Kabanata 6: The More the Pares, The Merrier

5000 Words
Kabanata 6: The More the Pares, The Merrier Dinamay pa talaga ‘yang pares na ‘yan, pagkatapos ‘yong relo! Ano? Is this what waits for me here in Baguio? Haynako. Bakit kasi kailangan pa n’yan?! Hindi naman ibig sabihin paborito ko, dapat mayroon eh! “Oh, come on, Via. I can hear you, ang ingay ng thoughts mo. Hindi ka makatulog?” Tila biglang naalimpungatan ang kaibigan kong kanina ko pa kasama dito sa kama, kanina pa siya nakatulog, pero ako, nandito pa rin, daming tumatakbong sa isipan, at walang mapaglabasan. I swear, this one's the worst! “Ava, I can’t sleep.” “Hmmmm.” Tanging ungol ni Ava habang patuloy kong nilalabanan ang sarili kong pag-iisip. “Ava, pwede ba bukas ng umaga, kalma muna tayo? Parang hindi pa ako ready eh?” Napabangon naman ako ng bahagya nang biglang maisip na baka pwede muna akong kumalma bukas para makapag-function ng maayos at human enough. Ngunit, hindi pa rin ako kinibo ni Ava, dinistorbo ko siya ulit, inuyog ko ang balikat niya at patuloy siyang ginigising para makakuha ng sagot sa pakiusap ko. “Huy.” Pangungulit ko naman. “Ava.” Inuyog ko na lang ulit si Ava na mistulang gising na tulog at talagang nakikinig sa akin, pero wala pa rin, talagang nakapikit ang bibig at mga mata. Bakit ba pagod na pagod ito? Ano naman kaya ang ginawa niya? “Huy, Ava! Nakikinig ka ba?” Muling pangungulit ko, habang walang tigil ko siya kinakalabit. “Bakit naman.” Mahinang sagot ni Ava. Sa wakas! Sumagot din! Kanina pa ako dito ha! “Gising ka pa pala eh.” Bwelta ko naman habang nakita kong uminat ng kaunti ang kaibigan ko. “Nakikinig ako sa’yo, ang ingay ng isip mo.” Nakapikit niyang sambit, inaantok na siguro siya dahil sa dami ng nakuwento ko sa kanya kanina, pati ‘yong ex kong akala ko nakita ko at ‘yong panyo niya. “Sorry na, hindi ko lang kasi maiwasan maisip si Jaden at maisip din si Axel at the same time.” “Hindi ka nga kumakabit, nag-to-two-time ka naman sa isip mo.” “Hoy, parang tanga naman itong si dok! Grabe ka ha! Para talagang ako ang nagdala sa kanilang dalawa dito sa Baguio ha! Hello! It's not my fault!” Nahampas ko si Ava ng unan at nagising siya dahil sa reaksyon. Namulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin na pulang pula pa ang mga mata, dilat na dilat at tumayo ito sa kanyang paghiga. “Aray ko naman ha!” Reklamo nito sa akin. “Huy! Grabe ah, ilang days ka na antukin, umayos ka. Kinakabahan na ako sa’yo, baka gawin mo ako ninang tapos bridesmaid ng sabay! Kaloka!” Sabi ko naman. Agad niyang inayos ang buhok niyang tinatakpan ang pagmumukha niya at kinurot ako sa tagiliran. “Aray! Grabe ka naman sa kurot mo Ava ha, biro lang!” “Anong oras na ba kasi ha, ‘yan pa rin ang naiisip mo Olivia? Hello, ‘di ako buntis noh! Excited much?!” “Sira! Kita mo ‘yan, ikaw din ang nagsabi! Naku! Kapag ganitong usapan talaga gising na gising ka.” Humiga ulit si Ava at tumalikod na sa akin matapos ko siya bulyawan. Humiga na lang din ako at napabuntong hininga, wala naman saysay itong mga iniisip ko eh, baka nga kahit anong gawin ko hindi na talaga ako makakatakas pa dito sa magulo kong isipan! Hay! “Alam mo, kung gusto mo ng alone time bukas, okay lang. Just be back before 6 pm dahil we have to talk about your video project. Okay? At kung nag-aalala ka pa rin, huwag na. I will be with you the whole time, unless Sean asks for bebe time, okay? At kung sakali naman, nand’yan si Tasha, Becky at Axel. You guys can go in pairs. Tasha and Becky and of course, as always, the tandem kahit noong college, you and Ax—” Inaantok na sabi sa akin ni Ava habang siya ay nakatalikod ng higa sa akin. “What the?!” “Haynako, bumangon pa talaga. Ano, magrereklamo ka pa ba? Consider this as my way of doing you a favor. Disiplina. Okay?!” Napayakap na lang ako bigla kay Ava. “Sige na, Via. Humiga ka na nga d’yan. Basta before 6 pm ha. Uwi ka na. We have to divide our tasks and we have to know your plans. For now, rest as much as you want, doon ka mag-almusal sa Canto Bogchi Joint mamaya, masarap doon. Hindi ka na ma-se-stress. Try their lasagna and chicken pastel. I know you will love it as much as I love Sean.” “Wow, Ava. Wow. Talagang sa harap ko pa magiging ganyan ka. Haynako.” “Mmmm.” Inaantok na usad ni Ava after giving her final message at tuluyang ma-knockout lalo. “Sure ka ba talaga d’yan?” “Yeah, su—” Aba, pinilit pa magsalita. “Sure na sure ka ha? Baka bukas magwala ka pag hindi mo ako mahagilap?” “Matulog ka na, alas tres na oh.” Imbes sagutin, tinakpan ni Ava ang mukha ko ng kumot at tuluyan na nga ako pinatulog ng napakalakas niyang hilik. Halatang pagod na pagod pero may lakas pang umu-oo sa akin. Basta, rest as much as I want daw eh, oh sige! Rest, hindi ako tatanggi sa'yo! A new adventure in the city of pines awaits me. Kaya kahit ano pa, kung ano man ‘yan, I am ready. BAGONG umaga, bagong pag-asa. Wow, iba ‘yan Olivia ha. Ibang-iba ‘yan. Dali akong gumising ng maaga para wala akong magambala sa mga taong tulog pa. Sakto at tulog pa si Tasha nang umalis ako. “One destination at a time.” Constant bulong sa sarili ko habang nag-aayos at naghahanda para sa magiging alone time ko bago ako sumabak sa trabaho. “Deserve ko ‘to, kaya dito na ako sa Good Taste kakain ng almusal.” Tatawid lang dahil nasa tapat lang ng hotel, pagkatapos chibugan na! Of course, mamaya na lang ako doon sa kinainan kagabi, baka maalala ko pa si Becky at si Axel. Tsk. Sa harap ko ba naman nagsusubuan?! Ano ‘to, joke?! Hays, whatever. Habang paakyat sa hagdan sa Good Taste, kinapos na ako ng hininga. Nakabangga pa ulit ako. “Aray!” “Olivia?!” Laking gulat ko na tumambad sa akin ulit ang isang pamilyar na lalaki, but this time, hindi siya nakasuot ng itim na shades, ‘yong blackout na blackout tapos halos hindi mo na makikita ang mga mata, tapos, hindi rin siya naka-tuxedo, nakasuot siya ng balot na balot na pangmalamigan na sweater, nakasuot ng sapatos na puti tapos nakasuot din pantalon. “Jaden?” Napatitig ako simula head to toe para makasiguro na siya nga ang nakikita ko. “Wow! Is this you, Via? Grabe! Are you here for breakfast too? Gusto mo sabay na tayo? May naiwan lang ako sa baba, can I join you?” Hindi man lang siya nagtaka o napaisip kung ako ba talaga ang kausap niya na si Via? Wow, just wow. Hindi ako nakaimik at napa-oo na lang ng bigla. Ewan ko rin kung bakit at paano ko ‘yon nagawa. Agad na lang akong naghanap ng pwesto at nag-order nang nilingon ko na rin ang menu. Shocks, wala pa akong halos mapili. Maya maya pa ay dumating na rin si Jaden agad. “Wow, Olivia. Grabe, hindi ako makapaniwala sa kung anong nakikita ng mga mata ko sa ngayon. Is this really you?” Tambad niya sa akin sa harap mismo ng mesa kung saan ako naupo. “Umupo ka na nga lang, ako lang ‘to.” Natatawa kong sambit. Hinihingal naman siyang naupo sa tapat ko. “Is it really okay with you if I join you for breakfast? May kasama ka ba? Sorry ah, nahulog kasi ‘yong face towel ko sa baba, I had to go back.” “Nag-ta-towel ka pa rin pala.” Natatawa kong bulong sa sarili ko. “Come again?” “Wala, ang sabi ko mag-order na tayo.” “Tayo?” Inulit ni Jaden tanong. “Ang sabi ko, mag-order na, tumayo ka na d’yan. Gusto mo bang makita ang menu?” “May I?” Pakiusap ni Jaden nang makita ang menu na hawak ko. Inabot ko sa kanya ito agad. Napalingon naman ako sa likod ni Jaden, laking gulat ko ulit nang makita si Axel at Becky na magkasama din sa isang mesa, mukhang kumakain din ng almusal. Halatang biglang nawala sa mood ang mukha ni Axel nang siguro ay mahagip din ako sa kanyang paningin. “Nag-away ba kayo? Tsk, buti nga.” Bulong ko sa sarili ko. “Uh—Olivia, are you okay?” Napansin siguro ni Jaden ang pagsasalita ko mag-isa. “Wala. Dalian mo, nagugutom na ako.” “Anong sa’yo?” Tanong ni Jaden. “May buttered chicken, right?” “Yes.” “Oh, sama mo na rin sinigang, t’saka lumpiang shanghai. My treat.” “Oh, okay! Game! Ayan din ang gusto ko. Basta may utang kang kuwento sa akin ha.” Excuse me? Kuwento? Sa ex na ngayon ko lang ulit makakasama, hilo ka ba? “T-teka, gaano katagal na nga ba?” “Ito naman, parang kailan lang Olivia eh. 2016 tayo unang nagkakilala, 2018 tayo naghiwalay. Tapos ngayon—” “Ah-ha-ha, ang ibig kong sabihin, gaano katagal na nga ba tayo magkahiwalay?” “12 years?” Hindi mo siguradong sagot. “See, 12 years, Jaden! 12 years na tayong ‘di nag-uusap, ‘di magkaibigan, walang contact at tapos ngayon kakausapin mo ako, sasabayan sa breakfast? Talaga bang sisirain mo ang araw ko?” “Oh, no. I’m sorry, hindi naman sa ganoon, Olivia. Nagulat din ako na nagkita tayo eh. I was just actually here because of my leave.” “Haynako, never mind, hintayin na lang natin ‘yong order at samahan mo na ako kumain. Magkuwentuhan tayo nang hindi ako mabwisit ngayong umaga.” “Okay ka lang, Olivia? Kanina ka pa lingon ng lingon ng masama, may dumi ba sa—” “Oo, ayan may dumi sa mukha mo, sige tanggalin mo, Jaden.” Biglang natawa si Jaden sa harap ko. “Okay ka lang?” Tugon niya matapos ko siya abutan ng tissue at ilagay sa mukha niya. “Wow, kung itanong mo ako n’yan parang ‘di mo ko iniwan 12 years ago ha? Okay lang ako ano ba, t’saka ba’t ba ang dami mong tanong. Ako dapat ang magtatanong sa’yo n’yan eh. Anong ginagawa mo dito sa Baguio? T’saka, leave? Ano bang trabaho mo ngayon? Kumusta ‘yong mga kapatid mong babae, kuya Jaden?” “Wow, ate Olivia ah. Mukhang marami akong isasagot sa’yo ah.” In-emphasize rin ni Jaden ‘yong ate as much as how I did. “Hoy excuse me ah. Isang taon lang pagitan natin. Hula ko 29 ka na, excuse me.” “Naks!” “Oh, so ano nga?” “Kumain muna tayo, nand’yan na ‘yong pagkain.” Sabi ni Jaden. TAHIMIK kami kumain ni Jaden, halatang may bahid na hiya at awkwardness, pero para naman kaming matalik na kaibigan kung gumalaw. Ewan, para bang bigla na lang siya sumulpot at dumating nang hindi inaasahan. Kung ito na nga ‘yong worry ko, sana naman huwag. “Ikaw, Via, anong ginagawa mo dito sa Baguio? T’saka, saan ka nagtatrabaho ngayon?” Biglang usisa ni Jaden matapos maubos na namin pareho ang kinakain na family meals. “Heto, may video project. Dito ako mag-fi-film sa Baguio, bakasyon na rin. At saan ako nagtatrabaho? Sa U.S, multimedia artist ako.” “Wow, big time. Siguro ang laki ng sinasahod mo doon.” “Ikaw, Jaden? Anong work mo ngayon?” “Ito, hindi naging basketball player, pero piloto.” “Wow, bigtime rin naman pala ah. Sus, ‘di bale na. Marami ka naman sigurong babae, kahit ‘di ka professional and widely known basketball player.” “Sus, ikaw, ‘di bale na rin sigurong ‘di ka naging abogado, for sure marami ka nahatulan na guilty.” “Aba, bakit, Jaden? Guilty ka?” Nabulunan naman agad siya sa tanong ko dahil agad siyang uminom ng tubig matapos ko magulat sa profession niya ngayon. “Hindi bale, ang importante naman d’yan ay kahit ano pa ang trabaho mo, basta masaya ka at may sinasahod ka na alam mong sapat na para sa’yo. Wala naman problema doon eh. Basta legal.” “Wow, Jaden. You’ve grown.” “Anong ibig mong sabihin, Olivia?” “You’ve grown from a big asshole to a grown man with mature thinking.” Natatawa kong sagot. “Ay, grabe ka doon ha.” “Hula ko, kung hindi ako ang nakapagtuwid sa’yo, may ibang babaeng tumuwid d’yan sa baluktot mong isipan at buhay dati. Well, for sure, your sisters wouldn’t be able to do that themselves, dalawa na sila, mga bunso pa, ‘di nila kaya ‘yon. Paano na lang sa kung sino man ‘yong babaeng ‘yon.” “Actually, I do have—” “Eps, tara na. Tapos ka na kumain? Tara na. Bumaba na tayo at ang mas mabuti pa, samahan mo na lang muna ako. Pumara ka ng taxi. Dali.” “Saan tayo pupunta, Olivia?” “Sa Camp John Hay. Doon ko gusto mag-unwind. Ayaw mo sumama? Doon mo na ituloy ang kuwento mo.” “Sure ka ba?” Mukhang ayaw pa yata sumama ni Jaden, hindi pa mapakali. “Yes, of course. Bakit, may magagalit? I mean—wala naman magagalit on my part.” Hay, bahala ka d’yan. Basta ako maglalakad na ako, sumunod ka kung gusto mo. Maghabol ka kung gusto mo, pake ko. “Teka, Via!” Maya maya pa nga, sa aking paglingon ay nakita ko si Jaden na hinahabol ako. Via? Wow, close na tayo ngayon? T-teka, bakit ko ba siya kinakausap ng ganoon kanina? Ano ‘yon barkada lang? Of course, no! Gosh! “So, bakit ka umiiyak?” Tambad niya sa akin. “Umiiyak? Huh? Ako, iiyak? Ngayon, saan?” “Ang ibig ko sabihin—” “Huminga ka kaya muna, Jaden. Mamaya mo na ako i-interrogate okay? Hindi pa tayo halos nakakapara ng taxi. Sumakay muna tayo sa taxi.” AT dahil coding ngayon ang van ni Sean, at sigurado akong tulog mantika pa ‘yong lahat kasama si Tasha at Ava, kaya mag-ta-taxi ako. Of course, sinama ko na rin ‘tong lalaking ‘to. Alangan naman iwanan ko siya. Baka naman may mapulot pa akong aral sa araw na ‘to dahil pinagtagpo na kami ulit, sa wakas, ng Diyos. At kung ano man ang mangyayari pagkatapos ng araw na ‘to, bahala na. Basta makapagsarili man lang din ako. “Oh, ano, kanina mo pa ako tinitignan ng ganyan ah. Nagdududa na ako.” “Wow, Jaden ah? Nakakahiya naman sa’yo na kanina pa ako sinisilip, alam ko na ‘yan. Huwag mo na ako idaan sa patwitams mo d’yan. Ngayon pa?” Nakarating na kami sa Camp John Hay at nagsimulang maglakad. “Pinagmasdan ko lang naman kung saan ka magandang pwedeng kunan ng picture. Haynako, tumayo ka doon, maganda ang view d’yan, kitang kita ang mga matatangkad na puno.” “Wow ah. Bola mo mukha mo. Sige nga, tignan natin.” Inabot ko sa kanya ang cellphone ko at agad naman kumuha ng litrato si Jaden sa aking pagtayo sa lugar na tinutukoy niya kanina. “Ay iba rin, galing mo pa rin kumuha ng pictures ko ha.” Pinakita sa akin ni Jaden ang mga pictures na kuha niya matapos ko mag-pose. “Syempre, maganda rin ‘yong subject eh.” “Anong subject ka d’yan? Akala mo ba ‘di ko maririnig? Akin na nga ‘yang cellphone ko.” “Joke lang, ito naman! Parang sungit naman masyado!” “Haynako, h’wag mo nga ako dinadaan sa mga ganyan mo ha, Jaden Lou. Tumigil ka. Mabuti pa pumunta na tayo doon sa Chocolate De Batirol.” Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Jaden. Nakahanap din kami ng mauupuan at ng mesa. Nang silipin ang menu nanlaki ang mga mata ko, nandito pala ‘yong mga paborito ko. May palabok, may turron, may suman, may bibingka, may arroz caldo, may champurrado, pati lunch at dinner nandito na ah! Grabe, at syempre, ang pinunta ko dito na Batirol Classic, the chocolate Batirol! Napansin ko naman agad ang CACAO FACTS sa menu. Cacao, a plant of the equatorial region, so divine, that THEOBROMA – “food of the gods” is derived. A plant that bears elongated pods, where cacao beans are embedded and collected, it is the only source of Choco-late, a tonic food drink. Batirol, which is the pitcher, is sometimes called chocolatera, batidor, and batiron. Choco-late de Batirol is an ancient concoction of passionately traditional process, as a chocolate paste, in its natural oil that may last years of room temperature. Urbanity and intellectual advances almost phased out this Heritage. The western world has its own version. We Filipinos made our own. Choco-late de Batirol, Cequate de Batidor, Binate na tsokolate, in any name, is a truly Filipino tradition. “Wow. Halatang napakahilig mo pa rin magbasa, Via.” Agad na pagpupuna ni Jaden sa akin. “Wow din ha, at talagang observer ka pa rin noh? Ano, nakita mo ba paano nila ginawa ‘yong iinumin natin na chocolate drink ngayon? Tapos na ba?” “Oo, i-se-serve na lang. Hintayin na lang natin. At malamang, dinig na dinig ko naman kasi talaga ‘yong boses mo habang nagbabasa eh. Ikaw talaga.” “Ayan na! It’s finally here.” Agad akong napalingon sa waiter na paparating. “Thanks, kuya!” Pagpapasalamat ko sa nag-serve. “Iyong bibingka for 2 po, at 3 pieces of turron, at ang 1 plate of palabok, coming na po!” “Wait—” “Yes, Via. I ordered your favorites. Alam ko ‘yan. Hayaan mo na ako, huwag ka na mag-resist. Isa pa, ngayon lang tayo ulit magkakasama. Of course, we owe each other stories.” “Woah—” I was shocked. “Alam mo, kumain na lang tayo, okay? Enjoyin natin ‘tong pagkain. Mamaya na natin pag-usapan ‘yong mga ibang bagay.” “Oh, okay?” And the food was served. “Ayan, mainit pa ‘yong palabok. Dig in.” “Ito naman, busog na busog na ako nito.” “Haynako, kumain ka lang. Kumain ka ng marami, kaninang umaga treat mo eh. This time ako naman, pramis. Mamaya pareho tayo may kuwento.” Tila bigla na lang akong walang marinig maliban sa tugtog sa background, ang ambiance ng lugar, ang lamig ng paligid, at ang isang bagay na hindi ako halos makapaniwala sa ngayon. I am with my ex, that I had no communication with for almost 12 years after break-up. Is this even possible? Because if it is, what else is possible? “Grabe, wala ka na sigurong natirang hiya para sa sarili mo noh.” Sambit ko habang pinagmamasdan si Jaden na tinatapos ang mga natitirang pagkain sa plato. “Oh no, sorry. Gusto mo ba nito?” Pag-aaya niya sa sinubukan niyang huwag ubusin na natitirang pancit sa plato. “Hindi. Ubusin mo na ‘yan. Ang ibig ko lang sabihin, sa tagal natin na hiwalay, hindi ka talaga nahiyang lumapit sa akin o kausapin ako? Eh, dati nga halos magtago ka sa lungga mo at ‘di ako kausapin eh. Talagang lumayo ka sa akin.” “Eh, this time iba naman, Via eh. Ano bang magagawa ko kung ang pagkakataon na siguro ang nagtagpo muli sa ating dalawa? Wala naman akong kontrol sa mga mangyayari eh. Isa pa, tumatanda na naman tayo. Kaya possible pa rin na may mga magbabago.” “Tulad ng ano?” Napatayo na ako sa aking kinauupuan. “Tulad ng mga nangyari na at ang mga natutunan natin.” “Wow, Jaden. Ibang-iba ka na, you think and talk with substance. Grabe, hindi ka na batang pa-cool lang. ‘Yong tipo ng lalaking mamahalin mo ng sobra and at the same time kinamumuhian mo rin.” “Ganyan naman talaga lahat, ‘di ba?” “Perhaps, for me ganoon, I did that to you eh, but it does not apply to all.” Matulin kong sagot. NAKARATING kami sa Burnham Park na parehong tahimik. But deep in my heart, I was just really that happy dahil sa wakas, narating ko rin itong Baguio. Matagal ko na gustong pumunta dito, at ngayon ko pa lang magagawa. “Ikaw ba, anong natutunan mo dati, Via?” Habang naglalakad at ini-enjoy ang sariwang hangin, napaisip ako bigla sa naging tanong sa akin ni Jaden. “Ikaw, may natutunan ka?” Baling ko naman sa kanya. “Siguro kung mayroon, huwag matakot.” “Huwag matakot?” “Oo, huwag matakot. Huwag matakot na ipadama sa taong mahal mo na mahal mo siya. Dahil hindi naman natin malalaman kung kailan pa may pagkakataon eh, kung kailan ang huli, at kailan ‘yong wala na.” Wow, this was like an answer I was waiting to hear from Ava and Sean the last time. “Natutunan mo ‘yan noong minahal mo ‘ko?” “Natutunan ko ‘yan, oo. At hanggang ngayon inaaral ko pa rin.” “May girlfriend ka na? O fiancé? Magkatulad ba kayo ni Ava, ikakasal na rin?” Napaisip agad ako sa lalim magsalita ni Sean, parang sobra ang pagmamahal sa puso. “Actually, oo. May fiancé ako.” I knew it. “Oh, wow. Congratulations, finally. Invited ako sa kasal ninyo ha. I want to see your future wife.” “She’d love to see you, as well.” “Oh, so paano kayo nagkakilala?” “Jaden, okay ka lang? Bakit bigla kang natahimik?” “Ikaw na muna, anong natutunan mo sa mga nangyari noon?” Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin, ngunit patuloy lang kami sa paglalakad. “Alam mo, kung may natutunan man ako sa relasyon natin dati ‘yon ay kung mahal mo, iparamdam mo. Ang pagmamahal, dapat it always protects, always trusts, always hopes, and always perseveres.” “Parang Bible verse ‘yan ah.” Sagot ni Jaden. “Yes, 1 Corinthians 13:7.” Tugon ko naman. “Hindi naman pala malayo sa isa’t isa ang mga aral na napulot natin sa relasyon natin.” “Sus, may pagkakaiba pa rin. Ikaw nga, inaaral mo eh, para lang ma-apply mo sa fiancé mo. Eh, ako, siguro nga nagmamahal ako, pero hindi ko naman magawang i-apply ‘yong aral na napulot ko sa atin. O sa madaling salita, hindi ko maramdaman.” “Bakit, ikaw ba? May boyfriend ka ngayon? May asawa?” Inangat ko naman ang kaliwang kamay ko para ipakita ang daliri ko. “Wala noh, ni boyfriend nga wala.” “Oh, so ano nga ‘yan?” “Unreciprocated feelings.” “Wow. Ang lalim.” Reaksyon ni Jaden. “Syempre, matagal kong pasan ‘yan eh. Umalis pa nga ako dito sa Pinas para lang hindi mabaliw ng tuluyan sa kaiisip sa lalaking ‘yon.” “Oh, ‘di lumabas din sa bibig mo, Olivia.” “Haynako, oo na. Ito na. Ikaw, ikuwento mo rin sa akin ‘yong sa’yo ha. Unless, ‘di ka pa naka-move on at baka magdalawang isip kang balikan ako.” Napahalakhak naman si Jaden. “Ikakasal na ako.” “Aba, ‘di mabuti. Kung ‘di ka nakipaghiwalay pagkatapos ng 18th birthday ko, baka tayo pa rin ngayon, baka nga tayo pa ang ikasal eh.” Natatawa kong pang-aasar. “Haynako, sige na. Ikuwento mo na ang maswerteng lalaki na ‘yan.” “Axel ang pangalan niya, gusto ko siya, kaso sabi niya ‘di niya ako gusto.” “Yon na ‘yon? Wait! Sinabi niya ‘yon? Talaga? Ang tanga niya naman para ‘di ka pa magustuhan!” “Haynako, huwag mo nga ako binobola d’yan, isa pa. College pa ‘yon. Inamin ko kasi sa kanya ng maaga, baka nabigla. I want a peace of mind sabi ko, sinagot ba naman ako ng para daw may peace of mind ako, gusto niyang malaman ko na hindi niya ako gusto? Eh, sinagot ko naman siya, ayos lang, ‘di naman kailangan kapag may gusto ka, gusto ka rin.” “Hala, siraulo.” Matipid na reaksyon ni Jaden. “Ewan ko, siguro binabalik niya lang sa iba ang naranasan niya sa unang taong gusto niya. Witness ako no’n eh, ako pa nga ang tumutulong sa kanya dati mag-interpret ng mga messages nila, ng iniisip ng babae, to think, mahuhulog din pala ako sa kanya out of our closeness sa dami ng ginagawa naming halos na magkasama, tapos magkaibigan pa kami.” “Iyong peace of mind ba na tinutukoy mo, ano ‘yon? Baka naman na-misinterpret niya na umaasa ka?” “Hindi naman ako umasa o nag-demand na gustuhin niya rin ako. Gusto ko lang sabihin kasi hindi na siya maalis sa isip ko, tagal ko kaya siya gusto, simula 2nd year hindi ko sinabi, kaya parang mababaliw ako at any moment baka pa iba na ang maramdaman ko tapos hindi pa ako umamin. Kinatakot ko ‘yon, and I felt like kapag hindi ko sinabi, baka maging huli pa ang lahat. Ayon sinabi ko lang, and nothing changed. We acted as if were still close friends not until we graduated, naisipan ko umalis kasi ‘di ko kaya makipag-plastikan sa kanya, ‘di tulad niya, hindi ko maintindihan ang kilos, misleading ang actions, I mean—kung gusto mo rin naman ako, bakit ‘di mo sabihin sa harap ko?” “Well, baka ‘di talaga? Mixed signals is a no, Via.” “Kaya nga sinabi ko eh, thinking he would also admit, kasi his words and actions do not match, his words might say I do not like you at all, but his actions show otherwise. He cares, he shows that he cares, that’s why I liked him. Aside from that, he is smart, he cares and he listens.” “Ang hirap naman no’n, magkaibigan din kasi kayo. Well, sa kaso natin, ako naman ang unang nagsabi na gusto kita, ako naman ang sumuyo at nanligaw sa’yo, I did love you much.” “Kaya rin siguro ako nainis sa rejection na ‘yon, kasi lagi na lang ako nasa ganoong sitwasyon. I remember, I also had my first admiration sa college noong first year, sa kaklase rin namin, and I admitted days pa lang kami magkakilala, and ayon, after that ni-ghost ba naman ako, as if ‘di kami nasa isang circle of friends, kaya ‘yon dumistansya rin ako. Until I met Ava and Axel in my second year, they became my college barkada and that’s where it all started, naging close kami ni Axel, naging close rin kami ni Ava. They became the right place for me, kahit mga shifters sila, when they came, I found peace and new friends I could trust more and which made me believe nothing is too late.” “Ang dami palang nangyari sa’yo simula noong naghiwalay tayo, Via.” “Naman, alangan naman sa’yo lang umikot ang buong mundo ko? Hello? Swerte mo naman. Naging busy din ako noh, maraming ginagawa, para makalimot sa sakit na iniwan mo. But I am happy that you’ve grown. Hindi na tulad dati na isip bata, isip bata na matanda na man sana. Thanks for leaving me, I found myself.” “I will never stop thanking you as well, Via.” “For what?” “For giving me love that I could share with my fiancé, Ana.” “Oh, she’s Ana.” “Alam mo, kung pinahihintulutan man ako na bumalik sa panahon na nakasama kita dati, babalik ako, para maranasan ko ulit ‘yong pagmamahal mo. At ang swerte ng susunod mong mamahalin, makikilala ka n’yan sa mas better mong stature.” “Sus, drama neto.” “Seryoso.” “Bakit naman?” “Parang mauubos na kasi ako, ako na lang halos ang bumubuhos ng pagmamahal sa fiancé ko. Dahil kahit ano naman ang gawin ko, wala naman siyang magagawa para ibalik niya para sa akin ‘yong pagmamahal na binibigay ko sa kanya kasi may sakit siya, may tanan na ang buhay, at ang buong araw niya, lagi na lang dinadaan sa paghiga.” Natigil ako sa paglalakad at napalingon kay Jaden na lumuluha. “I’m so sorry, Jaden.” “Ayos lang, ngayon ko lang din naman sinabi eh.” “Nasaan siya? Pwede ba siyang bisitahin?” “Nasa Maynila. Nasa bahay lang.” “Sinong nag-aalaga sa kanya?” “Yong mga kapatid kong babae, sa ngayon.” “Para sa kanya ba ‘yong dala mong singsing?” “Oo, kaya ako nagmamadali noong araw na ‘yon kasi akala ko mawawala na siya sa akin. Akala ko magiging huli na ang lahat para sa amin kapag ‘di ko ginawa ang mag-propose sa kanya.” So, it was really you. Ikaw nga ‘yong lalaking ‘yon. Wala akong ibang ginawa kundi ang yakapin si Jaden, inabot ko sa kanya ang panyong nasa bulsa ko. ‘Yong panyong bigay niya sa akin noong umiiyak ako, ‘yon din ang hindi ko alam kung bakit, pero nagawa kong ipahid sa kanyang mga luha. Parang mas naging matapang ako, for a moment, I thought someone needs me again–and I should just be present, present to sympathize, present to be sympathized.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD