontrolado niya ang temperatura ng tubig sa pool.
Ito ang unang beses niyang magbabad sa pool. Bukod sa bawal siya lumabas ng mansion, hindi rin naman niya ga gawin ang maligo sa pool ng ganito ang itsura. Nag tampisaw siya sa tubig na tila ba isang bata na naglalaro sa pool.
Maya maya pa ay naisipan na niyang umahon.
"I forgot to bring a towel." Sambit niya sa sarili, kaya naman nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay, ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng mabungaran ang mukha ng binata. Hindi niya malaman kung saan parte ng katawan ang una niyang tatakpan.
"What the f**k!" Bulalas nito ng makita ang kahubdan niya.
Nagsi tayo ang mga balahibo niya ng marinig ang boses ng binata.
"CLOSE YOUR EYES!"
Hindi niya napigilang mapasigaw.
Ngumisi lang ang binata sa kanya.
"PERVERT!"
"You're just overreacting."
Tiningnan niya ng masama ang binata. Parang maiiyak na siya sa sobrang inis. Hindi naman siya nahihiya, natatakot lang siya sa pwedeng gawin ng mokong sa kanya.
Tatakbo na sana siya patungo sa comfort room ng bigla siya nitong harangan.
"What are you doing?" Kinakabahan na saad niya.
"I've seen it many times!"
"What?"
Talagang sinasagad ng mokong ang pasensiya niya.
"Ano ba? Get out of my way!" Naiinis na sambit niya.
Ngunit hindi nito pinakinggan ang sinabi niya, bagkus lumapit pa ito sa kanya dahilan para mapaurong siya.
"Diba nasa ibang bansa ka? Bakit ka napadpad dito?" Pag-iiba niya ng usapan habang pa atras siya ng pa atras.
"I just miss someone." Seryosong sambit nito habang nakatitig sa kanya.
"Seriously? Bumalik ka talaga dito dahil lang na miss mo ako?"
"HAHAHAHAHA!"
Nagulat siya sa naging reaksyon nito.
Tuluyan na itong nakalapit sa kanya. At laking gulat niya ng bigla siya nitong isandal sa pader.
"I never said I missed you!" Natatawang saad sa kanya ng binata, habang ang isa nitong kamay ay hinahaplos ang kanyang basang buhok.
"Anong gagawin mo?" Kinakabahan niyang tanong sa binata.
Ngayon ay magkadikit na ang kanilang mga katawan. Idinikit pa lalo ng binata ang katawan nito sa kanya.
"Umalis ka sa harapan ko, kundi sisipain kita!"
"The f**k, I care."
"Ang sama talaga ng tabas ng dila mo!"
Ilang pulgada na lang ay magdi dikit na ang kanilang mga labi, kaya naman buong pwersa niya itong itinulak, ngunit sa laki ng katawan ng binata ay hindi na maikakaila pa ang tinataglay nitong lakas kumpara sa katawan niyang kay liit, kaya hindi man lang ito natinag.
Maya maya pa ay naramdaman niya ang isang matigas na bagay mula sa kanyang ilalim na ikina laki ng mga mata niya. Batid niya kung ano ang bagay na tumutusok sa may puson niya.
Bwisit na hinayupak to, talagang hindi nakapagpigil. Gusto niya iyon bigkasin, ngunit umurong ang kanyang dila.
Ta tadyakan na sana niya ang pagkalalake nito ng bigla itong humiwalay sa kanya na animo'y napaso sa isang mainit na bagay. Pagkatapos dumeritso ito sa banyo at bumalik agad hawak ang bathrobe.
"I'm uncertain if I'll be able to hold back, so next time be sure I won't see you dressed like that, got it?" Seryosong sambit nito habang inilalagay sa balikat niya ang robe.
Sa wakas, nakahinga siya ng maluwag. Akala niya talaga may masama na naman itong ga gawin sa kanya.
Samantala hindi mapakali si Yuhan dahil sa sobrang kahihiyan na sinapit sa harapan pa mismo ng dalaga. Ito naman kasing alaga niya palagi siyang tina traydor. Hindi niya rin ito masisisi, sapagkat napaka perpekto ng hubog ng katawan nito. Kahit nga may saplot itong suot, hindi pa rin niya maiwasang hindi matukso. Kaagad siyang nagtungo sa banyo para mahimasmasan. Kailangan niyang magbabad sa malamig na tubig ngayon. Nag iinit lalo ang katawan niya kapag naaalala ang nangyari.
