Kabanata 3: Open Wounds

4512 Words
Kabanata 3: Open Wounds Maaliwalas na sinag na araw ang bumungad sa akin, para bang may bagong bukas, bagong hinaharap. Bagong araw para makibaka. Pagbaba ko sa condo-unit ko, sinalubong agad ako ng mga ngiti at pagbati ng mga taong nauna pa gumising sa akin. “Good morning, Ma’am.” “Good morning, Manong Guard.” Pagbati ko at sabay na ngumiti habang naglalakad. “Thank you po.” Agad kong sabi pagkatapos niya ako pagbuksan ng pinto. “Ingat po kayo, ma’am ganda!” Napailing naman ako sabay na mapangiti sa everyday compliment ng butihing guwardiya sa building ng condo-unit ko. Naglakad ako at nagmaneho with that positive ambiance and aura in me and in my surroundings. Not until I arrived at home. Home pa ba tawag dito? Pagtapak na pagtapak ko sa tapat ng gate ng bahay, parang mabibingi na ako sa katahimikan na malayo sa ingay ng kalsada kanina habang papunta dito, hindi ko na rin pansin ang kalumaan ng aming bahay, pero ang katahimikan na nababalot dito, parang walang buhay, katulad dati at katulad pa rin ng dati. “Oh, apo, nandito ka na pala!” Salubong ng lola sa aking pagpasok at pagmano sa kanya. “Silva! Ang anak mo!” Agad na tinawag ni lola si mama. “Pumasok na po ako, bukas po kasi ang gate, la.” Pagpapaliwanag ko naman sa lola ko na iniimbitahan na ako para pumasok sa loob ng aming bakuran. “Ayos lang ‘yon! Ganyan talaga, wala na rin kasi dito ang mga kapatid mo kaya madalas na maiwan ang gate na bukas, hindi tulad dati, may nagsasara. Ikaw, o sila.” “Si Brownie po?” Paghahanap ko sa aso namin. “Iyong aso niyo?” “Opo.” “Nasa lolo mo, doon sa kabilang bahay. Siya na ang nag-alaga, hindi kasi madala ng mga kapatid mo eh. T’saka busy din sila sa med school, ‘di na maalagaan.” “Si papa ba la, nakauwi na po ba?” “Ayon at nasa negosyo pa nila ng mama mo, medyo lumalago benta ngayon kaya minsan na lang umuwi.” Isang retired OFW na si papa, tapos na kami mag-aral sa kolehiyo, kaya hindi ko na tatanungin pa kung bakit ‘yan na ang focus niya ngayon. Matutuwa na lang siguro ako para sa kanila ni mama, dahil sa wakas, kahit papaano ‘di sila ma-bo-bored dito sa bahay at may pinagkakaabalahan at pagkakakitaan pa rin kahit sila na lang dalawa ang naiwan. “Ah, ganoon po ba. So, kayo lang po ni mama ang nandito sa bahay ngayon?” Muling usisa ko. “Ano pa nga ba, napakatahimik na nga ng bahay eh.” Natatawang sambit ni lola na hindi na siguro sanay sa katahimikan maliban sa ingay sa tuwing buong ang pamilya sa loob. Hindi nga ako nagkamali sa pagsabi dito sa nanay ko dati na huwag siyang mainis kapag tinatawag ko siya palagi, kapag kailangan ko siya. Darating din kasi ang araw na wala na talagang tatawag sa kanya ng mama dito sa bahay. Syempre, dahil magkakaroon na rin kami ng kanya-kanyang mga buhay. Tanggap niya naman na ‘yon dati pa, pero ang hindi ko lang alam, kung tanggap niya rin ba na ‘yong dating mga binubuhusan niya ng sobra-sobrang atensyon, ‘yon pa ang hindi siya maalala ngayon o mabisita man lang. Siguro kasi busy sila o may trabaho, pero kapag gusto mo naman, gagawa ka ng paraan, kahit anong paraan pa iyan. Minsan hindi kasi talaga komplikado ang buhay, ang mga tao lang. “Olivia.” Narinig ko agad ang boses ni mama, nakita ko siyang naka-pamewang dahil nagpupunas ng basang mga kamay. Mukhang galing sa kusina at abala sa paghihimay at paghuhugas sa lababo. “Mama, ha—” Agad ako lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. Agad naman siya umiwas pagkatapos ko siya halikan sa pisngi. Hay, ano pa bang bago at aasahan ko dito. “Masakit pa rin ba ‘yong braso mo?” Paglilipat ko ng usapan dahil napansin kong hinahawakan ni mama ang braso niya. “Wala ‘to.” Matipid na tugon ni mama habang naupo ako sa sofa at naglibot ang aking mga mata sa paligid. “Oh, napabisita ka? Kailan ka pa umuwi?” Agad din na usisa ni mama, para siguro makaiwas ulit. “Last week lang, ma.” “Ano ‘to?” Tanong niya sa mga nakita niya na dala ko na nilapag ko sa mesa para agad na niya mabuksan at maayos. “Pangdagdag lang dito sa bahay, t’saka mga baking ingredients. Bumili rin ako ng bago mong oven, ma. Abangan mo na lang ah, ipapa-deliver ‘yon dito ngayon.” Inabot ko sa kanya ang mga ilan sa sinabay ko sa grocery ko, alam ko kasi na hilig niya ang pag-bi-bake. Lagi siya nag-bi-bake para sa amin dati ng mga kapatid ko, different kinds of sweet treats, pastries at pakulo ang ginagawa niya sa mga pagkain. Kaya ayan, kaya para hindi siya masyado malungkot ngayon ay sinigurado ko na maaalala niya pa rin ang mga kapatid ko at para na rin sana ‘di rin niya ako makalimutan. “Wow, Salamat apo! Ngayon mas ma-e-enjoy ko na mga ginagawa ng mama mo.” Biglang pumasok si lola sa eksena. Habang si mama, tinitignan lang ng maigi ang mga pinamili ko. “Wala ‘yon la, dati ko pa rin naman ‘yan gusto gawin ito, ngayon lang talaga magagawa dahil sumasahod na ako, para makabawi rin.” Tugon ko sa lola. “Salamat.” Matipid ulit naman tugon ni mama. “Tahimik na talaga ang bahay, hindi na katulad dati.” Singit ni lola nang tinanggap ni mama ang dala kong mga supot ng grocery sa mall at agad na inayos. “Ikaw, nakabili ka na ba ng sa’yo?” Biglang tanong ni mama nang nagliligpit pa rin ng mga pinamili ko at binigay para sa kanya at sa bahay. “May supplies pa naman ako, bumili lang ako ng mga paubos kanina, ma. Kayo dito, baka hindi na kayo nagluluto masyado ng mga specialty niyo ni lola ah.” “Ano pa nga ba, wala na rin naman ang mga kapatid mo dito. Kanya kanya na kayo.” Sagot ni mama kay lola. “Andito pa naman si Via ah, baka nga magmamatandang dalaga na ito tulad ng pabiro mong sabi noon eh. Oh, may mag-aalaga na sa’yo dito. Sakto, hindi nag-law, law ba ‘yon? Itong si Via.” “La.” Natatawa kong pananaway kay lola. Si lola na kontra sa pag-a-abogasya ko dati dahil she still has the same old beliefs about entering law school, lakas din naman ng naging influence ng salita niya. Na-discourage ako at agad na naghanap na lang ng trabaho para kumita, doon, hindi ako matatakot sa walang kasiguraduhan kahit ibuhos ko buong dugo't pawis o kahit buong kaluluwa ko sa pagbabanat buto, dati may makukuha naman ako na sahod kapalit. Kaya nga lang, with the expense of time running so fast and my dreams later becoming blurred. Agad na nagtungo si mama sa kusina as if she is avoiding the conversation that starts to build. “Nagluto ang mama mo, dito ka na mag-lunch.” Sinundan ko naman si lola na inaaya akong sumama sa kanya papunta sa kusina, agad niya akong dinala doon dahil alam na niya. Mukhang alam nanaman niya kung saan patungo itong mga kaganapan sa ngayon. “Naaamoy ko nga po, la. Sinigang po ba ‘yan?” “Paborito mo.” Bulong ni lola sa akin habang natawa naman ako. Paglingon ko sa mesa, nakita ko agad na nakalatag na agad ang mga pagkain, may plato rin ako. Hindi tulad noon, madalas hindi ako paglatagan, minsan hindi tinatawag tulad ng mga kapatid ko, lalo na kapag nag-aaway kami. “Natatandaan mo ba dati apo, may isang beses na nagkasakit ka, bente anyos ka no’n hindi ba? D’yan oh, sinusubuan ka ng nanay mo. Hindi ba?” Sabi ni lola nang ituro ang paborito kong pwesto sa dining table namin na may kalumaan na at gawa sa kahoy. Pero matibay na matibay at antique na ang dating, 2020 pa kasi nabili. Naalala ko rin tuloy noong araw din na ‘yon masaya kami umuwi ng bahay nang dumating na ang lamesa, habang si mama ay naghanda na ng hapunan, unang hapunan namin ‘yon sa bagong lamesa. Mala-perfect na family ang dating, pang-teleserye pa nga yata kung ma-i-imagine pa. “Natatandaan mo pa pala ‘yon, la.” Natatawa kong sambit kay lola bago maupo sa upuan. Sa unang kwento naman ni lola, ‘yon ‘yong nagkasakit ako, na-diagnose akong may GERD noon, alagang-alaga ako ni mama noong mga panahong iyon dahil may mga kailangan akong inumin na reseta ng doktor. Pero bago ‘yan ay magagalit muna siya, sisisihin niya muna ako sa kung bakit ‘di ko inaalagaan ng maayos ang sarili ko kahit matanda na ako, imbes na dapat daw ay responsible na ako lalo sa katawan. Ganoon siya, tigasin magbigay ng paki. Sabi nga ng iba, tough love. Those were one of the saglit moments I treasure the most. “Lahat na yata ng nangyari dito, alam ko. Hindi ba apo?” Baling ni lola sa akin habang umiikot ang aking mga tingin sa paligid. “Naman, la.” Totoo ‘yon, si lola kasi talaga ang saksi ng lahat ng nangyayari sa akin at sa pamilya namin eh. Kumbaga, living truth o living witness lang ang peg ni lola. Takbuhan at kakampi ko rin siya simula pa noong bata ako, bukod kay lolo, ika nga nila kung iba magmahal ang mga ina, mas iba magmahal ang mga lola at lolo natin, kaya kung may tao man alam kong nakakaintindi sa akin, siya ‘yon. At siya rin ang isa sa mga taong takot na takot akong mawala. “La, ikaw ba, mas masakit na ba binti mo?” Pag-iibang usapan ko. “Oo, ano pa nga ba ang magagawa ko, tiis tiis.” Humigop na ako ng sabaw, kumain na rin kami ng tahimik at maya maya lang ay nagsimula na ang usapan muli. “La, natatandaan mo ba dati, tuwing nababakante ako sa mga online meeting, tapos bumababa ako dito para kumustahin ka, tuwing gabi, napapausap tayo dalawa.” “Oo naman, apo. Matalas pa ‘tong memorya ko.” Proud na sabi ni lola. “Natatandaan niyo pa ba noon ang sabi niyo sa akin, la?” “Oo.” “Mag-aral ka ng mabuti. Ayan ang sabi mo sa akin.” Pagtutuloy ko. “At nakapagtapos ako, lola. Ngayon, ako naman po ang babawi sa’yo. Ayos lang ba ‘yon? Let’s go for a check up. Sama ko na rin si mama para malaman na kung bakit ba nagkakaganyan ‘yong braso niya.” Lumingon din ako kay mama na focus lang na kumakain pero mukhang nakikinig din sa mga pinagsasabi ko kahit tila umiiwas. “Sus, lola mo na lang ang samahan mo, wala ‘to. Lagi naman na ‘to ganito.” Singit ni mama. “Ma, sige na po. Para mapatingin na natin at maagapan na ang pananakit.” Pagpupumilit ko. Agad na tumayo si mama sa kanyang upuan at hindi na tinapos ang kinakain, laking gulat ko nang ginawa niya ito. Hindi ko alam kung may nasabi ba ako na hindi niya nagustuhan o may hindi lang siya magandang narinig, o baka ayaw niya lang talaga? Hay, heto nanaman tayo. “Baka may trabaho ka pa, umalis ka na.” Malamig na sabi ni mama nang nilapitan ko siya at sinundan patungo sa kusina. “Ma, kakarating ko nga lang po.” Agad ko na sinundan pa si mama sa kusina, pilit ako hindi hinaharap, at nagpaka-busy siya kaya hindi na ako tumuloy na lumapit. Kung sa gyera pa, nag-cease fire na ako at umatras na lang. Para akong ma-de-drain ngayon eh, ngayon pa nga lang nararamdaman kong parang may namumuong lava sa kalooban ko at mamaya ay sasabog din ako na parang bulkan. Which is all of us and most of us would wish to never happen, dahil kapag nangyari iyon, boom. Disaster nanaman. “La, aalis na po ako. Sa susunod na balik ko, magpapa-check up tayo ha?” “Sige na, apo. Sa susunod na lang, ayaw din kita abalahin. Basta, i-text mo ako ha?” “Opo naman po.” Napangiti ako kay lola at bahagyang sinilip si mama. “La, ikaw na bahala mag-receive ng ipapa-deliver kong oven dito ha. Pakisabi na lang, birthday gift ko ‘yon para sa kanya. Mukhang mainit nanaman ang ulo niya eh. Eh, paano, hindi naman ako ang gustong makita n’yan ngayon sa birthday niya.” “Sus, ano ka ba. Sige na, ako na ang bahala. Ang tanda mo na, nagtatampo ka pa sa mama mo?” “Hindi naman sa ganoon, la. Baka lang kasi magalit nanaman ‘yan kapag lumapit pa ako at nangulit sa kanya.” “Haynako, puntahan mo na ang mama mo, para hindi na ‘yon masyadong magbugnot. Isa pa, hindi mo pa siya nabati, ‘di ba? Gawin mo na, bago ka umalis ulit.” At nakumbinsi naman ako ni lola kahit gusto ko na talagang umalis at huwag na harapin si mama. “Ma, happy birthday.” Lumapit ako kay mama at niyakap siya mula sa kanyang likod at hinalikan ko naman siya sa pisngi. “Salamat.” Matipid niya nanaman at malamig na sagot habang nagpatuloy lang sa paghuhugas sa lababo. Hindi na ako nakatiis pa, at sumabog na rin ako. “Ma, pwede ba, harapin mo naman ako. Kausapin mo naman ako ng maayos. Nakikita mo ba ako?” Agad niyang isinara ang gripo ngunit nakatalikod pa rin siya sa akin. “Ma, nandito naman ako para sa’yo pero bakit mo pinaparamdam sa akin na parang wala ako sa harap mo ngayon? Dahil ba wala dito ‘yong mga paborito mong anak? Dahil ba busy sila at kinalimutan ka na nila? Kaya ka ba nagagalit sa akin ngayon, ma?” Para nanaman akong batang iiyak na ng tuluyan at nagtitiis lang na huwag mangyari ito. Agad akong nasampal ng mama, laking gulat ng lola sa gilid at napahawak sa aking balikat. “M-ma, alam mo, wala naman sa akin ‘to eh. Sanay na ako na saktan ninyo ni papa. Sanay na ako na hindi niyo ako pinapakinggan o hindi niyo iniisip ‘yong nararamdaman ko tulad ng paano ko iniisip ‘yon sa inyo kahit ilang beses niyo pa ako biguin, noon pa. Pero ang hindi ko lang matanggap at hanggang ngayon hindi ko pa rin nakasanayan, ay bakit hanggang ngayon ganyan ka pa rin? Paano pa ba kita iintindihin, ma? Hindi ko na alam paano eh. Ako nga siguro hindi niyo naiintindihan eh.” Hindi pa rin nagsalita si mama at tumalikod lang sa akin, she cannot even look me in the eyes. “May kasalanan pa ba ako? Existence ko ba ang kasalanan? Ano pa bang nagawa ko, ma?” “Umalis ka na.” Malamig na sabi ng mama. “Bakit mo ba ako nilalayo lalo sa’yo, ma? Ginagawa ko naman lahat para ako naman, ‘di ba? Ako naman ‘yong kailanganin mo, ako naman ‘yong mahalin mo tulad ng sa mga kapatid ko. Ayokong sabihin ‘to eh, ayokong kaaawan ang sarili ko kasi hindi naman dapat ako namamalimos palagi, pero bakit ko ba ‘to ginagawa? Bakit mo ba ginagawa ‘to sa akin, ma? Marami rin naman akong pangarap para sa atin, marami rin naman akong sinunod mula sa inyo, marami naman akong mas mabuti at tamang ginawa sa buhay, hindi naman ako adik o kriminal, ni hindi ko nga magawang magalit pa o magtampo sa inyo eh, kahit kayo pa ‘yong may mga pagkukulang din, bakit ba, ma? Bakit ba hindi ko maramdaman ng tama na anak mo ako, ma? Anak mo naman ako, ‘di ba?” “Tama na ‘yan, apo.” Hinawakan naman ni lola ng mas mahigpit ang mga balikat ko, napagod na rin siguro siya para sa akin, dahil paulit-ulit na lang ito ang sinasabi ko sa nanay ko, pero wala akong makuhang sagot. Kahit dati pa, ang tingin pa nga sa akin ay baliw for feeling this eh. “La, hindi ko na kasi maintindihan ‘tong si mama, noon pa siya ganyan, never naman kami nag-usap ng heart to heart, laging ganito, at buong buhay ko iniintindi kung bakit sila ganito, ‘di ko maintindihan saan galing ang lahat la, hindi niyo naman sila ginanito ‘di ba? Hindi niyo sila tinatrato ng ganito sabi mo ‘di ba, la. Mahirap lang ang buhay pero hindi mahirap mahalin ang mga anak mo dati, ‘di ba, la? Kung naghirap ka sa buhay dati at sa buhay pag-ibig mo at ang relasyon mo kay lolo, sa pagmamahal sa kanila ‘di ba, hindi naman? Bakit sa akin, ‘di ganoon?” Gusto ko makakuha ng sagot mula doon pero hindi ko makuha, hindi ko mahanap ang right reasons for feeling this way. At kahit kailan hindi ako tatahimik lang, hindi ko titiisin lang, hindi ko kalilimutan lang ng ganoon ang lahat dahil lang magulang ko siya. Hindi ako ganoon, at hindi ko siguro masusunod ang payo na iyon sa akin ni lola noon, kaya siguro nasasaktan din ako ng ganito ngayon. Dahil, I want answers, I want clear answers and clear reasons, because no one deserves to be this kind of child. No one deserves any of these pain I am bearing for years. Nagsimula na mag-c***k ang boses ko, habang naiisip lahat, at ayaw na ayaw ko ‘to dahil pinilit ko kumbinsihin na matatag ako, tumatag ako sa dami ng heartbreaks sa buhay ko, but it’s all coming back to me now. All over again. Hindi pa rin ako kinibo ni mama at umalis na si lola sa tabi ko, pinabayaan na niya ako. “Umalis ka na, hindi ko kailangan ng mga anak na nakakalimot sa mga magulang nila!” “Oh, ‘di lumabas din! Dahil sa mga kapatid ko kaya ka galit sa akin. Bakit, ako ba ma nakalimutan kita? Hindi ba, hindi naman? Pero, hay! Ganyan naman ma, ‘di ba? Dati, ako lagi pinagbubuntungan niyo ni papa. Hanggang ngayon ako pa rin, sure na ba ‘to, ma? Na, dahil sa mga kapatid ko? O dahil hindi ako nag-law school at nandito ako at sila nasa med school?” Kinaladkad na ako ni mama papalabas, pero patuloy pa rin ako sa pagsasalita. “Ma, wala naman pinagkaiba eh, ang pinagkaiba lang, sila suportado ninyo ni papa sa pangarap mag-doktor, eh ako? Hindi. Pero ako pa rin ang nandito, samantalang, sila na lagi ninyong inuuna at kinukunsinti, sila pa ang wala dito sa tabi mo. Nakaka-frustrate ba ma kaya ka naiinis sa akin?” “Huwag mo na hintayin saktan pa kita.” Pagbabanta ni mama. “Go! Saktan mo na ako ma! Hindi ba, ma? Nakakainis ba? Kaya ka naiinis sa akin kasi laging totoo lang ang sinasabi ko? Kahit pa nga ang totoo n’yan, nandito lang naman ako para lang sa’yo kasi mahal kita, dahil mama kita. Kahit mahirap. Pero ikaw ma, ‘di ko na maalala ang huling beses na tinawag mo akong “anak”, ni “mahal kita anak”, wala.” “Umalis ka na, Olivia.” Mas malamig na sabi ni mama ngayon, as if there is so much force in the way she spoke it. “Sorry ma ha, kung ang hirap para sa akin, dahil hindi niyo naman pinakita kung paano eh. Minsan nga kailangan ko pa magkasakit para lang maramdaman ang pagmamahal mong pinagdadamot mo sabihin, iparamdam o ipakita sa akin, ma. Kaya ma, sorry ha. Sorry, ito lang ‘yong kaya ko, pero tulad mo siguro ma, may paraan ako ng pagpapakita na mahalaga ka rin sa akin at mahal kita. Kaya lang kasi ma, birthday mo kasi ngayon, hindi mo naman ako kailangan itaboy, ayos lang kung ‘di mo tanggapin ‘yong regalong binigay ko, huwag mo lang naman ako itaboy dahil lang wala dito ‘yong dalawa kong kapatid. Kasi ngayon na nga lang ako may pagkakataon magkaroon ng saglit moments sa’yo eh. Ako naman sana, ma.” “Umalis ka na, Olivia. May trabaho ka pa.” Sa huling pagkakataon, muli, napaluha ako ni mama. “Ma, I never thought you’d treat me this way. Much worse than before. Akala ko pa naman kapag may trabaho na ako na may mas malaking kita, kapag nakita mong maayos ang buhay ko at makakabawi na ako sa’yo, magbabago na pakikitungo mo sa akin, pero mas lumala. Ngayon, mas pakiramdam ko na hindi mo ako mahal.” “Umalis ka na!” “Ma. Kung ginawa mo akong mas matapang dahil panganay ako, salamat. Pero sana alam niyo rin na kinailangan ko kayo no’n, hindi ko kailangan maging matapang ng mas maaga kasi ang hina hina ko rin eh. Ang kailangan ko, ikaw eh. At ngayon na mas malakas na ako, ikaw naman ang kailangan kong kailanganin ako, ma. Happy birthday, mauna na ako.” Agad akong lumabas sa bahay at nagpaalam kay lola, hindi ko kinaya ang mga nangyari, parang tinutusok ng mga karayom ang puso ko, ang bigat sa pakiramdam, sobra. Why am I even seeking for validation? Olivia, nanay mo ‘yon eh, ‘di ba nga sabi ng karamihan, sa lahat ng tao sa mundo ‘yon ang mas nakakaintindi sa’yo at mas nagmamahal sa’yo at ganoon ka rin dapat bilang anak, ikaw din ang mas nagmamahal sa kanila at nakakaintindi, pero bakit sa akin, parang hindi ganoon? Dahil kay mama, naisip kong mas mahal ko na lang dapat talaga ang sarili ko. Hindi ko kasi maramdaman ‘yong sinasabi ng karamihan, at ang mas masakit pa d’yan sa nanay ko pa. Parang nanumbalik na lang tuloy bigla ang lahat noong 20th birthday ko, noong ‘di man lang ako binati ni papa at mama, pati ng mga kapatid ko. Pagkatapos ng dalawang dekada, ganoon ko na lang ang naramdaman ko, na parang hindi ako mahalaga, parang hindi ako dapat ipagdiwang dahil lang sa isang away pamilya na ako naman ang diniin at sinaktan. Saan pa ba ako pwedeng ma-gaslight? Wala na bang mas toxic at neglecting na environment d’yan? Saan pa ako pwedeng lumugar? Nakakapagod. Anak rin ako eh, wala lang ‘yong dalawa kong kapatid, pero anak rin ako. Kung nand’yan nga ‘yong dalawa, hindi na ako makita, pero ngayon na ako na lang ang nandito, hindi pa rin ako makita, paano pa kaya ako nito? Ang sakit, hindi ko alam kung anak pa rin ba ako. Pawala lang ‘yong edad ko sa kalendaryo, pero anak pa rin ako, sana mahalin, sana isipin, sana mahalaga at sana nakikita. Imbes magmukmok pa sa tapat ng gate at kung ano pa ang maisip par mas kaawaan lalo ang sarili, agad na ako nagmaneho na lang paalis na umiiyak. Hindi ko na halos ma-recognize saan nagmula ang mga luha ko, dahil ba na-realize ko lang na birthday ni mama pero parang birthday ko na rin ulit? O dahil pakiramdam ko ‘di ako mahal ng mga magulang ko? Kasi nanumbalik ‘yong sakit noong araw na dapat masaya lang pero malungkot ako, ‘yon ay noong unang beses na hindi man lang ako binati ng happy birthday ng pamilya ko maliban kay lola at lola. LUMIPAS ang ilang sandaling pagmamaneho, ang tanging alam ko na lang sa ngayon ay nasa kalagitnaan ako ng kalsada, iyon. At ito ang unang beses na ito lang ang mararamdaman at tanging alam ko, I am on the road, so I should drive my car. “Tsk! Pamilya?! Pamilya!” Natatawa kong sumbat sa sarili ko habang natatawa sa kawalan. “Hindi ba, napakaliit na bagay, Via!? Bakit ka nasasaktan?! Thirty years old ka na oh, pero masakit pa rin?!” Paulit-ulit kong kinausap ang sarili ko, umaasang matauhan naman ako, kung pwede lang sana isipin na huwag na lang ako lumuha kasi sila nga hindi naman iniisip kung malungkot o masasaktan ka ba sa araw na ‘yon eh. “Bakit ba?! Eh, birthday ng mama eh, tapos umiiyak ako! Nakakainis! Lagi na lang akong pinapaiyak sa mga birthday! Espesyal na araw ‘yon eh! Ikaw nga noong birthday mo, hindi nila maalalang paghandaan o bilhan ng cake o ni batiin man lang, pero ikaw, sa bonggang mga birthday ng mga kapatid mo, noong binati mo, nag-thank you nga binastos ka pa! Anong klaseng pamilya ba ang mayroon ako!” Napadabog kong napindot ang busina nang may nakita akong tumawid na lalaking muntik ko na hindi mapansin. Tila bumalik ako sa aking katinuan bigla nang napabusina ako. “Hoy!” Agad kong pinunasan ang kanina pang tumutulong luha ko gamit ang mga palad ko at bumaba sa sasakyan pagkatapos ko itigil ito. “Pwede ba! Tignan mo ng maigi ‘yang dadaanan mo! Huwag kang kumaripas lang d’yan! Makakadisgrasya ka eh!” Napasigaw ako ng malubha sa inis sa lalaking naabutan ko nang ihininto ko ang sasakyan. Isang lalaking nakasuot ng itim na sunglasses, naka-tuxedo at may dalang bouquet at pulang kahon ang bumungad sa akin. Laking gulat ko na napakapamilyar ng mga facial features niya, nang tanggalin niya ang kanyang itim na shades, mas nagulat ako sa aking nakita. “Excuse me, miss! Ikaw ang nagmamaneho, bakit sa akin mo sinisisi ‘yang katangahan mo, ako ang muntik mo na mapatay! Pwede ba kung iiyak ka, punasan mo muna ‘yang luha mo bago ka magmaneho, oh ayan! Nagmamadali pa ako!” Inabot niya sa akin ang kanyang panyo at natulala na lang ako bigla hanggang sa umalis siyang nagmamadali, ngayon ko lang na-realize malapit na pala kami sa isang mall. At kanina pa pala ako nagmamanehong umiiyak, I could have caused an accident or worse, baka ako pa ang nadisgrasya sa dami rin ng sasakyan sa paligid. Ito na yata ‘yong sana matauhan ako na wish ko kanina pa, I have to fix myself. Bumalik ka sa katinuan mo, Olivia. This is not healing, this will not heal you. Agad kong tinanggal ang salamin na suot ko at pinagmasdan ang panyong pinahid ko agad sa mga luha ko. Pagkatapos nito, bigla kong naalala ang isang pamilyar na amoy ng panyong hawak ko. Agad akong may naisip, imposible. Pero possible, possible na siya ‘yong nakita ko. “Jaden? Hindi mo ba ako namumukaan?” Pinagmasdan ko lang maglaho ang lalaking ‘yon sa paningin ko, natulala ako habang napagtantong para siyang isang hangin na dumaan lang, parang oras na lumipas, at parang pagmamahal na nawala at matagal nang hindi matandaan, makilala o mamukaan. Kung si Jaden man ‘yon, bakit hindi man lang niya ako namukhaan? Ay baka namalik mata lang ako, baka ibang lalaki, dami naman d’yan, baka di ko rin kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD