Kabanata 4: Love Moves in Mysterious Ways

4783 Words
Kabanata 4: Love Moves in Mysterious Ways Heaven knows love is just a chance we take We make plans but then love demands a leap of faith So hold me close and never ever let me go “Huy! Anong bang tinutunganga mo d’yan!” Ang napasarap kong soundtrip ay naudlot lang naman. “H-hoy!” Nagulantang naman ako sa biglang pananaway ni Ava nang bigla akong kinalabit. “Sino ba naman ang hindi matutulala sa view, nakikita mo ba ‘yan? Ilang oras din ‘tong byahe natin noh.” Tinanggal ko ang earphones na suot ko sa magkabilang tenga at nalipat ang atensyon kay Ava na nakaupo sa tabi ni Dr. Domingo na nagmamaneho. “Weh? Sigurado ka? Dahil sa travel time ba ‘yan o may iba kang iniisip? Naku!” “Pwede ba, Dra. Ava. Nakikita mo naman siguro anong ginagawa ko, sound-trip sa byahe lang ‘to, alangan naman pagmasdan ko kayo d’yan ni Dr. Domingo na sweet na sweet d’yan sa harap hanggang makarating tayo sa Baguio? Samantalang, ako dito sa likod—” “Shhhhh! Sige na, oo na. Hindi na kita guguluhin d’yan, pero pwede ba, hindi ba nga we already had an agreement na outside of the hospital, I am Ava, your college friend. Huwag na tayo masyadong formal. Okay, Via?” Napairap naman ako. “Oo nga, isa pa, mas mapapalapit kayo ulit kung ganoon.” Singit ni Dr. Domingo. “Oo na, sige na. Pati rin ba ‘tong fiancé mo tatawagin kong Sean?” Napakunot noo naman si Ava sa sinabi ko. “Ah okay, loms ba gusto mo?” Pagbibiro ko. Humalakhak naman si Dr. Domingo. “Joke lang, ito na, binabasag na nga ‘yong ice.” “Babasagin kita kapag inagaw mo ‘to sa akin.” Pagbabanta ni Ava. “Luh! Sus, magsama kayo d’yan, ako pa talaga pagbabantaan mo? Ewan ko sa’yo, Ava. Doon ka na nga, humarap ka na doon, mamaya na tayo mag-usap pagdating sa hotel.” Natatawang pananaway ko kay Ava. Agad naman humarap si Ava ulit at tumalikod sa akin na nakaupo sa likod ng driver at passenger’s seat ng kotse ng fiancé niya. “Don’t worry, ‘yong beef pares mo, on the way na.” “On the way?!” Nalilito kong tugon. “Wala, d’yan ka lang. Huwag ka masyado ma-stress.” “Ewan ko talaga sa’yo, Ava. Hinintay ko ‘yong beef pares ko sa condo ha!” Maya maya lang ay bigla kaming nahinto sa aming land-travel. “Oh, loms, bakit tayo napahinto?” “Gas-up, loms.” Tugon naman ni Dr. Domingo sa fiancé at agad na bumaba mula sa driver’s seat. Lumingon muli sa akin si Ava habang nakaupo pa rin sa tabi ng driver’s seat. “Oh?” Napaiwas naman ako ng tingin at tumingin sa paligid, nasa gas station na nga pala kami, medyo malayong byahe na nga ito. Agad naman bumaba sa kanyang pwesto sa upuan at iniwan ang gamit sa kinauupuan si Ava. “Oh, saan ka pupunta, loms?” Tanong ni Sean sa fiancé. “Oh, tinatanong ka ni Sean.” Pagtuturo ko sa fiancé ni Ava habang nakatitig lang sa akin si Ava ng diretso. “Lilipat lang ako dito sa tabi ni Via, loms. Para hindi masyadong ma-lonely.” Tugon ni Ava sa fiancé habang ako ang tinititigan at in-emphasize pa ang salitang lonely. “Wow ha, ako, lonely?” Kontra ko naman. “Ikaw Via ah, sabihin mo nga sa akin, crush mo ba ‘tong si Sean?” Pabulong niyang sabi habang saktong nasa cashier ng gas station pa si Dr. Domingo. “WHAT?!” “Sira!” Agad tinakpan ni Via ang bibig ko. “Ikaw ang sira.” Umirap naman ako pagkatapos iwaglit ang kamay ni Via sa bibig ko. “Hoy, Dra. Ava. Tinawag ko lang na Sean ‘yong loms mo, pero wala akong balak maging kabit noh.” Mamatay man akong single, never ako makikiapid, ang gasgas na no’n, makikisali pa ba ako sa iba. Gosh. Ang cheap. Agad nagbago ang timpla ng itsura ni Ava nang pumasok si Sean sa sasakyan. “Okay, we’re done here. D’yan ka na ba muna uupo, loms?” Tanong ni Sean kay Ava. “Yes, loms.” Bumaling ulit sa akin si Ava na mukhang may saltik na, minsan doctor, minsan ewan ko kung doctor ba talaga. Well, tama nga siguro sila. We may grow up, but the kid inside of us will never die. At kung mamatay ‘yon, parang ang lungkot naman ng buhay kung ganoon. “Hays, mabuti naman! Naninigurado lang ako noh! Dami kayang nagkakagusto sa kanya, ayaw ko ng kahati noh.” “Seriously, Dra. Ava? Sa akin ka pa talaga magtatanong ha. Sino bang mas praning sa atin?” Natatawa kong bulong. “Shhh, manahimik ka na. Naniniguro lang talaga ako.” “Sus, ang sabihin mo, threatened ka sa ganda kong ‘to.” “Ah, ganoon. Sige, gusto mo bang itapon ka na namin d’yan sa kalsada?” “Wow, Dra. Ava, is this how you treat your patients?” Natatawa kong panunukso kay Ava. “Che! Manahimik ka na, sinisiguro ko nga lang.” “So, umaarte ka lang ngayon sa harap ko? Haynako. Cut the crap, tell me what you want to know.” Ako pa, sus. Alam ko na ‘to, mangungulit nanaman ‘to ng kuwento. “Oo na, sinusubukan ko lang naman malaman kung anong iniisip mo d’yan, kanina ka pa kasi tulala. I mean, normal naman matulala lalo pa’t nasa byahe tayo ngayon, pero kasi, doctor mo na rin ako, tapos kaibigan mo pa ako, naramdaman ko na ‘di ka, okay.” Malumanay mong sabi. “At sa tingin mo naman malalaman mo pag ginaganyan mo ‘ko?” “I just want you to lessen your baggage or at least, I just want it to not be that heavy. Alam mo ‘yon, baka pag na-shaken ng kaunti ‘yong kwela side ko, mayugyog din ‘yong mga energy mong nakakubli d’yan sa 30-year-old self mo. Loosen up, Via.” “Wow ah? Kino-comfort mo ba ako o dinidiretso?” Natatawa kong tugon at napakamot naman ng ulo si Ava pagkatapos ko mapabuntong hininga. “Wala eh. Ganito talaga ka-heavy ‘yong buhay ko, kahit nga papunta sa Baguio, ‘yon ang laman ng isip ko eh.” “Ano ba kasing nasa isip mo?” Pangungulit niya. Sasagutin ko na sana si Ava sa tanong niya nang biglang nag-ring ang phone ko. “Si lola.” “Sagutin mo na, Via. Baka nanghihingi ng updates.” Sabi ni Ava pagkatapos sumandig sa upuan at nginitian ako. “La?” “Oh, apo, nasaan ka na ngayon? Kumpleto ba ang mga dala mo?” “La, nasa byahe pa po kami ngayon, ayos naman po ako, la. Kayo d’yan?” “Aba, maayos kung ganoon apo. Mag-iingat kayo d’yan ah. Unang beses mo pa naman makakapunta sa Baguio. Naku, sayang. Magkasama sana tayo dati papunta d’yan, ‘di bale, siguraduhin mong ma-e-enjoy mo d’yan ah. Ingat kayo ng mga kaibigan mo. Huwag mo kami masyadong alalahanin dito, apo. Ayos kami dito. Ang totoo pa nga n’yan, binisita kami dito ng mga kapatid mo ngayon lang. Gusto mo bang silang makausap?” “Ah ganoon po ba la, sige po. Huwag na po. Kumustahin niyo na lang po sila para sa akin. Promise, la. Susulitin ko talaga itong Baguio trip. Balitaan kita la, bago ako bumalik sa U.S.” Napalingon ng bahagya sa akin si Ava. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa kabilang linya. “Oh, sige la, baka nakakaabala na po ako sa inyo.” “Apo?” “Po la?” “Pasensya ka na ah, ako na ang humihingi ng dispensa sa nagawa ng mama mo noong nakaraang linggo. Kilala mo naman ‘yong mama mong ‘yon, ‘di ba?” “Wala ‘yon la, ang importante okay siya d’yan, bumisita na rin kasi ‘yong mga kapatid ko. Pakisabi na lang la ah, ingat kayo palagi d’yan, t’saka sana nagustuhan ni mama ‘yong bago niyang oven. Sana nakarating ng maayos.” “Makakarating ‘yan apo. Huwag ka mag-alala, ginagamit niya ngayon.” “Sige la, bye po.” Pagbaba ko ng tawag agad akong napapikit ng mata at napahinga ng malalim. “Oh, okay ka lang?” Bungad ni Ava. “Wala ‘to.” Matipid ko naman na sagot matapos itago ang aking cellphone. “Sus, sa akin ka pa magsisinungaling. Sige na, makikinig ako.” Napalingon ako sa kalsadang tinatahak namin ngayon habang hinihintay ni Ava na lingunin ko siya ulit. “Huwag kayong mag-aalala, malayo pa tayo. May ilang oras pa, libreng session ‘yan, Via.” Agad na singit ni Sean. “Huy, ano ka ba!” Pananaway naman ni Ava sa fiancé na nakikinig sa amin. “Charge niyo na lang ‘to sa next visit ko mga doctor.” Tugon ko pabalik. “Ito naman, parang ‘di mabiro eh. Magkaibigan tayo, Via. Pwede mong sabihin sa akin ang mga bagay na nagpapabigat sa loob mo, ‘di lang dahil doctor mo kami. Okay?” Napasandig ako sa aking kinauupuan at dumungaw ulit sa bintana. “Ava, ‘di ba kapag mahal mo, sasabihin mo? Ipapakita mo, hindi mo itatago.” Matagal hindi nakasagot si Ava sa tanong ko, hanggang sa napalingon ako ulit sa kanya. “Dipende ‘yan Ava. May iba’t ibang love language kasi tayong mga tao. At kung alam natin ang mga ‘yon, hindi naman mahirap ipahiwatig kung gaano natin kamahal ang isang tao eh lalo na kung alam natin kung anong love language ng taong mahal natin. Unless may nagpipigil sa atin, hindi talaga masasabi.” Tugon ni Ava. “Pride, hiya, takot.” Malumanay kong sambit. “Tama ka d’yan, Via.” Napabuntong hininga ako. Bigla na lang nagpatugtog si Sean ng music, With A Smile ng Eraserheads pa. “Baby, you don’t have to worry…” Napabulong ako sa sarili ko nang masabayan ang kanta. “Sana ganito lang kadali magsabi o magpakita ng pagmamahal.” Dagdag ko matapos magbitaw ng lyrics ng kanta. “Pero mahirap gawin ‘di ba, Via? Parang ayan, kinakanta mo ang dapat na ginagawa mo, kaso hindi mo rin naman magawa. Para ka lang nag-a-advice ka sa iba, tapos ‘di mo naman ma-apply sa sarili mo. O ‘di kaya, ‘yon nga, mahal mo ang isang tao, pero ‘di mo naman masabi. Alam mo, minsan mas okay na rin siguro hindi natin sinasabi kung anong nararamdaman natin, kung ‘di naman natin maipapadama, what’s the point?” Dagdag ni Ava. “Kaya siguro maraming nagpaparamdam ng pagmamahal nila sa paraang sila lang ang nakakaintindi at hindi ‘yong mga taong binibigyan nila nito, kasi siguro, ‘yon nga, hindi nila masabi, o hindi nila malinaw. Ang nakakainis pa, magkaiba nga tayo ng love languages. Minsan alam natin, minsan hindi, minsan hindi tugma, hindi magkaintindihan, at ‘di ma-reciprocate.” “Naniniwala talaga kayo sa actions speaks louder than words?” Singit ni Sean. Nagkatinginan naman kami ni Ava. “Ako, hindi. Biktima ako n’yan eh.” Agad kong banat. “Biktima?” Usisa ni Ava. “Tignan niyo, sa tingin niyo talaga louder ang actions kung walang words? Sa tingin niyo ba sapat lang na ipakita sa isang tao na mahal natin sila nang hindi natin sinasabing mahal natin sila? Hindi ba nakakabaliw ‘yon? Hindi naman lahat ng tao makakaintindi agad, ‘di ba?” Napalingon sa ibang direksyon si Ava. “That’s what I am trying to say, Olivia.” Singit ulit ni Sean sa tanong ko. “Parang ako kay Ava, noong araw na na-realize kong mahal ko siya, binigkas na lang ng bibig ko ‘yon and then I started making her feel that I love her. Sarap pala sa pakiramdam, there’s clarity eh. Kumbaga two is better than one. Iparamdam mo. Sabihin mo na rin.” “Clarity.” Napangisi ako. “Okay ka lang ba, Olivia?” Usisa ni Sean. “Ayan oh, ‘yang fiancé mo ang tanungin mo. Tumahimik bigla eh.” Tinuro ko naman si Ava bigla. “Huy, okay ka lang?” Siniko ko si Ava na biglang natulala. “A-a-ahh, oo! Okay lang. Ano ba kayo! May naalala lang ako.” “Sino?” Sabay namin na tanong ni Sean. Nanlaki ang mga mata ni Ava. “Aba ah? Sino agad? Hindi pwedeng ano? T’saka, teka nga! Bakit ako na ngayon ang apple of the eye? ‘Di ba, si Via ang subject?” “Ewan ko sa inyo. D’yan na nga kayo.” Umirap naman ako. “Kung ano man ‘yang pinagdadaanan mo ngayon Olivia. You’ll get through it, ganyan naman talaga ang pag-ibig, masakit, magulo, nakakalito.” Singit ni Sean. “Pero kailangan mo pa rin sabihin.” Matipid kong sambit. “Alam niyo ba kung bakit may mga taong nahihirapan na sabihin ‘yong “mahal kita” sa mga taong mahal nila?” Biglang bwelo ni Sean habang parehong nakadungaw kami sa bintana ni Ava. “Dalawa lang ‘yan, una, nahihirapan sila kasi iniisip nila na hindi sila mahal o kayang mahalin ng mga taong mahal nila o pwede rin, hindi rin kasi nila kayang sabihin na mahal din nila tayo. Pangalawa, some people feel that they are unworthy of receiving love kaya kahit buhusan na sila ng pagmamahal, ma-fru-frustrate ka lang kapag ikaw ‘yong nagbibigay tapos ikaw pa ‘yong tinataboy.” “Shoot.” Closing remarks ko. Nagtinginan naman ang dalawa sa akin. “Alam niyo, kayong dalawa, libre niyo ako ng inuman mamaya.” “Umiinom ka na?!” Gulat na reaksyon ni Ava. “Charot lang, kayo naman. Alam mo naman siguro may GERD ako, ‘di ba? Hindi ako tumatagay ng bongga noh. Tikim tikim pa rin tuwing may occasion. Ano ba. Hindi mabiro noh? Alam niyo, mga ganitong usapan dapat sa gabi na pinag-uusapan eh. Ano, malulungkot na lang ba kayo sa kuwento ng buhay ko?” “Haynako, tama na nga ‘yan. Matulog ka na muna d’yan, Via. Sisiguraduhin kong hindi ka malulungkot sa buong Baguio trip. Promise.” “Talaga lang ah, Ava? Eh pagdating nga natin doon trabaho agad eh.” “Anong trabaho ka d’yan?” Napakunot noo naman si Ava. “Ano pa nga ba ang pinunta natin sa Baguio?” “Of course, susulitin natin ‘yong stay doon noh! Mag-e-enjoy—” “Mag-e-enjoy akong panoorin kayong dalawa ni Sean mag-loving-loving?” “Ano ka ba! Basta manahimik ka na d’yan, mag-e-enjoy ka, okay? Mag-e-enjoy tayo, consider this a wedding gift from us.” “Wedding gift from us? Or a wedding gift ko sa inyo?” “Basta, matulog ka na d’yan, magpahinga ka na muna. Akong bahala sa’yo, remember? I will help you.” ILANG minuto na ang lumipas, nagising na ako mula sa byahe galing Maynila hanggang Baguio, napansin kong dahan-dahan na naghahakot ng mga gamit sa likod ng van si Sean at Ava. Napalingon din ako sa paligid, mas dumami na ang magagandang views ng bundok, everything is green and foggy. Malamig na, heto na ‘yon, malapit na kami. “Oh, gising ka na pala. Kumusta tulog?” Bungad ni Ava sa akin nang buksan ang pinto ng sasakyan. “Okay naman.” Tanging sagot ko. “Mahigit tatlong oras din ‘yong byahe natin, that’s good, nakatulog ka rin ng mahimbing kanina.” “Oh, panyo mo, nahulog mo yata kanina. Kanina mo pa hawak ‘yan.” Babangon na sana ako para asikasuhin ang mga luggage ko nang pinatigil ako ni Ava at may inabot na panyo sa akin, ‘yong puting panyo. “Kanina mo pa hawak ‘yan, pansin ko lang. Sa’yo ba, ‘yan?” Hindi naman ako nakaimik agad. “Huy, nasaan ka? Kasama pa ba kita? Baka naman bigla kang nag-time-travel d’yan ah.” Napapalakpak naman sa harap ko si Ava, halata pa siguro niya na lutang ako at wala ako sa mood kausap dahil bagong gising pa lang ako. Sinilip ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras at petsa na. “February 10, 2030. 4:00 pm.” “Oh, magkasama pa tayo, buti naman. Akala ko bumalik ka sa 2023 eh.” Puna ni Ava. “Ayan sige, gisingin mo muna ang sarili mo.” Tinapik ako ni Ava. “Shh, ingay mo. Manahimik ka nga muna d’yan. Nahihilo pa ako.” “Sakto, tara?” Napalingon ulit ako sa likod ng kotse at sa labas ng sasakyan, napansin kong hindi pa pala lahat ng gamit ang naibaba, ibig sabihin no’n, baka we just had a stop somewhere. “Wala pa tayo sa hotel?” Usisa ko kay Ava matapos sumilip sa labas. “Mamaya na ‘yan, dito muna tayo. Malamig na rin, magpainit muna tayo ng sikmura.” Inabot niya sa akin ang salamin ko at agad ko na ito sinuot para nakita ang paligid nang mas malinaw. “Okay, saan tayo?” “Halika, baba ka na.” Inimbita naman ako ni Ava na bumaba na sa sasakyan, ako na lang pala ang naiwan. “Tan-aw sa alang?” “Yes, we are here at Tan-aw sa alang! We’ll just have coffee here muna! 20-30 minutes na lang and we will be at Baguio na, para magising ka muna d’yan, halika na!” Agad ako kinaladkad ni Ava papasok sa café dito sa Tuba, Benguet. “Tara, let’s check their menu?” Pang-iimbita naman ni Sean. “Naisip namin na pumunta tayo dito para if ever man na gusto natin pumunta ulit dito, hindi na natin kailangan bumalik pa from Baguio when we arrive there.” Sambit naman ni Ava while looking for a spot. Ninakaw naman ng atensyon ko ang menu nila na nakapaskil sa isang blackboard, their brewed coffee is called Bassit, Dakkel and Dakdakket which in English is Small, Large and Larger. They also have double chocolate and chip cookies with premium dark and milk chocolate chips. And oh my gosh, may banana bread din sila with dark chocolate chips and finely chopped roasted walnuts. May pa seafood lasagna pa, lahat na yata ito mga paborito ko. “Oh, nanlaki ‘yang mga mata mo. Sabi na nga ba magigising ka dito.” Rinig kong bulong ni Ava. “May extras din pala sila na yakult and mineral water, may pa tableya pa. Benguet na Benguet na talaga ang feels ko, Ava. Ano pa kayang naghihintay sa atin pagdating sa Baguio.” Sabik kong puna kay Ava. “Marami.” Ngumiti sa akin si Ava habang tinabihan ang fiancé. “Ang ganda naman dito.” Pag-uulit ko. “I know right.” Hindi rin nagtagal, matapos ko sulitin ang sariwang hangin at tanawin sa pwesto ko, namataan ko si Ava at Sean na may dalang mga cup ng kape. Kanina pa pala nila inaasikaso ang mga pinunta namin dito at ako naman ay masyado lang drawn sa view. Ang ganda kasi talaga, parang kaya akong itago ng mga fog na magkakadikit. “Oh, ayan. Self-service dito, pero ako pa mag-se-serve sa’yo, kanina ka pa nag-e-emote d’yan ah.” Inabot sa akin ni Ava ang kape ko na may pa-side comment pa. “Ayan, ilagay mo d’yan ‘yang sugar sa kape, nang magkakulay naman ‘yang mukha mo, nang may kaunting sweetness naman tulad namin ni Sean.” “Seriously, Ava?” Natatawa kong sabi sa dalawa habang tinititigan sila. “Ano ba ‘to?” Agad kong kinuha ang parang puting candy na kasama ng kapeng in-order ko kanina. “Balikutsa ‘yan.” Singit naman ni Sean. “Balikutsa?” “Yes, that’s called Balikutsa, mukhang candy talaga ‘yan. That is a sugar from cooked, molten and sticky sugarcane that is stretched white and curled.” “Ah… alam na alam mo, Dr. Domingo ah. I mean, Sean.” “Ehem.” Singit naman ni Ava. “Malamang, tagal na niyan dito sa Baguio, dami ng alam n’yan.” “Ikaw ba, Ava?” “Same lang kami, ilang balik ko na rin dito, hindi kasi makatiis ‘to malayo sa akin, excited din masyado sa kasal. Gusto pang ipagsabay ang preparasyon sa conference niya. Iba rin.” “Ay sana lahat na lang sa inyo noh?” “Huwag ka na masyado mag-alala d’yan.” Kanina pa paulit-ulit sinasabi to sa akin ni Ava. “No, but yeah, honestly, we’re really happy that you’re here with us. And Ava won’t be that lonely kapag wala ako.” Singit naman ni Sean sa pinagsasabi ng fiancé. Wow ah, pasalamat na lang siguro ako na tinutulungan ako nitong si Ava sa video project, kundi, hindi ako papayag magpaka-third wheel dito. Ilan ba kasi tayo. Haynako. “Huwag ka na nga masyado mag-alala, ano ka ba. Hindi ka magiging third-wheel, okay?” “Luh? Nababasa mo ang isip ko?” “Anong nababasa ka d’yan, Via? Ano bang naiisip mo ha? Ikaw talaga, nagdududa na ako sa’yo.” “Wow Ava ah, ewan ko sa’yo. First time ko lang dito, normal naman siguro ang mapatanong noh? Haynako, huwag ka mag-alala, kapag kayo na ng loms mo ang dapat magkasama, hindi ako sisingit, okay? Tulungan mo lang ako sa video project ko at sipot na ako. Okay?” “Ito naman, hindi pa nga tayo nagsisimula. Nag-ka-kape pa lang tayo dito oh.” Pananaway naman ni Ava. “Oh, bilisan na natin. Para maipakilala na rin kita sa production team at production director ng magiging video project mo.” “Production director?” Naguguluhan kong usisa. “Syempre naman Via, alangan magpaka-all-in-one ka nanaman? Ikaw na nga writer, ikaw na video editor, ikaw pa mag-pre-present sa team mo sa U.S tapos ikaw pa mag-di-direct? Baka naman gusto mo ng assistant?” “Bakit naman ‘di ko alam ‘to? Naku ah, siguraduhin mong hindi sasakit ang ulo ko sa mapipili mong tutulong sa akin!” “Syempre, direk! Sigurado ako na hinding hindi! Isa pa, we don’t want you stressing out na rin, kita mo, na-enjoy mo nga ang roadtrip natin from Maynila papunta dito without thinking too much, ‘di ba? Unless, you’re really thinking of someone else earlier.” “Ava?” “Alam mo, higupin mo na ‘yang kape mo, okay? Bago pa maging kasing-lamig ng Baguio ‘yan. Loosen up na nga. I’m sure mawawala ‘yang coldness mo once we arrive there.” “Eh, malamig nga ngayon doon eh.” “Ah basta, just sit back and relax for now.” “Oo nga pala, Via. Sa Metro Pines Inn ako nag-book ng hotel reservation, malapit lang siya Burnham Park, walking distance lang sa iba’t ibang establishments, is that alright na ba sa’yo?” Singit ni Sean. “Okay naman, may tig-isa ba tayo ng kwarto? Baka naman nag-family room kayo ah? Okay lang talaga kung mag-isa ako.” “Hey, of course, sasamahan kita!” Agad na usad ni Ava. “May ibang kwarto si loms, mas gusto niya muna kasi mag-isa, while at work. Kaya bibisitahin ko lang siya doon once he’s free since same hotel establishment lang naman tayo. Ano ka ba, papayag ba ako mag-isa ka? Ngayon nga lang tayo makakapag-bond eh.” “Ah okay, buti naman. Thank you, guys ah.” “Wala ‘yon, wedding gift mo nga sa amin, ‘di ba?” Pag-uulit ni Ava. “Wedding gift na kayo ang nagbibigay? Hay! Tara na nga, let’s get going na para makapagpahinga muna man lang tayo sa Baguio before going to the meeting.” “We’ll just finish our coffee.” Pagpapaalam naman ni Ava. Hindi ko na kinulit pa si Ava at Sean dahil mistulang naging abala rin sila bigla mag-usap, pinili nila lumipat sa ibang lamesa at ako naman ay nagpaiwan sa mesa kung saan ko sila kasama kanina para makapag-isip na rin sa magiging meeting pagdating sa Baguio. The view in this cold weather while sipping a cup of coffee is the much-needed breather, I have been wanting to have this from everything that’s been going on. Grabe, my much-awaited break. Siguro nga dapat hinahayaan ko na lang dalhin ako ng kusa ng aking mga paa sa daang mga tinatahak namin ngayon, pagkatapos nito, mas marami pa akong kahaharapin na hindi ko alam. Baka kailangan ko lang talaga muna pagpahingain ang utak ko, baka masyado ko na in-i-i-stress ang sarili ko at nakakalimutan ko na mag-enjoy at huminto. Hindi naman mahal ang maupo at sulitin ang peace at serenity even just for a while. Dahil, we never know, hindi natin talaga malalaman kung hanggang kailan tayo hindi magagambala sa mga tinatahak natin na daan. “Jaden?” Laking gulat ko sa nahagip ulit ng mga mata ko habang namamasyal ito sa iba’t ibang tanawin. “Was that Jaden?” Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad na sinundan ang lalaking naka-tuxedo noong isang araw, kamukhang kamukha siya ng Jaden na kilala ko, kaso ngayong araw, mukhang turista rin ang ayos, naka-shades nga lang ulit na itim. Haynako! “Imposible. Ito, imposible na talaga ‘to. Ano ‘to, sa Baguio pa kami magkikita? Shocks!” Muling bulong ko sa sarili ko. Kaya siguro kung ano na lang ‘yong nahahagip ng mga mata ko, dahil sa pagod na ‘to. Makabalik na nga sa upuan ko nang makadiretso na sa daan ulit. “Huy!” Agad na tumambad sa aking daanan si Ava. “Ava, are you alright?” Nag-aalalang tanong ni Sean. “I-I’m fine.” “Sure? Para kang nakakakita ng multo, balisa ka yata. Naiwan mo pa ‘yong kape mo sa mesa.” Napalingon naman ako aking pwesto kanina, ang layo na pala ng nilakad ko, hindi ko naman nasundan ‘yong lalaki. “May hinahanap ka ba? Kanina pa umiikot ‘yang ulo mo at mata mo?” “Wow?! Umiikot talaga?! Kayo talaga, tara na. Ubos ko na ‘yon.” “Naku, hindi talaga kita iiwan mag-isa, baka mawala ka pa eh.” “Ewan ko sa’yo. Basta ako, Baguio, here I come!” Open arms kong niyakap ang hangin, umaasang gumaan man lang ang loob ko. Inakbayan naman ako ni Ava habang papalabas na kami sa café dito sa Tan-aw sa alang. It’s now the time to embrace present events, and the future happenings sa Baguio trip. Kaya ganito na lang siguro ang nararamdaman ko, ang bawat hakbang mistulang nagiging mas magaan, ang simoy ng hangin ay nagiging mas sariwa at mas banayad, tila hindi ko inda ang sakit, pero kapag nagpaparamdam ang past, para bang hindi ko rin alam kung saan lulugar sa dalawa, sa present o sa past? Hay! Ang gulo! “Ava, hindi naman tayo pupunta sa Diplomat hotel ngayong oras, ‘di ba?” “Sira, titirik na ang dilim, ni ‘di pa nga tayo nakakapag-check in sa hotel, ‘yan na ang nasa isip mo?” “Wala lang.” “Sus, Via, ang layo pa ng Halloween, malapit na ang Valentines, ‘yon kaya ang i-focus mo! Hindi ba ‘yon naman ang core theme ng video project mo, everything about LOVE!?” “Ang ingay mo naman, kape lang ang ininom natin, hindi tayo tumagay, okay? Huwag kang masyadong maingay d’yan, tara na.” Matapos ang pag-uusap nakarating din kami sa parking area ng café. “Kaya mo pa ba mag-drive, loms? Gusto mo ako na?” “Matulog na lang kayo ni Via, mukhang kailangan niyo ng much rest.” Sabi naman ni Sean sa fiancé habang pinagmamasdan kami at matapos sumakay sa sasakyan. “Ava, kung ang multo nagmumulto tuwing Nobyembre, ano naman ang tawag sa nakaraan na nagmumulto ngayon pang Pebrero?” “Kapag November, multo. Kapag February, tao ‘yan. Mag-ingat ka.” Inaantok na tugon ni Ava. “Paano kung—” Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko sana. Napansin kong agad na naghihilik si Ava, nagtatawanan na lang kami ni Sean dahil nakatulog na siya sa pagod. Ako naman ang may sapat na energy ngayon para mag-isip. “Olivia, tao man ‘yan o multo, harapin mo ng buong tapang. Only with that, you’ll truly gain peace.” Payo naman ni Dr. Domingo ilang minuto matapos sa wakas ay naging tahimik ang loob ng van. Ah, basta, matatapos din ang lahat, pagdating sa kung saan dapat matapos ang lahat. At ang tapos na, ay tapos na. Okay, Via?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD