WARNING: NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. THIS CHAPTER CONTAINS s****l SCENCE, BAD WORDS AND SITUATIONS SUITABLE FOR MATURE READERS ONLY.
Muling naranasan ni Anne ang banayad na paghalik ng binata sa kanyang mga labi. Heto na naman siya sa ganitong sitwasyon, ayaw ng isip niya ang nangyayari subalit taliwas iyon sa kanyang puso. Naramdaman niyang gumalaw ang isang kamay nito at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Open your mouth please." Saad nito na animo'y isang bata na nagmamakaawang bilhan ng laruan.
Mas lalo niyang naamoy ang mabangong hininga nito na may halong lasa ng caramel ice cream. Hindi niya inalintana ang utos nito. Anong mangyayari kapag ibinuka niya ang ang aking bibig? Tanong ng inosente niyang isip. Bagamat pangalawang beses na itong nanyari, hindi pa rin niya mawari kung paano tumugon sa mga halik nito.
Hindi niya namalayang kinuha na pala nito ang hawak niyang ice cream. Unti-unting bumaba ang kamay nito at dumausdos patungo sa kanyang dibdib dahilan para mapukaw ang kanyang diwa. Kaya naman bigla niya itong itinulak, ngunit hindi natinag ang binata. Ang kaninang banayad nitong paghalik ay naging mapusok na ngayon. Ang mga bisig nito ay iginapos sa kanyang bewang dahilan para hindi siya makakilos ng maayos. Ipiniling niya ang kanyang ulo upang maiwasan ang halik nito.
"Yuhan, teka lang." Usal niya habang pilit kumakawala sa pagkakayakap nito sa kanyang bewang, ngunit parang bingi ang binata at hindi narinig ang sinabi niya, bagkus muli na naman siyang siniil ng halik ng binata. Kung kanina dahan dahan ang paggalaw nito, ngayon ay marahas at agresibo na ang bawat kilos nito dahilan para dalawin ng nakakatakot na pakiramdam ang buo niyang sistema lalo na nang tuluyang maipasok ang isa nitong kamay sa loob ng kanyang damit at maramdaman ang mainit nitong mga daliri na agad tinumbok ang mga dibdib niya.
Nagpumiglas siya at at buong lakas niya itong itinulak. Kaya naman nakawala siya sa pagkakahawak nito sa kanyang bewang. Agad siyang tumayo at dumistansya sa binata.
"Yuhan ano ba!" Usal niya habang pinipigilan huwag mapahagolgol.
Tumayo ang binata at mariing tumitig sa kanya na para bang nagtataka sa ikinilos niya dahilan para mas lalo siyang matakot sa presensya nito na kagaya ng unang beses niya itong nasilayan.
"I know you're a f@***ng wh*re, tapos ganyan ka umasta?" Sambit nito na ikinagulat niya.
Akala niya totoo ang pinapakita nitong kabaitan sa kanya. Akala niya hindi na nito bibigkasin ang mga katagang iyon na wala namang katotohanan. Akala niya nagbago na ito dahil hindi na siya nito sinasaktan. Lahat ng iyon ay maling akala lang pala niya.
Tuluyan na ngang nawala ang kakarampot na pag-asang meron siya nang kunin nito ang vase sa ibabaw ng mini table at tinapon iyon sa sahig dahilan para maramdaman ang hapdi sa kaliwang kamay niya at batid niyang dahil iyon sa bubog na tumalsik sa kamay niya.
Hindi nga siya nagkamali, sapagkat tumatagas ang dugo sa sahig mula sa kanyang kamay.
"Sh*t! I'm sorry. I'm really sorry!" Nag aalalang saad nito habang mabilis na lumapit sa kanya at iginiya siya paupo sa sofa.
Agad nitong kinuha ang first-aid kit at marahang hinawakan ang kanyang kamay upang gamutin.
Hindi ito magkandaugaga kung ano ang unang kukunin sa loob ng kit.
"I'm really sorry, hindi ko sinasadya."
Sambit nito habang nanginginig ang kamay na pinupunas ang dugo sa sugat niya.
Kasalukuyan pang prino proseso ng kanyang utak ang nangyari. May parte sa kanyang isip na nagsasabing tanggapin na lamang ang sorry nito.
"Aray!" Daing niya ng lagyan nito ng alcohol ang sugat niya.
"I'm sorry, mahapdi pa ba?" Usal nito habang hinihipan ang kanyang kamay.
Tango lang ang naging sagot niya. Sumagi sa isip niya ang sinabi nito kanina na wala itong gagawing masama sa kanya. Subalit anong ginawa nito sa kanya ngayon? Gayunpaman batid niyang totoo ang pag-aalala na nakikita niya sa binata ngayon. Ito ang palagi niyang napapansin, labis ang pag-aalala nito kapag nasasaktan siya sa pisikal na paraan lalo na kapag nasisilayan nito ang dugo. Hindi niya mawari kung may kinalaman ba ang dugo kung bakit naging mahinahon ito ngayon. Kahit papano ay naibsan ang takot na nararamdaman niya ngayon.
"I'm really sorry for what I've done earlier." Saad nito habang nakatitig sa mga mata niya.
Nag iwas siya ng tingin. Hindi niya maintindihan ang sarili kung maiinis o matutuwa ba siya sa ginawa nito. Bakit ba kasi ito nanghahalik ng walang paalam? At isa pa hindi naman siya nito gusto para halikan kung kailan nito naisin.
Isa lang siyang preso na nakabilanggo at pilit kumakawala sa matigas at matibay na pader na pumapalibot sa labas ng mansion.
Maya maya pa ay natapos na nitong gamutin ang sugat niya.
Samantala labis ang pagsisisi ni Yuhan sa nagawang mali sa dalaga lalo na ng makita niya ang malaking sugat nito kanina.
Nagpadala siya sa bugso ng kanyang damdamin. Hindi niya mapigilang huwag matukso sa katawan nito at para na siyang mababaliw kakaisip sa dalaga. Walang araw na hindi niya ito nais angkinin. Naiinis lang siya, sapagkat malakas ang loob nitong tanggihan siya gayong ilang mga lalake na ang nakarelasyon nito, samantalang siya hindi man lang nito magawang tumugon sa kanyang halik.
Tumayo siya at binalik ang first-aid kit sa drawer. Nagtungo siya sa banyo. Kanina pa sumasakit ang puson niya at kailangan niyang mailabas iyon ngayon. Wala siyang pagpipilian ngayon kundi paligayahin ang sarili gamit ang kanyang kamay. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang niya ito gagawin, dahil para siyang ma u ulol kapag hindi maibsan ang init na nararamdaman niya ngayon. Ang babaeng kabit ng ama niya ay malakas ang loob na tanggihan siya samantalang halos lahat ng kababaihan ay nahuhumaling at nagkakandarapa na makasiping siya.
Bakit nga ba niya ginagawa ito ngayon kung pwede namang gawin iyon mismo sa dalaga? Ngunit bakit kumikirot ang puso niya sa tuwing nakikita niya itong nasasaktan dahil sa kagagawan niya?
Hinubad niya ang kanyang saplot sa katawan. Batid niyang nagwawala na ngayon ang kanyang alaga at hindi nga siya nagkamali. Kasing tigas iyon ng bato.
"Ohhh f***k!" Sambit niya habang nakarehistro sa kanyang utak ang hubad na katawan ng dalaga. Muli na namang gumana ang kanyang imahinasyon ngayon.
"Ohhhh sh*t Anne, you're making me crazy!" Nakapikit ang mga matang saad niya.
Pabilis ng pabilis ang bawat paghagod ng kamay niya sa kanyang sandata. At sa wakas nairaos din niya ang init na nararamdaman habang hindi winawaglit sa kanyang isipan ang maamong mukha ng dalaga.
Pagkatapos ay nilinis niya ang kanyang katawan at nagtungo sa silid niya para magbihis.
Bumalik siya sa kinaroroonan ni Anne at naabutan niya itong mahimbing na natutulog sa sofa. Kumuha siya ng kumot at nilapitan ito.
"I'm sorry." Saad niya habang kinukumutan ang dalaga.
Nakita niyang gumalaw ang mga labi nito. Hito na naman ang pakiramdam na gustong-gusto niyang mahalikan ang mga labi nitong kasing lambot ng marsh mallow.
Napansin niya na ang likot likot nito matulog, kaya naman napagdesisyonan niya na ilipat ito sa kanyang silid nang sa gayon maiwasan nito ang mahulog sa sahig.
Maingat niyang binuhat si Anne, bagaman may kabigatan ito, ngunit hindi siya nagreklamo. Dinala niya ito sa kanyang silid at dahan-dahang inihiga sa malapad niyang kama. Hindi pa niya lubusang naihihiga ang dalaga ng gumalaw ito dahilan para mawalan siya ng balanse, kaya napahiga rin siya sa tabi nito. Bilib na siya sa dalaga, hindi man lang ito nagising sa ingay na ginawa niya samantalang siya, kunting ingay lamang ay nagigising na siya.
Inabot niya ang isang kamay ng dalaga at ipinatong sa malambot na unan. Sobrang likot matulog si Anne, kaya nasasagi ang sugat nito sa kamay.
"Uhmmmm." Halinghing ng dalaga sabay patong ng kaliwa nitong paa sa kanyang binti.
Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Bahagya niyang inangat ang kanyang ulo para humarap sa dalaga at mariing tinitigan ang makinis nitong mukha.
"You're indeed a beauty." Sambit niya habang hinahaplos ang mahaba nitong buhok.
Mayamaya pa ay gumalaw ito at yumakap sa kanya na ikina laki ng kanyang mga mata.
"Sh*t ang sugat mo." Pabulong na usal niya.
Nag-aalala lang siya sa sitwasyon nito ngayon na siya ang may kagagawan. Kinuha niya ang kamay nitong may sugat dahil naipit na iyon ng katawan ng dalaga.
Mas lalong humigpit ang pagka kayakap ng dalaga sa kanya na ikinatuwa naman niya. Kung nanaisin lamang niya ay magagawa niya itong angkinin ngayon din, subalit kakaiba ang nararamdaman niya para sa dalaga at natitiyak niyang hindi iyon pagnanasa.
Hindi niya alam kung bakit niyakap din niya ang dalaga at ngayon lamang siya nakaranas ng ganito. Sobrang nagagalak ang puso niya ngayon.
"I'm sorry sa sinabi ko kanina. Patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sayo." Sambit niya kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.
Maingat niyang inayos ang kumot. Ang sarap pala sa pakiramdam ang mahiga na kayakap ang taong nagpapasaya sayo. Wala na siyang pakialam ngayon sa nakaraan ng dalaga. Wala siyang pakialam kung bayaran itong babae. Ang hindi lang niya matanggap ngayon ay ang pagiging kabit nito. Mahigit isang buwan na itong hindi nagkikita ng kanyang ama, kaya siguradong hinahanap na nito ang dalaga ngayon. Subalit wala naman siyang napapansing kakaibang ikinikilos ng ama niya.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang masayang nakayakap sa dalaga. Tiyak na mapupuyat siya ngayon. Paano naman niya magagawang makatulog kung katabi niya ang dalaga? Nagsisinungaling siya kung iisipin niya na hindi siya naapektuhan sa presensya ng dalaga ngayon. Ito ang unang beses na makasama ang dalaga sa iisang higaan at kailangan niyang magtimpi na huwag matukso sa katawan nito.
Namayani sa kanyang ala-ala ang unang beses na hinalikan niya si Anne. Natuwa siya sa naging reaksyon nito. Kung wala siyang alam sa pagkatao nito ay tiyak na iisipin niyang first kiss iyon ng dalaga. Paano ba naman kasi, hindi ito marunong kung paano tumugon sa mga halik niya na tila ba inosente pagdating sa mga ganung bagay.
Hindi niya alam kung ano ang kailangan niyang gawin para dalawin ng antok.
Inabot niya ang ulo ni Anne at iginiya sa kanyang braso. Hinigpitan niya lalo ang pagkakayakap sa dalaga at nais niya manitili na ganun ang posisyon nila buong magdamag. Maingat ang bawat galaw niya ng sa gayon hindi ito magising. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ng dalaga at walang alinlangan na hinalikan ang noo nito. Unti-unting bumaba ang mga halik niya papunta sa pisngi nito. Nakabuka ang bibig ng dalaga at naamoy niya ang mabangong hininga nito, kaya may kung anong nag udyok sa kanya na muling halikan ang mapupula nitong labi dahilan para kumabog ang kanyang dibdib sa mga sandaling iyon. Kinakabahan siya sa nais gawin baka magising si Anne.
Hahalikan na niya sana ang dalaga, ngunit isiniksik nito ang mukha sa kanyang liig.
Napangiti na lamang siya sa nangyayari. Pinilit niyang ipikit muli ang kanyang mga mata, ngunit kahit anong gawin niya hindi talaga siya makatulog. Kaya naisipan niyang bumangon. Baka kung ano pa ang gawin niya sa dalaga.
Maingat niyang inangat ang braso nito na nakayakap sa kanyang bewang, sunod niyang inangat ang ulo nito at dahan-dahang inabot ang unan. Hindi siya nahirapang tanggalin ang paa nitong nakapatong sa binti niya. At sa wakas nagtagumpay siyang makabangon ng hindi nagigising ang dalaga.
"Good night." Sambit niya bago lumabas ng silid.
Naisipan niyang magtungo sa wine cellar. Ganito ang ginagawa niya kapag hindi siya makatulog. Tinignan niya ang mga nakahelerang ibat-ibang brand ng wine. Kumuha siya ng isang romanèe-conti, ang pinakamahal na alak na nabili niya na nagkakahalaga ng libo-libong dolyar. Kumuha na rin siya ng wine glass at bumalik sa sala.
Akmang bubukasan na niya ang bote ng mapansing bukas ang silid kung saan nakahiga ang dalaga. Sarado iyon kanina, kaya nagtataka siya kung bakit bukas na iyon ngayon maliban na lamang kung lumabas ang dalaga. Dahil sa kuryosidad, nilapitan niya ang kwarto at ganun na lamang ang kaba niya ng hindi masilayan ng dalawang mata niya ang dalaga sa silid.
"Anne!" Sambit niya sa dalaga.
Nagtungo siya sa CR ngunit walang tao doon. Sinilip din niya ang kabikang silid, ngunit wala rin ito doon. Naisipan niyang baka nasa kusina si Anne, ngunit wala rin ito doon. Kaya naman kaagad niyang hinagilap ang kanyang remote, subalit hindi niya iyon mahanap. Sa may telebisyon niya lang iyon nilagay. Si Anne lang ang naisip niyang kukuha nun, sila lang naman ang tao sa basement.
"Sh*t wag ngayon please!" Sambit niya ng sumagi sa kanyang isip na baka tumakas muli ang dalaga. Hindi bubukas ang pintuan kung wala ang remote, kaya pinagsisipa na niya ang dingding na gawa sa salamin sa sobrang inis na nararamdaman.
"Where's my phone?" Sambit niya sa sarili habang hinahagilap ang kanyang smartphone, ngunit napagtanto niyang nasa taas pala iyon.
Mabuti na lang at natatandaan niya pa ang code ng pintuan dahilan para makalabas siya, kaya naman kumaripas siya ng takbo patungo sa taas.