Kabanata 2: The Intersection

3543 Words
Kabanata 2: The Intersection Pagkakataon nga naman oh, tila dito pa ako mukhang tinuturuan ng universe paanong maging mabuting ina balang araw. Kung magiging ina man ako, sana maging ganyan din ako, para mas mamangha ako lalo na may ganyan pa pala na mga tipo ng magulang. And eventually, many generations would also convert themselves to these kind of parents, those who do not speak ill of their child, those who give warmth and sincere love for their children, and those parents who want nothing but the best for their child's whole being. Ang sarap pagmasdan ang mga ganitong bagay, parang nabibigyan lalo ng pag-asa ang mga katulad kong hindi naranasan ang ganoong mga bagay noong bata pa ako. “Mama, I’m done crying.” Sabi ng isang batang kanina pa hindi matigil ang pag-iyak, mukhang relieved na siya at mukhang katatapos lang niya umiyak. “Oh, you wanna go home na?” Mahinahon na tanong ng kanyang ina. “No! I do-wa-nna go ho-me!” Pagmamaktol muli ng bata habang yakap ang ina, tila hindi makontrol ang emosyon, pero kalmado na kalmado ang ina habang hinahayaan ang anak na umiyak muli. Isang nag-ta-tantrums na bata lang naman ang nagnakaw ng aking atensyon sa café na pinuntahan namin ngayon ni Ava pagkatapos ng session ko. Kanina pa siya nag-cr saglit at iniwan akong mag-isa sa lamesa namin habang hinihintay siya na makabalik. “Okay baby, listen to mama po ha? Earlier, I gave you options, ‘di ba?” Panay pa rin ang pag-iyak ng bata pero mistula naman na nakikinig ng maigi sa nanay niya na pinapatahan siya. “You told me uwi na lang tayo when I asked you if you still want to stay here or let’s watch cartoons at home. ‘Di ba?” “Cartoons.” Usad ng bata habang pinipilit habulin ang hininga. “Yes baby, we will watch cartoons at home. Kaya we have to go home na. Okay? If we will not go home, we can’t watch our favorite cartoons na.” Pilit na sabi ng ina sa kanyang anak. “Kian, want go home na.” Muling usad ng batang si Kian habang naluluhang nakatitig sa ina at nagsimulang tumawa. “Next time baby, when mama lets you choose, you choose one. Kaya mama was giving you options naman kanina, ‘di ba po?” Mahinahon na sambit ng ina. “I’m so-wwy, mama. I’m d-done crying na.” Agad na nagpunas ng luha ang batang si Kian, parang kaya na kaya niyang dalhin ang sarili niya, parang adult na kayang gawing composed ang sarili after having a breakdown in public. “It’s okay baby, mama loves you. Kian loves mama too, right?” Agad na niyakap ng bata ang kanyang ina at hinalikan naman siya ng kanyang ina sa noo habang pinupunasan ang pawis at luha na namumuo pa rin sa kanyang mga pisngi. “Mga bata nga talaga.” Biglang singit ni Ava. “Oh, Dra. Ava! Nand’yan ka na pala! I’m sorry! Nadistorbo lang ako sa iyak ng bata sa kabilang table.” Ngumiti sa akin ang ina ng bata bago sila umalis ng café. Napansin yata niya kanina ko pa sila pinagmamasdan at pinapakinggan. “Ganyan talaga kapag mga bata, hindi nila maintindihan ang emotions nila. They’re not good at processing their emotions yet. That’s why kailangan na kailangan ng matinding pasensya ng mga magulang because their child needs it. Kailangan sila ng mga anak nila. Kudos doon sa mother ha, she seems to be applying the gentle parenting. The modern way, bilib din ako sa mga ganyang magulang.” Ngumiti ito at kumuha ng alcohol spray para i-spray ang kamay ko at umupo na sa upuan. “Dra. Ava ka na nga talaga.” Sabi ko naman. “Sus, nasa labas na tayo ng ospital oh. Huwag mo sabihin pati dito Dra. pa rin ako.” Natatawang sambit ni Ava. “Tama naman, ‘di ba?” “Ava na lang, Via.” Hinawakan ni Ava ang magkabilang kamay ko at tinapik ito. Umiwas naman ako agad at napalingon muli sa labas kung saan natagpuan ko ang mag-inang masayang naglalakad. “Sana ganyan din kami ni mama noh? Nakakainggit pa rin pala kapag nakakakita ako ng mga ganyang bagay. Masaya ako para sa batang ‘yon, pakiramdam ko, he’ll never experience the same thing I had to go through as a child.” “Naiintindihan siya.” Bulong ko. “Naiintindihan ko rin.” Nakangiting sabi ni Ava sa akin sa paglingon ko muli sa kanya. “Hay. Natatandaan mo ba ang laging sinasabi ko sa’yo dati, tayo, kahit tayong dalawa lang, pamilya tayo. Pamilya mo ako, pamilya natin ang isa’t isa?” Dagdag naman niya. Oo, tandang tanda ko pa nga. Kaya lang, ako naman ang lumayo. “Kailan? Noong college?” “Oo! Nakalimutan mo na ba?! Lagi kaya laman ng mga kuwento mo sa amin ang mga problema mo dati, kaya siguro ang sarap sa pakiramdam mapakinggan ka ulit eh. After 7 years ba naman, ngayon lang tayo magkukumustahan ng ganito. Siya nga pala, abogado ka na ba? O may boyfriend? Asawa, anak?” “Seryoso ka ba?” Natatawa kong tugon habang kumagat ng cake at humigop ng kape. “Uy, patingin nga ng daliri mo.” “Wala ‘yan.” Pang-iiwas ko naman sa nakakailang na tanong ni Ava. “So, single ka pa?” “Kailangan ba triplets ako?” Pamimilosopo kong tanong habang ibang take naman ang ginawa ni Ava. “Eh, tayo ‘yong triplets, remember? Si Axel, ikaw, at ako! The best college barkada in the whole campus.” “Tangik! Sure ka ba d’yan?! Whole campus? Artista ka ba?” Napahalakhak ako at nagulat naman si Ava sa pamamaraan ng pagsagot ko. “Yong totoo, doctor ka ba talaga? ‘Di ka mukhang professional sa pangunglit mo sa akin d’yan. Huy, baka nakakalimutan mo, ‘di na tayo mga college. Tanda na natin, malapit na mawala sa kalendaryo ang mga edad natin. At kausap mo pasyente mo ngayon, ha.” Pananaway ko sa kanya. “Ito naman, parang ‘di naman tayo magkaibigan dati. T’saka ano ba ngayon, wala naman tayo sa ospital ah. Masyado kang seryoso. Huy, t’saka may lisensya ako noh. Baka isipin mo pang con-artist ako dito. Sira. Ikaw ba, abogado ka na ba ngayon?” “Ikaw, bakit ‘di ka nag-abogado?” Bwelta ko. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa aming dalawa. Hanggang sa may biglang tumawag sa akin sa cellphone. “Sagutin mo na.” Agad na sabi ni Ava. “Sige, saglit lang ha?” Lumayo muna ako ng kaunti, pumunta ako sa labas para sagutin ang tawag. “Hello?” “Stacey?” Kasamahan kong Pinay sa U.S na multimedia artist din, in-charged sa mga editing work. “Huy, Olivia! Kumusta? Bakit ba ‘di mo man lang ako tinawagan agad? Nakauwi ka ba ng Pilipinas ng safe? Pinapaalala ng team ‘yong video project.” “Nasa Pilipinas na ako. Teka lang naman, hindi pa nga ako nag-wa-one week, bigyan niyo pa ako ng time.” “Hanggang kailan ba stay mo d’yan? Sure ka ba na kaya mo mag-isa? I mean, we can follow you there. I can bring the rest of the team?” “Sabi ko nga ‘di ba, pitch ko ‘to sa creatives department. So, let me take care of it. Wala ka bang tiwala sa akin? Ikaw na bahala d’yan. Pagsabihan mo sila, give me a month. After this, I’ll come back with my project. Okay?” “Fine. Basta call us when you need help. Ha? Huwag ka rin masyadong mag-stress. Take your time. I’ll hang up now.” “Bye, Stace. Ingat.” Agad ako huminga ng malalim nang makaupo ulit sa upuan ko. “What’s with the sigh? Work?” Bungad muli ni Ava. “Yes.” “Sa firm? Cases? Litigations? Maraming kailangan basahin? Pirmahan?” “Gusto mo ba talagang malaman kung naging abogado ako?” Pagsisimula ko ng muling usapan. “Multimedia artist. U.S.” Inabot ko sa kanya ang calling card ko. “Hindi ka nag-abogado?” Gulat na reaksyon ni Ava. “Hindi ako naging abogado.” Pag-uulit ko. “So, what