Alam niyang bayaran itong babae, kaya ayaw niya talagang isipin na papatulan niya ito lalo pa at karelasyon ito ng ama niya. Subalit walang araw na hindi ito sumasagi sa isip niya. Hindi niya tuloy magawa ng maayos ang kanyang trabaho sa opisina. Ang dami na niyang karanasan pagdating sa mga babae. Ngunit kakaiba ang alindog ng dalaga para sa kanya.
Ang totoo, si Anne, ang dahilan kung bakit napaaga ang uwi niya dito. Nasisilayan naman niya ito palagi sa computer niya, dahil sa hidden camera na nakapalibot sa buong villa. Nais lang talaga niya makita ang dalaga sa personal. Samakatuwid, labis ang tuwa niya kanina ng marinig ang sinabi nito. Totoo namang miss na miss na niya ang dalaga, natuwa lang siya dahil sa bibig mismo nito nanggaling ang mga katagang iyon at hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng dalaga.
Ilang saglit pa ay umahon na siya sa bathtub. Hinahanap niya ang tuwalya ngunit wala siyang makita sa loob ng banyo.
"s**t, why's there no towel here?" Usal niya sa sarili.
Lumapit siya sa kinaroroonan ng telepono. Tatawagan na niya sana ang numero sa maids chamber, ngunit naalala niya wala palang tao sa loob ng villa maliban sa kanila ni Anne.
Samakatuwid, wala siyang pagpipilian kundi ang magpatulong sa dalaga. Kaya naman binuksan niya ang pintu at bahagyang inilabas ang kanyang ulo.
"The f**k, Yuhan, you can use your clothes instead!" Usal niya sa sarili.
Pihikan at maarte siyang lalake, kaya ayaw niyang sinusuot ang ginamit na niya. Pwede rin naman siya lumabas ng nakahubad tulad ng nakasanayan niyang gawin, ngunit hindi na niya iyon ginagawa simula ng na kasama niya si Anne.
"ANNE! I NEED YOUR HELP ASAP!"
Walang siyang narinig na sagot mula sa dalaga.
Mas lalo siyang dumungaw sa pintuan.
"Anne, can you hear me? I NEED YOUR HELP!"
Mayamaya pa ay nakita na niya ang dalagang naglalakad patungo sa kinaroroonan niya.
"Problema mo?" Singhal nito sa kanya, habang iniiwas ang paningin.
"There's no bathrobe or towel here!"
"Iyon lang pala, sandali lang kukuha ako." Saad nito sabay talikod. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Bumalik ito kaagad hawak ang tuwalya.
Gusto niyang asarin ang dalaga, kaya naisipan niyang pumasok sa loob ng banyo.
Narinig niyang kumatok ito.
"Come in!"
"Gago ka ba, ba't ako papasok sa loob?"
Pinipigilan niyang huwag mapahalakhak sa binigkas nito. Hindi nga niya maunawaan ang sarili bakit natutuwa siya kapag naiinis sa kanya ang dalaga dulot ng pang-aasar niya.
Binuksan niya ang pintu na may ngiti sa mga labi.
Inabot nito sa kanya ang tuwalya at robe habang nakapikit ang mga mata.
"Why did you close your eyes?" Natatawa niyang saad sa dalaga.
"Bwesit ka, kunin mo na itong tuwalya!"
Kinuha niya ang robe at naiwan ang tuwalya sa kamay nito.
"Just a moment; stay right there."
Mabilis niyang sinuot ang robe at lumabas. Sinadya niya talagang hindi kunin ang tuwalya para hindi umalis si Anne. Gusto niya lagi itong nasisilayan. Sa halos isang buwan na kasama niya ang dalaga sa iisang bubong, masasabi niyang taliwas ang mga kinikilos nito bilang isang bayarang babae lalo na kapag nasisilayan nito ang maskulado niyang katawan. Bilang karagdagan, hindi rin ito nagsusuot ng maikling damit. Hindi niya pa ito nakitang hindi balot na balot ang katawan maliban kanina. Hindi ito naaakit sa katawan niya at hindi rin siya gwapo sa paningin nito, lahat nalang hindi at kasalungat iyon sa pagiging kabit at nito.
Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan ngayon. Gusto niyang makilala ng lubusan ang dalaga. Ngunit paano niya iyon sisimulan kung galit pa rin ito sa kanya hanggang ngayon?