Mabilis na naglakad si Yuhan para sundan ang dalaga na animo'y isang kuneho kung makalakad ng mabilis.
"Sandali lang!" Pigil niya kay Anne.
"Ano na naman ba ang problema mo ha?" Bulyaw nito sa kanya.
"My towel!"
Inabot niya ang tuwalya na hawak nito sabay punas sa kanyang buhok at humarap sa dalaga.
"Let's talk first." Seryosong sabi niya sa dalaga, ngunit inirapan lang siya nito.
"Eat with me now."
Hindi pa rin ito kumikibo.
"Hey, what's the problem?"
"Ikaw ang problema ko! Hanggang kailan mo ba ako ikukulong dito?" Galit at maluha-luha na
saad nito.
Natamimi siya sa narinig. Hindi niya sukat akalain na bibigkasin ito ng dalaga ngayon. Paano naman niya malalaman iyon gayong siya mismo hindi batid kung bakit kinukulong niya pa rin ito hanggang ngayon? Uo galit pa rin siya kapag sumasagi sa kanyang isipan ang relasyon nito at ng gago niyang ama. Isipin pa lang ang namamagitan sa dalawa ay umiinit na agad ang kanyang ulo. Samakatuwid gagawin niya ang lahat huwag lang mahanap ng ama niya si Anne. Iwan niya ba, gusto niya itago ang dalaga sa villa habang buhay.
"I'll cook some food for you."
"Huwag na, busog pa ako!"
"You have to eat with me, whether you like it or not, understand?"
Hindi na niya napigalang taasan ang kanyang boses at hinila ang kamay ng dalaga.
"Umupo ka at sabayan mo akong kumain." May awtoridad na usal niya.
Tinignan siya nito ng masama.
"Magbihis ka nga muna!" Bulalas nito na ikina laki ng mga mata niya.
Hindi pa pala siya nagbibihis. Kaya naman agad siyang nagtungo sa kanyang silid. Isang white T-shirt ang napili niyang isoot at pinarisan ng itim na jogger. Pipihitin na niya sana ang siradura palabas ng masagi ng mata niya ang pulang kotse na paparating. Tinitigan niya ng maigi ang monitor.
"The heck, why is she here?" Bulalas niya ng mapagtantong kotse iyon ni Samantha. Paano ito nakapasok ng walang pahintulot mula sa kanya? Anong sadya nito dito gayong alam nitong nasa ibang bansa pa siya?
Kaagad siyang lumabas at hinila ang kamay ni Anne.
"Ano ba! Saan mo ako dadalhin?"
"Basta sumama ka nalang!"
Sa kabilang banda natatakot si Anne sa posibleng gawin ng binata sa kanya lalo na ng masilayan muli ang sikretong lagusan papunta sa basement.
"Bakit mo ako dinala dito? Anong balak mong gawin sa akin?" Kinakabahan na usal niya sa binata
Ito ang lugar kung saan siya ikinulong ni Yuhan dati, kaya hangga't maaari ayaw niyang bumalik ulit dito.
"Calm down, okay? Don't worry, I won't hurt you!" Usal nito sabay pindot sa hawak nitong remote.
Hindi pa rin siya kampante sa sinabi nito.
"Kung wala kang balak na masama, bakit mo ako dinala dito ha?" Bulyaw niya sa binata.
Hindi siya pinansin ng binata bagkus patuloy lang ito sa pag hila sa kamay niya, hanggang sa nasilayan niya ang isang lugar na ikina laki ng mga mata niya.
Hindi niya inaasahang meron pa palang secret room sa basement ng mansion.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Masasabi niyang pambihira ang disenyo nito. Ang hugis infinite na sofa na natatakpan ng makintab na sida ay pumapalibot sa kulay gintong lamisa na makikita sa gitnang bahagi ng silid. Makintab ang buong espasyo ng lugar, kasama ang sahig na gawa sa mosaic tiles. Ang dingding ng kwarto ay gawa sa makapal na salamin na may kumikislap-kislap na ilaw, at ang kisami ay gawa sa silver. Meron malapad na oil painting na nakadikit sa bandang kaliwa ng kwarto at may library din sa pagitan ng silid at kusina. Naakit ang mga mata niya sa mga flower vases na nakahilira sa kanang bahagi ng lugar. Napansin din niya ang malaking TV malapit sa kusina na kasing laki ng kama niya.
"You can stay here if you want."
Boses iyon na Yuhan na pumukaw ng kanyang atensyon.
"Bakit mo ako dinala dito?" Saad niya sa binata. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng mga ganitong bagay, subalit hindi talaga siya makapaniwala na meron kamangha-manghang lugar sa ilalim ng mansion. Bukod pa rito, ang mga kagamitan na masisilayan sa silid ay lahat antique.
"We're going to eat here."
"Pwede naman doon nalang sa taas. Kung may balak kang masama, huwag mo nang ituloy!" Bulyaw niya kay Yuhan. Hindi pa rin siya mapapanatag hanggat kasama niya ang manyak sa kanyang tabi.
Dahan dahang siyang nilapitan ng binata habang seryoso ang mukhang nakatitig sa kanya.
"We will sleep here tonight."
"What? Pinagsasabi mo? Babalik na ako sa kwarto!" Bulyaw niya sa binata.
Napasinghap siya ng tuluyang makalapit si Yuhan sa kanya.
"Why are you nervous?" Usal nito habang matalim na nakatingin sa kanya.
Nag iwas siya ng tingin sa binata. Ang puso niya ay tila ba sasabog na sa sobrang kabang nararamdaman. Sumagi sa isip niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya noong nakaraang araw.
"Anong ginagawa mo?" Matapang na sambit niya habang nangangatog na ang kanyang mga tuhod.
"Relax, hindi naman kita kakainin ng buhay eh." Saad nito, habang hinahaplos ang pisngi niya.
Muli niyang naalala ang ginawa nitong kahayopan sa kanya dahilan para mangilid ang mga luha niya sa mata.
"Diba magluluto ka pa?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Ikaw ang gusto kong kainin." Usal nito na ikinalaki ng mga mata niya.
"Ano ba, umalis ka nga sa harapan ko!"
"Hahahahahaha!" Halakhak nito na umalingawngaw sa buong lugar.
Mas lalo siyang nainis sa binata na umabot sa puntong gusto na niya itong sakalin.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Nope, your reaction makes me laugh!" Nakangiting turan nito.
"Babalik na ako sa taas!" Saad niya sabay talikod sa binata.
"Go, if you can."
Ganun na lamang ang panlulumo niya ng mapagtanto na walang daanan palabas. Paano sila nakapasok dito gayong kitang-kita ng dalawang mata niya ang pagbukas ng pintuan kanina?
Masama ang tingin na ipinukol niya sa binata. Kung nakakatunaw lamang ang titig niya malamang kanina pa ito natunaw.
"I don't want to stay here with you!"
"Well, you don't have a choice." Usal nito sabay alis at nagtungo sa kusina.
Wala na siyang nagawa kundi ang manatili sa lugar. Mayamaya pa ay naamoy niya ang masarap na aroma na nanggaling sa kusina. Bigla tuloy kumalam ang kanyang sikmura. Ang totoo kanina pa siya nagugutom.
Pupuntahan na niya sana ang binata sa kusina, ngunit natuon ang atensyon niya sa isang photo frame. Makikita sa litrato ang batang si Yuhan, kasama ang napaka cute na batang babae. Bigla siyang napangiti, may picture pala sila ni Yuhan noong kabataan nila na magkasama. Hindi man niya lubusang maalala dahil sa murang kaisipan kung paano sila nagkita noon, batid niyang siya ang batang babae na nasa litrato.
Hahawakan na niya sana ang photo frame ng biglang kabigin ang kamay niya ni Yuhan dahilan para magulantang siya.
"Pwede mong hawakan lahat ng gamit dito, except this one, got it?" Seryosong saad nito.
Tinitigan niya ang binata ng may pagtataka. Isa lang ang natitiyak niya; hindi nito alam na siya ang batang babae sa litrato.
"Sino ang katabi mong batang babae sa picture?"
Bagamat alam na niya, gusto pa rin niyang marinig ang sasabihin nito.
"She's my first love, but she's in heaven now."
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Umurong bigla ang kanyang dila dahil sa narinig. Paanong nangyari yon, eh ito siya ngayon buhay na buhay at nakatayo sa harapan nito mismo?
Ang kaninang pinipigilan na mga luha ay tuluyan nang nag-unahan sa pag-agos sa kanyang pisngi. First, love, how come? Wala siyang natatandaan kung paano sila nagkita ni Yuhan noong mga bata pa sila. Kahit nga ang litratong nasilayan, hindi niya maalala kung saan at kailan ito nangyari.
"Hey, what's wrong? Why are you crying?"
Hindi niya inalintana ang sinabi ng binata. Bumabagabag sa isipan niya ngayon ang natuklasan. Ibig sabihin, malapit sila ng binata sa isa't-sa noong kabataan nila? Subalit wala talaga siyang naaalala. Kaya ba pamilyar sa kanya ang isang lugar sa kabundukan, dahil nakapunta na siya doon dati?
"Hey, what's wrong?" Dugtong pa nito sabay tapik sa kanyang braso.
"I'm sorry, naawa lang ako sa kanya." Saad niya sabay punas ng mga luha sa pisngi gamit ang kanyang palad.
"What happ….."
Naputol ang sasabihin niya nang biglang kabigin ng binata ang kamay niya.
"Huwag nang maraming tanong, food is ready; let's eat." Usal nito sabay lakad patungo sa kusina.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Gusto niyang sabihin sa binata na siya ang katabi nito sa litrato, ngunit para ano pa? Gayunpaman pinapahiwatig ng kanyang puso na magtapat na lamang sa binata dahilan para maguluhan ang isip niya.
Tinitigan niya si Yuhan. Muli niyang naalala ang ginawa nito noong una silang nagkita. Kung alam ba ni Yuhan na siya ang batang babae sa litrato, magagawa pa ba siya nitong saktan? Ano kaya magiging reaksyon nito kapag nalaman na ang first love nito at siya ay iisa lamang?
"I know I'm indeed handsome; don't stare at me like that."
Napukaw ang kanyang diwa sa narinig.
"Ang yabang mo."
"I'm just stating the facts!" Usal nito na ikinainis niya.
Kumuha siya ng pagkain sa lamesa at tinikman iyon.
"How's the taste?"
"Pwede nang pagtiyagaan." Pagsisinungaling niya. Ang totoo sobrang sarap ng niluto nitong beef omelette with fried rice, ngunit ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng bigla nitong kinuha ang pagkain niya.
"Bakit mo kinuha?" Nagtataka na sambit niya sa binata.
"Sabi mo hindi masarap. I'm going to throw it in the trash bin." Seryosong saad nito.
"Sinabi ko bang hindi masarap? Akin na nga, nagugutom na ako."
"So you mean, it was delicious?" Wika nito na may ngiti sa mga labi.
Hindi na niya tinapunan ng tingin ang binata.
"Silence means yes." Dugtong pa nito.
Kanina pa siya nagugutom, kaya nilantak na niya ang mga pagkain na niluto ng binata.
"I didn't expect you to eat so fast."
"Manunuod ka nalang ba sa akin? Hindi ka pa kumakain!"
"Sige kumain ka lang, you can eat all of that."
Minsan lang maging mabait ang mokong, kaya susulitin na niya ang pagkakataong ito.
Tumayo ang binata at nagtungo sa may sala. Ilang saglit pa ay may narinig siyang boses at batid niyang mula iyon sa telebisyon.
Mayamaya pa ay bumalik si Yuhan sa kanyang kinaroroonan.
"Let's watch a movie." Usal nito sabay hawak sa kamay niya.
"Teka lang sandali, hindi pa ako tapos kumain!"
"Doon mo nalang ipagpatuloy yan sa sala." Sambit nito habang naglalakad at hawak ang kamay niya.
"Ano ba, ayokong manood na kasama ka!"
"Sit here; no more complaining, understand?"
Muli na namang sumumpong ang pagiging bipolar nito. Wala na siyang nagawa kundi umupo ng nakabusangot ang mukha. Tinignan niya ang palabas sa telebisyon. Mahilig pala manood ang mokong ng horror movie.
"Just stay here." Usal nito sabay tayo at nagtungo sa kusina. Bumalik ito na may hawak na cone ice cream.
"Which one do you like, chocolate or caramel?"
"Ikaw, ano……"
Naputol ang sasabihin niya ng bigla itong tumabi sa kanya.
"Ako? Gusto mo… ako?" Saad nito na may ngiti sa mga labi na halatang inaasar lang siya.
"I mean, ikaw ang pumili kung alin dyan ang gusto mo!"
Inabot nito sa kanya ang isang ice cream na tsokolate ang lasa.
"Hindi ka ba nilalamig dito?" Saad niya sa binata.
Umiling ito sabay tumayo at kinuha ang remote. Mabuti at naunawaan nito kaagad na kanina pa siya nilalamig tapos binigyan pa siya ng ice cream.
"Why didn't you tell me earlier?" Sambit nito habang ina-adjust ang temperatura ng aircon.
Tinignan niya si Yuhan. Hindi niya mawari kung totoo ba ang pinapakita nitong kabaitan sa kanya o hindi. Gusto niyang itanong ang hinggil sa litrato, ngunit nag-aalangan siyang sambitin iyon sa binata.
"Yuhan." Mahinang sambit niya sa binata.
"Finally, you called me by my name; what is it?"
"Yuhan." Muli niyang sambit sa pangalan nito. Bahala na, gusto lang niya ipaalam sa binata na siya at ang batang babaeng kasama nito sa litrato ay iisa, baka sakaling pakawalan siya nito.
"May gusto ka bang sabihin? Ano nga iyon?" Saad nito, habang seryosong nakatingin sa kanya.
Nakita niya ang paggalaw ng adams apple nito.
"Yong batang katabi mo sa lit..."
Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng bigla siyang siniil ng halik ng binata dahilan para muling maputol ang kanyang nais sabihin.