are you up to now?” Agad na tanong ni Ava. “Mukha bang wala akong ganap sa buhay, Ava? Narinig mo naman siguro, creatives departments, hindi ba?” Agad na nanlaki ang mga mata ni Ava, tila sumigla. “Finally! After 7 years, narinig ko ulit ang Ava sa’yo.” “Ano pa nga ba ang gusto mong itawag ko sa’yo?” Bago pa man makapagsalita si Ava, nag-ring din ang kanyang cellphone. “Excuse me for a minute.” Sabi nito. Ilang saglit lang ang nakalipas, bumalik siya ulit sa aming mesa na may dalang malawak na ngiti sa mukha. Halatang inlove na inlove, mukhang ‘di lang talaga basta chismis sa akin ni Miss Luz ‘yang fiancé niya na si Dr. Domingo pala. Baka totoo. “Oh, ngayon sabihin mo sa akin, mukha ba akong walang ginagawa, Mrs. Domingo?” Bungad ko sa kanya nang siya ay makabalik sa kanya kinauupuan. “Stop that, Via! Tagal pa ako ikakasal sa kanya noh! Dra. Ava Cruz pa ako ngayon.” Namumula na ang kanyang pisngi sa pananaway sa akin. “Ikaw naman kasi, bakit hindi mo sinabi agad sa akin.” Dagdag nito. “Sabihin na ano? Hindi ako nag-abogado? Ganoon talaga eh. Life happens, gulong ng palad is real. May magagawa pa ba ako? Eh, ikaw nga ‘di ko tinanong kung bakit doktor ka ngayon at ‘di rin abogado eh.” “Bakit nga ba?” Sabay naming na tanong. “Magkaibigan talaga tayo.” Sabay namin na sabi ulit habang natawa. “So, tell me, first. Why are you here in the Philippines? Balita ko, ikaw ‘yong patient ng fiancé ko na sa U.S based pero umuuwi lang dito sa Pinas for a therapy. Bakit ‘di na lang sa U.S? I mean, ‘di ko naman sinasabi na huwag kang umuwi. Pero, bakit ka nga rin ba umalis? Is it because ‘di ka na nag-proceed sa law school?” “Dra. Ava, hihingi ka ba ng permiso para tanungin ako ng personal stories outside the hospital premises?” Siniko ako ni Ava at tumabi sa akin. “Ito naman, parang ‘di naman kaibigan turing mo sa akin eh. Tagal na natin ‘di nag-uusap. Balato mo na sa akin ‘to. Sige na.” Paglalambing nito. “Kailangan ko pa ba ‘yan ipaliwanag? Eh, ang hirap kaya ng sitwasyon natin dati. We graduated from year 2023. Bago tayo maka-graduate nagtiis tayo d’yan sa online learning dahil sa pandemyang ‘yon. Pati sa trabaho, pahirapan pa. Alam mo naman siguro ilang raket ang mayroon ako dati para lang may ipon. Sa tingin mo naging sapat ‘yon, pag-graduate natin? Of course, no.” “So, anong nangyari?” Dagdag niya. “Pumunta ako sa abroad. Sabi ko mag-iipon ako ng pera.” “Ayon na ‘yon? Eh ‘yong therapy sa Pinas kaysa sa U.S? Mahal ba doon?” “Wala lang. Gusto ko lang dito, dito nawasak mental health ko eh. Bakit ko naman ipapagamot ang sarili ko sa ibang bansa? Panindigan ‘to ng Pilipinas.” “Ha?” Pabalang niya na sagot pabalik. “Joke lang. Ang sabi ko, gusto ko lang magpagamot dito. Dito ko naman kasi pinangarap dati ‘yon, noong ‘di ko pa afford ng medical assistance para sa mental health ko. Okay na ba? Your turn.” “Teka, ‘di pa ako tapos.” Dagdag ni Ava habang iniisip ang susunod na sasabihin. “Eh, ‘yong bakit ka nandito? Work ba?” Pagtutuloy niya matapos uminom ng kape. “Kailangan ko rin ba ipaliwanag pa ‘yon?” Pagrereklamo ko. “Eh, nagtatanong ako eh.” “Nagtatanong din ako.” Sabi ko pabalik. “Eh, ‘di pa ako tapos Via. I just want to know why you’re here suddenly.” “Baka naman alam mo na siguro kaya ‘di ko na kailangan pa ipaliwanag. Isa pa, therapy. Iyon din ang pinunta ko dito, hindi ba?” “I know. But, Olivia. Please, gusto ko kasi bumawi sa’yo, maybe I could help you with anything while you’re here sa Pilipinas? Sayang naman kung aalis kang ‘di tayo nakapag-bonding oh.” “Anong bonding ka d’yan. I came here for work. I just think Pinas is the best spot for my project.” “Ayon, so work nga? Ano bang balak mo dito sa Pinas?” “I don’t know yet.” “Wow. Really? Isang Olivia Dy? Walang plans? How come? For all I know, si Olivia Dy ay isang eldest daughter ng isang Asian family, strong, decisive, visionary, risk taker, hardworking, independent, ‘yong tipong katatakutan ng kahit sino, pinatatag ng panahon, dagok sa buhay at nakaraan, kaya siya ay natural na—” “Na planner? With strong personality? Ano pa? Sige lahatin mo na, nang marinig ng lahat. Alam mo ikaw, doctor ka naman talaga, ‘di ba? Dapat alam mo na ‘yon. Ewan ko sa’yo. Bigla ka kasi nag-ta-transform sa dati mong anyo eh. Ganyan na ganyan ka noong college te!” “Sorry naman. Ikaw kasi, ayaw pang mag-share.” “Ng cake ko ba? Oh, ayan sa’yo na. Ubusin mo na bago tayo umalis.” Inabot ko sa kanya ang kanina ko pa napabayaan na cake dahil sa kuwentuhan. “Nakakagulat naman kasi talaga kung bakit wala kang plans. Lagi ka kayang may record ng mga gagawin, ng mga plano, o ng kung ano pa d’yan.” “Hindi naman palagi. This time nga ‘di ko pa naiisip kung saan ko ba talaga balak gawin ‘yong video project ko, eh isang buwan na preparation pa naman sinabi ko sa team. Nag-iisip din ako, kung kailangan ko ba ng tutulong sa akin, kakayanin ko ba mag-isa, tapos sa Pinas pa. Everything gets really overwhelming most of the time. You know. So, ‘yon.” Adult life seems to be hitting really hard na siguro talaga. “Ayon naman pala eh. Saktong sakto. You know what, that’s fine. I can help you, okay? Just let me help you. Don’t worry. Huwag mo na dagdagan pa ‘yong mga bagay na magpapa-i-stress sa’yo. Instead… let’s just enjoy for now. Okay? Give this chance na sa sarili mo to not think so much of your plans or the future. Kahit minsan? ‘Di ba?” Wala naman akong ibang nasabi maliban sa ang tumahimik, may punto naman kasi si Ava. Kung sa pagpunta ko nga dito, wala akong plano pa para sa video project, tapos pinagtagpo pa kami ngayon, that only shows may mangyayari at mangyayari pa na out of my control. Maybe I should just let it flow. “So, do you already have a concept in mind?” Usisa sa akin ni Ava. “Olivia Dy ka, alam ko mayroon na ‘yan.” Singit niya. Bago pa man ako makasagot, biglang nag-ring ang phone ni Ava. Nakita kong sinagot niya ito. “What? Are you sure you’re not going to regret it?! Nand’yan ka na, bakit kailangan mo pa ako sunduin dito? Pupunta rin naman ako d’yan? We’ll meet. Naniniguro? Wala ka bang tiwala sa akin? Fine, I’ll see you soon. Bye, love you loms.” “Regrets, fears, and secrets on the intersections.” Nakatulala kong sambit pagkatapos inumin ang aking napalamig na na kape. “Come again? Yuhoo!?” Maya maya lang ay narinig ko na ang boses ni Ava at tila nakabalik ako sa aking sarili. “What was your idea again? Regrets? Fears and secrets?” “On the intersections.” Pagdagdag ko. “Great! Sobrang ganda, at mas gaganda ‘yan kung marami tayong mahihingan ng tulong. Let’s push a meeting to discuss in what way we are going to help you. Huwag mo na tatanggihan ang offer ko, ha. You can’t do this alone. I am sure ikaw na nanaman pasimuno nito.” Agad ako hinila ni Ava palabas ng café. “Teka, saan tayo?” “Let’s fetch my fiancé sa airport.” Agad na nagmadaling binuksan ni Ava ang pinto sa café. “What?! T-teka nga, Ava. Akala ko ba isang buwan ang conference ni Dr. Domingo?” “Eh, paano naman kasi. Ano bang magagawa ko kung gusto niya akong makita? Sabi niya hindi daw niya kaya mag-isa doon sa Baguio. That’s why he’s planning to bring me doon para na rin daw makapag-advance honeymoon.” “Ava?!” “Joke lang. Ito naman. He’ll be busy kasi for his one-month conference eh. To think, we still have to prepare for so many things. And by the way, he wants you to come with us. Gusto niya rin daw kasi mag-bonding tayo, and malay mo I could help you na rin sa video project mo while I am on leave. Isa pa, I’ll still look for people na makakatulong sa atin.” “O-o-ok-okay? Do I have to pack my things first? Or?” “Halika na, hindi pa naman agad na eh. He wants to see you rin.” “Saan nga ulit?” “Sa Baguio, I mean sa airport. Now.” Mabilis na sagot ni Ava. “Ako lang ba ang isasama niyo?” Ngumiti lang sa akin si Ava. “Baka naman ma-third wheel pa ako sa inyo.” Biglang may dumating na isang grupo ng customers na sumingit sa harapan namin para makapasok sa café. “Woah! Excuse me?” Reklamo ko. “Halika na, hayaan mo na.” “Hayaan mo na? Eh, nakita mo naman siguro anong injustice ‘yon? We don’t tolerate that here.” “Halika na nga kasi, let’s waste no time on people like that. Kailangan mo pa mag-pack, ano sasama ka ba sa akin sa airport?” “I don’t know. Pag-iisipan ko muna, kailan ba ‘yong flight?” “Next week.” “Okay, sige. See you next week. Halika na, let’s go to the parking lot. Baka ano pang makabangga natin dito. Tara na.” Ako naman ang nagmadaling kumaladkad kay Ava dahil nasa tapat kami ng pinto ng café kanina. “Next time, let’s talk about it somewhere na hindi tayo maaagrabyado. Ikaw talaga.” “Sorry na, ito naman. Na-excite lang naman ako. Unang travel natin ‘to together. Kulang pa nga lang tayo ng isa. Sayang.” “What?” “Sabi ko, sayang. Hindi mo makikita si loms.” Agad na sagot ni Ava pabalik. “Loms? Naguguluhan kong sambit. “Sinong loms?” Pagtutuloy ko while walking with her. “Si Love of My Life, Sean.” Sabi ni Ava nang romantically. “Jusko! ‘Yong totoo, gusto mo ba ako isama sa airport para salubungin si Dr. Sean Domingo, bigyan siya ng progress report mo o gusto mo lang talagang makita ko paano kayo mag-loving loving d’yan. Baka naman noh, respeto naman.” “Eh, si Loms naman ‘yon.” “Si Dr. Domingo pa rin ‘yon. Engot.” “Eh, Loms ko ‘yon…” “Oo na, Loms mo na ‘yon, lomi, mami, batchoy. Kahit ano pa, sa’yo ‘yon. Ano, sasakay ka ba o uuwi na ako, Dra. Ava Cruz?” Pag-iimbita ko kay Ava na sumakay na sa sasakyan ko. “Sige na nga, mauna ka na. Baka masyado ka nanaman ma-stress dahil pa dito. Baka masyado mo maisip single na single ka. Go na, huwag ka na rin masyadong mag-alala, hahanapin ko ‘yong isang pares mo.” “Ha?” Pag-uulit ko habang nagsisimula ng engine. “Ano?” Binuksan ko naman ang bintana ng sasakyan ko para linawin ulit kay Ava na hindi ko siya masyadong narinig kanina. “Wala. Gusto mo ba ng beef pares? Dalhan kita sa condo mo?” “Ewan ko sa’yo. Nasa iyo na calling card ko, may utang ka pa sa aking kuwento. Let’s talk about that soon. Ingat kayo ng loms mo, tsk.” “Sige, bye! Tatawagan kita ha! Update rin kita kapag nakakuha na ako ng tutulong sa’yo!” “Okay! Or puntahan niyo na lang ako, next week.” “See you, Miss Sungit!” Muling tawag sa akin ni Ava. Nagsimula na ako magmaneho palabas sa parking lot ng café, ngayon pa lang nag-si-sink in sa akin ulit that after 7 years, simula noong maka-graduate sa kolehiyo, ngayon ko lang nakasama ng ganoon si Ava. Dati sabay naming pinangarap mag-abogasya, but here she is now, a psychiatrist, ako, multimedia artist, si Axel kaya? “Hay, ano ba ‘yang naiisip mo, Via. Olivia, umayos ka. Huwag mo na i-rewind, huwag na mag-U turn, diretso lang, mamaya may makabangga ka pa eh. Tandaan! Tignan lagi ang dinadaanan. And remember, you’re here for the video project, conceptualize and remove people from your mind, especially those that do not matter and ‘yong harang lang sa daan.” Napatapik ako sa balikat ko. “Lalo na kung ‘di makakatulong.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD