Kabanata 7: The Script
Katulad ng nasa mga pelikula para akong lead female character na hinahatid sa bahay ng kanyang manliligaw o ng kanyang boyfriend, pero syempre, hindi naman ito pelikula, hindi ganoon ang kuwento ko, isa pa, ex ko ito, for pete's sake, saan pa ba makakakita ng ganito? Ex na ihahatid ka sa hotel kung saan ka nagbabakasyon? Grabe naman kasi, sa liit ng mundo, posible pa pala talaga ito? Ewan ko, bakit ba kasi sa akin pa nangyayari ito? Hay, hindi bale, lahat naman daw kasi ng nangyayari, may dahilan. At kung ano man ang dahilan ng sudden meet namin nitong si Jaden, I hope it is something good for I cannot stand another stressful event in my life, at dito pa talaga sa Baguio? No!
“Thanks for today, Via.”
At nagpasalamat pa siya?! Siya na nga itong hinatid ako, siya pa ang nag-thank you. Hindi na rin nga bale, mag-the-thank you na lang din ako para hindi naman ako mukhang bastos dito, baka sabihin pa nito wala na talagang natitirang katiting ng manners sa buong kaluluwa ko.
Agad akong ngumiti kay Jaden ng malawak. Ngiting mahahalata mong ngiting pang-pelikula, scripted! Well, hindi ko kasi talaga alam kung paano kumilos, should I be formal? Should I show a goofy side? Should I act normal? Hindi ko alam, eh kasi naman the last time I acted normal in front of Jaden was also the time na naging audience ko pa si Axel na ang lagkit ng tingin, akala mo mananakit o tatalon na para palaka from one table to another. Kaloka.
“Wala ‘yon, Jaden. I am happy to know that you’re this strong now. And I hope to still see you around Baguio. We’ll stay here for a couple of weeks pa naman before we go back to Manila.” Agad kong pagpapaalam kay Jaden na nakatingin pa rin sa akin kahit matapos akong samahan maglakad.
“Sana mabisita mo si Ana, matutuwa ‘yon kapag nakita ka niya.” Tugon nito sa akin bago dumistansya ng kaunti nang makatapak na kami sa tapat ng hotel na tinutuluyan namin dito nina Ava sa Baguio.
“Don’t worry, I will try to pay her a visit bago ako bumalik sa U.S.” This time, this was the most sincere thing I have said on our day together. Siguro kasi nakaramdam ako ng awa sa babae, sa bagong minamahal niya. At hindi naman ako masamang tao para hindi makaramdam, sa dami ba naman ng pait na naranasan ko rin sa buong buhay ko.
“Sasamahan kita.”
“Sure, you can just text me with my number. Let me know when. Paano ba ‘yan, dito na ako. Kapag hinanap mo ‘ko ulit, dito lang sa Metro Pines Inn ako naka-check-in.” Pagpapaalam ko kay Jaden na ngumiti rin pabalik sa akin matapos ko hawakan ang balikat niya at tumalikod na sa kanya.
“Ingat ka ha. Sorry, ginabi na tayo.” Bulong nito.
“Wala ‘yon. Thanks pa rin sinahaman mo ako today. Ikaw din, thank you sa paghatid sa akin dito sa hotel.” Bago pa ako makapasok ulit sa hotel, nilingon ko si Jaden ng isang beses matapos lumingon sa wrist watch ko. Lagpas 6 pm na pala, patay. Bago mag-6 pm pa naman ang usapan namin ni Ava.
“Jaden!” Agad ko siyang tinawag mula sa malayo matapos hanapin ang panyo sa aking bulsa.
“Teka lang, ‘yong panyo mo.”
Lumingon naman sa akin ulit si Jaden, mula sa malayo, matapos niyang tumawid. Lumapit siya sa akin at nagulat na lang ako dahil nasa tapat ko na siya ngayon, napatingala tuloy ako at mistulang natulala. Ang tangkad pa rin pala niya, hindi ko naman napansin agad kanina pa, ngayon lang ulit.
“Olivia, keep that first. Bring it back to me kapag ako naman ang nangailangan n’yan. Deal?” Agad niyang sabi sa akin kaya agad naman ako bumalik sa aking katinuan.
Paglingon ko naman kabilang banda, laking gulat ko na lang lalo na everyone was looking at me, including Ava, Tasha and Becky and Axel who seemed to be a lot more surprised. Lahat sila parang mga striktong parents mo na inaabangan ka na sa tapat ng bahay to just look at you very disappointed for coming to home late.
And again, this is not a pelikula or some teledrama pero agad akong na-interrupt just like how any scripts look like.
“Huy, Olivia!” Inuyog naman ako ni Ava mula sa aking kinauupuan.
“Hey, are you okay?” Singit ni Tasha nang maupo sa tabi ko at may dalang kape.
“Ah-ah, yes! Yes! Come again? Saan na nga tayo ulit?” Pag-uulit ko while trying to remain composed and neat kahit palpak na sa sitting posture for hours.
“Are you really here with us, Via?” Narinig ko naman na biglang naging seryoso ang tono ng pananalita ni Axel na pinagmamasdan ako na may napakalagkit nanaman na tingin sa pagmumukhang parang pinagkaitan ng langit at parang palakang tatalon sa pagmumukha ko any moment.
“I’m here, ano pa nga ba?” Sagot ko sa lahat matapos siya lingunin at matawa sa sarili kong imagination.
“Are you really here with us, Via? Isa pa, what is so funny?” Mas naging seryoso pa ang tono ng boses ni Axel, siguro dahil hindi ko siya pinansin kahit panay pa rin ang tingin sa akin.
“Yes, ‘di ba halata na nandito ako ngayon?” Pilosopo kong banat naman ulit habang nakalingon sa lahat maliban sa kanya.
“Via, you are here with us but your mind is elsewhere.” Bulong ni Ava na nakaupo sa tabi ko nang mapalingon ako sa kanya.
“So, anong gusto mo gawin ko, Axel?” Bumalin naman ako ng tingin kay Axel ulit, sa kanya na ako tumingin ngayon. At mas lalong lumagkit ang tingin niya na kanina ko pa iniiwasan, dahil natatawa talaga ako habang iniisip. Baka mapagkamalaman pa ako ditong may sayad kapag tuluyan na akong humalakhak.
“Since, mukhang ‘di ka nakikinig sa mga usapan kanina. Let us hear your plans for your video project. Mas mabuti pa siguro ikaw naman magsalita.” Sabi ni Axel na mukhang napuno na siguro sa inaasta ko sa harap niya ngayon.
“Okay, Axel! That’s no problem!” Tumayo ako at pinalitan ang pwesto ni Axel na kanina pa nakatayo, at dali itong umupo sa kinauupuan ko.
“So, here’s my plan, hindi ko na ito pahahabain pa, dahil gabi na rin at maya maya lang ay i-se-serve na ‘yong dinner natin. Let’s enjoy the rest of the night, okay? Kaya I’ll go straight to my point. I’ll be the director of this video project. At ikaw, Axel, you will be in charge of the production set-up, and of course, sa editing ng film ko. Again, with the pairs, mas mabuti siguro kung kayo ni Becky ang magsama dahil mas mukhang mas maayos kayo pag kasama ang isa’t isa. Matutulungan ka rin ng Becky kapag mag-e-edit na dahil siya ang bahala sa subtitles. As for Tasha, you can assist me sa paghahanap ng magiging artista sa film kong ‘to, at kapag nakahanap ka na ay ikaw ang bahala sa kanya, you will be her PA.”
“Girl lang ba ang character?” Singit ni Tasha.
“No, we also need a boy for this.” Agad kong sagot.
“So, mayroon na ba or wala pa? I’ll also be in charge of him, right?” Dagdag ni Tasha while taking down notes and fixing her glasses while attentively listening to what I am saying.
“Yes. May naisip na akong bagay sa role, Tasha. Madali lang kausap ‘yon, shoot na ‘yon. We just need a girl character for this.” Napakamot naman ito ng ulo at napakunot noo.
“Wait, teka, so all this time, this was a film? Paano ang script? Sure ka ba makakahanap ka ng artista, and sa production calendar natin mayroon tayo halos isang linggo for this, kaya bang i-pull off?” Biglang sumingit si Axel sa usapan.
“Oo, nga hindi ba. Isa pa. Kaya, kaya i-pull off, okay? Sino bang nagsabi na hindi, Axel?” Diretso kong sagot sa kanya.
“I’m just asking, okay?”
“Wala ka bang tiwala sa akin, