Chapter 10: Jealous

2348 Words
Hinahabol ni Yuhan ang kanyang paghinga ng makarating sa itaas. Wala siyang sinayang na oras at mabilis na hinagilap ang dalaga. Subalit ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya ng mabungaran ang mukha ni Samantha na nakaupo sa sala. "Why are you still here?" Bulalas niya habang matalim ang tingin na ipinukol sa babae. "So you mean, alam mong nandito na ako?" "Have you seen Anne?" "Who's Anne?" Nagtataka na sambit nito. "The girl you treated before!" Tumaas na ang kanyang boses. Mas lalo siyang nainis ng lumapit ito sa kanya. "No, I didn't see her. Yong batang babae ba ang tinutukoy mo?" "Yeah and her name is Anne. Paanong hindi mo siya nakita eh kanina ka pa nandito?" "I swear, I didn't see her. Why? What happened?" "Nanatili ba ang batang iyon dito simula ng gamotin ko siya ha?" "Ang dami mo na namang tanong!" "That's why I'm asking you, para malaman ko kung ano ang nangyari!" "Just help me find her, okay?" Sambit niya kay Samantha habang naglalakad palabas ng mansion. "Yuhan, wait!" Usal nito habang nakasunod sa kanya. "Why are you looking for her outside? Hindi ko nga siya nakitang lumabas eh!" Naiirita na saad nito. Nilingon niya si Samantha. "Talaga bang hindi mo siya nakita? Are you even aware that she went out ha?" "Hindi nga sabi eh, nasa sala lang ako simula ng dumating ako, kaya makikita ng dalawang mata ko ang sinumang lumabas dito. At isa pa malalim na ang gabi, kaya bakit pa siya lalabas?" "Bakit ka ba sumisigaw?" Dugtong pa nito na ikinainis niya. "I need to find her right now, do you understand?" "Kumalma ka nga muna, bakit ganyan ang reaksyon mo? Ano bang namamagitan sa inyo ng batang iyon?" "Shut up, will you? Stop asking questions about her!" "Pwede mo namang e check ang CCTV monitor." Tinapunan niya ng tingin ang babae. "May sinabi ka ring mabuti." Sambit niya habang nagmamadaling nagtungo sa kanyang silid. Abala ang utak niya kanina, kaya hindi sumagi sa kanyang isipan ang monitor. At tiyak na nahagip ng camera si Anne kung sakaling lumabas ito ng bahay. Sinuri niya lahat ng lugar na pwedeng daanan ng dalaga. Subalit walang tao na nahagip ng camera mula sa basement maliban sa kanya. Chineck niya lahat ang lugar kung saan may nakakabit na camera, ngunit wala bahid ni anino ng dalaga. "F*ck Anne, where are you now?" Sambit niya habang malakas na hinampas ang lamesa. Uminit bigla ang ulo niya sa nangyari. Binabagabag ang kanyang isipan ng mga posibleng mangyari sa dalaga. Paano kung natakasan nga siya nito? Paano kung may masamang mangyari sa dalaga? Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari yon. Wala namang nahagip na tao mula sa basement maliban s kanya, kaya maaaring nandun pa sa basement ang dalaga. Ngunit batid niyang wala si Anne doon at nakompirma niya iyon kanina. Upang makasiguro, lumabas siya ng silid at nagdesisyon na magtungo sa basement. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng kabigin ni Samantha ang braso niya. Kanina pa siya naaalibadbaran sa presensya ng babae. Kaya nga nagtungo sila kanina ni Anne sa besement upang maiwasan ang babaeng ito, tapos magkikita lang pala sila ngayon. "Yuhan, where are you going? Iiwan mo ulit ako rito?" "Hahanapin ko si Anne!" Bulalas niya habang nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang noo. "If I were you, palalamigin ko muna ang init ng ulo ko ngayon. Pwede mo naman siyang mahanap ng hindi hinahagilap diba?" Mahinahon na sambit ni Samantha sabay pulopot ng mga kamay nito sa kanyang braso. Paano niya bubuksan ang pintuan patungong basement kung nandito si Samantha? Kahit kaibigan niya ang babae hindi nito alam na may nakatagong silid sa ilalim ng mansion. Si Anne lang ang kauna-unahang babae na dinala niya doon. "Hindi lalayo ang batang iyon. Maybe she's sleeping somewhere in this huge house." Dugtong pa nito. "I'm sure she's still here. I've checked the monitor at walang tao na nahagip ng camera." "Saan mo ba siya huling nakita? Wala ba siyang phone? Pwede mo naman siyang tawagan." "She doesn't have a phone." "My gosh, saan ba nanggaling ang batang iyon at walang gamit na phone? The last time I came here, you told me that she's your friend, how come na wala siyang phone?" Sumagi sa isip niya ang maleta ni Anne. Nandoon pa iyon ngayon sa condo unit nito. Sinadya niya talagang iwan lahat ng gamit ng dalaga doon ng sa gayon walang makakaalam sa kinaroroonan nito lalong lalo na ang kanyang ama. Sa kabilang dako, naalimpungatan na nagising si Anne. Ihing-ihi na siya kaya kailangan niya gumamit ng banyo ngayon. Tinignan niya ang orasan at hatinggabi na pala. "Ouch! Ang sakit ng ulo ko." Sambit niya habang hinihilot ang kanyang noo. Paano ba naman hindi sasakit ang kanyang ulo? Nilagok ba naman niya ang isang baso ng wine. Nagising siya kagabi sa di pamilyar na silid at huli niyang natatandaan ay nakaupo siya sa sofa. Kaya naman agad siyang lumabas at hinanap agad ng mga mata niya ang binata. Naisip niyang baka sa kabilang silid ito natutulog, samakatuwid ayaw niyang ma estorbo ang binanta, kaya nilibang niya ang sarili ka kamasid sa buong paligid, ngunit aksidenteng nakita ng mga mata niya ang remote na hawak ni Yuhan kagabi. Kinuha niya iyon ng walang pag aalinlangan at pansamantalang inilagay sa kanyang bulsa. Nagtungo siya sa fridge at kumuha ng tubig, hindi niya alam bakit bigla siya nakaramdam ng uhaw, gayong napaka lamig naman ng buong lugar dulot ng aircon. Umagaw sa atensyon niya isang nakaawang na pintuan. Dahil sa kuryosidad sinilip niya iyon at maingat na pumasok sa loob. Biglang kumirot ang sugat niya sa kamay dahilan para mapaupo siya sa maliit na espasyo na natatakpan ng malaking flower vase. Mga ilang minuto siyang nanatili sa lugar bago naisipang tumayo. Tinahak niya ang daanan papasok at tumambad sa kanya ang mga mamahaling brand ng alak na nakahilira sa wine cellar. Lumingon-lingon siya sa buong lugar, baka sakaling may makakita sa kanya na kumukuha ng wine. Subalit alam niyang natutulog si Yuhan, kaya kampante siyang kumuha ng anumang naisin na alak. Hindi naman siya lasengga. Gayunpaman, sa lipunang kanyang kinabibilangan, hindi maiiwasan ang mga pagtitipon para sa mga piling tao na antas ng lipunan gaya ng kanyang pamilya, kaya madalas siyang makatikim at makakita ng mga mamahaling alak. Kumuha siya ng wine glass at nagtungo sa malapad na sofa at inumpisahang inumin ang alak na kinuha niya hanggang sa unti-unting umikot ang kanyang paningin. Iyon lamang ang naalala niyang ginawa kagabi. Sinuri niya ang sarili at ganun pa naman ang ayos niya. Baka sakaling pumasok ang mokong at may kung anong ginawa sa kanya. Tinatamad man na tumayo, ngunit gusto niyang uminom ng malamig na tubig ngayon, kaya agad siyang nagtungo sa fridge. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang kabilang silid kung saan natutulog si Yuhan. Hindi niya talaga maintindihan ang pabago-bago nitong ugali. Naisipan niyang bumalik sa silid kung saan siya nahiga kagabi. Batid niyang si Yuhan ang bumuhat sa kanya papunta dito. Pangalawang beses na itong nangyari. Bakit ba kasi ang hilig nito na buhatin siya? Pwede namang hayaan na lamang siya matulog sa sofa. Inilibot niya ang paningin sa buong silid. Na enganyo ang mga mata niya sa isang oil painting na nakasabit sa kaliwang bahagi ng silid. Hindi niya iyon napansin kagabi, marahil nagmamadali siyang lumabas. Natitiyak niyang si Yuhan ang may-ari ng silid na ito, sapagkat halos lahat ng gamit na masisilayan sa loob ay maihahalintulad sa pag-uugali ng binata. Makintab at malinis ang buong lugar. Sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi ng makita muli ang litrato nila ni Yuhan noong kabataan nila. May family picture din sa ibabaw ng di kalakihan na kabinet at hinawakan niya iyon. Makikita sa litrato ang masayang pamilya Lee. Nakangiti ang ninong at ninang niya kasama ang anak nila na si Yuhan. Akmang bibitawan na niya ang photo frame nang masilayan niya ang isang album. Basi sa itsura nito, masasabi niyang may kalumaan na iyon. Dahil sa kuryosidad, dahan dahan niyang binuklat iyon at tumambad sa kanya ang mga litrato ni Yuhan noong sanggol pa lamang ito. Umabot siya sa gitnang pahina ng album na ikina laki ng mga mata niya. Ang daming kuha ng litrato na magkasama sila ng binata. Nakatuon ang mga mata niya sa isang litrato nila ni Yuhan. Pinilit niyang alalahanin kung paano sila nagkita ni Yuhan dati at bakit sinabi nito na siya ang first love nito at ang nakakapagtaka noong sinabi nitong pumanaw na ang batang babae na katabi nito. Walang alinlangan niyang kinuha ang litrato. Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan ngayon at tanging si Yuhan lamang ang makakasagot nun. Kaya naman buo na ang desisyon niyang magtapat sa binata. Hindi na siya makapag-antay pa kaya lumabas siya ng silid at lumapit sa kabilang pintuan kung saan natutulog ang binata. Subalit naduwag siyang kumatok sa pintuan, kaya bumalik na lamang siya sa kabilang silid. May kinapa siya sa kanyang bulsa at hinahanap ng mga daliri niya ang remote. Ayaw siyang dalawin ng antok, kaya natitiyak niyang hindi siya makakatulog buong magdamag. Samakatuwid nagpasya siyang magtungo na lamang sa taas. Wala namang pipigil sa kanya, dahil kasalukuyang mahimbing ang tulog ngayon ng binata. May pinindot siya sa remote dahilan para kusang bumukas ang pintuan. Mabilis ang kanyang kilos at galaw, kaya naman bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang marating niya ang taas. May narinig siyang ingay mula sa sala na ipinagtaka niya. Wala namang ibang tao sa mansion maliban sa kanila ni Yuhan. Batid niyang siya lamang ang tao sa taas, sapagkat nasa basement ang binata ngayon. Wala rin naman ang mga kasambahay sa villa ngayon, at hindi rin naman pwedeng pumasok ang mga guwardiya sa labas ng walang pahintulot, kaya paanong nagkaroon ng tao sa sala? Dahil sa kuryosidad, maingat at dahan dahan siyang lumapit sa malaking flower vase at sinilip kung sino ang tao sa sala, ngunit ganun na lamang ang pagkagulantang niya nang masilayan ang binata na may kahalikang babae dahilan para mabitiwan niya ang hawak niyang remote. Kaya naman natuon ang atensyon ng mga ito sa kanya na tila ba gulat na gulat din sa nangyari. "She's here!" Usal ng babae habang nakahawak ang kamay nito sa braso ng binata na animoy isang linta kung makapulupot. Subalit marahas na tinanggal iyon ni Yuhan. Maganda ang mukha ng babae at masaabi niyang resulta iyon ng pagpaparetoke. Matangos ang ilong nito at makapal ang labi na bumagay sa hugis-itlog nitong mukha. Ang kulay brown na mga mata ng babae ay bagay sa kulot nitong buhok. Napansin din niya ang makapal na make up sa mukha nito. Basi sa pananamit nito masasabi niyang eleganti at nagmula rin sa mayamang angkan. "Pasensya na kung naistorbo ko kayo." Mahinang sambit niya sabay talikod, ngunit nakakaisang hakbang pa lamang siya nang kabigin ni Yuhan ang kanyang braso. "Where have you been?" Saad nito na ipinagtaka niya. Kakaakyat nga lang niya galing basement tapos tatanungin siya nito kung saan siya nanggaling? Ibig sabihin siya lang pala ang tao sa basement kanina? Tinapunan niya ng masamang tingin ang binata. "Were not yet done!" Galit na sambit nito sa babaeng kahalikan nito kanina. Nag aaway ba sila, ngunit bakit sila naghahalikan? Iyon ang tanong na gumulo sa tahimik niyang isipan. Hinawakan ng binata ang kanyang kamay at hinila papasok sa kanyang silid. "Saan ka ba nanggaling ha? Kanina pa kita hinahagilap!" Medyo mataas ang boses na usal nito. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Naiinis na sambit niya kay Yuhan. "Hindi mo pa tinatanong ang sagot ko. Where have you been?" "Sa basement malamang, may iba pa ba akong pupuntahan?" Nakabusangot ang mukha na sambit niya. Kunti nalang talaga at sasabog na ang inis niya. Naiirita at nagagalit siya sa binata. Gusto niya itong sampalin kasama ang babaeng kahalikan nito kanina. Ano ba ang relasyon nito sa babaeng yon? Hindi naman siguro maghahalikan ang mga ito kung walang namamagitan sa isat-isa. "Don't fool me, hinanap kita sa basement ngunit wala ka doon." "Kung ayaw mong maniwala e di wag, hindi naman kita pinipilit." "Look, I'm serious, wala ka talaga doon, kaya nga nagpunta ako rito" Katwiran nito. "Para makipaghalikan sa babaeng iyon? Balikan mo na siya doon, siguradong naghihintay na yon sayo." Dugtong niya sa sinambit nito. Sumilay ang mga ngiti sa labi ng binata. "Are you jealous of her?" Usal nito na ikinagulat niya. "Hindi! Bakit naman ako magseselos?" Deritsong saad niya sa binata. Ang lakas ng loob nitong tanungin siya samantalang nag aantay ang kasintahan nito sa labas. "Bakit ganyan ang reaksyon mo?" Nakangiting sambit nito sabay hawak sa kanyang kamay. "Bitawan mo nga ako!" "Kaibigan ko lang siya okay?" Saad nito na ipinagtaka niya. Bakit ba ito nagpapaliwanag? Wala siyang pake kung ano ang relasyon ng mga ito, subalit ano itong nararamdaman niya ngayon? "Kaibigan mo siya? Bakit kayo naghahalikan? Bagay na pinagsisihan niyang bigkasin, sapagkat mabilis siyang siniil ng halik nito dahilan para lumaki ang kanyang mga mata. "Ano ba!" Sambit niya sabay kagat sa mga labi ng binata. "Ouch! What the f@*k did you do?" Bulalas ng binata habang hinahawakan ang ibabang parte ng labi nito. "Ang sama ng ugali mo! Pagkatapos mong makipaghalikan sa babaeng yon, tapos ang lakas ng apog mong halikan ako ngayon? "I know you like me." Seryosong sambit nito. "Hindi kita gusto at hinding-hindi ako magkakagusto sa isang kidnapper na kagaya mo!" "Bakit ka ba ganyan? Wag ka ngang umarte na parang inosente. Isyu pa ba ang halik sayo? Nagbebenta ka nga ng laman tap…. Isang malakas na sampal ang muling dumapo sa pisngi ng binata. Kumirot ang puso niya dahil sa binigkas nito. "Wala kang alam tungkol sa akin." Usal niya sa binata habang nag-uunahan sa pag-agos ang kanyang mga luha. Tinalikuran niya si Yuhan. Pipihitin na niya sana ang siradura ng pintu, ngunit kinabig nito ang kanyang braso at mabilis na yumakap sa kanyang likod sabay pulupot ng mga braso noto sa bewang niya. At ramdam na ramdam niya ang matigas nitong katawan sa kanyang likod bagay na nagpatayo sa mga balahibo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD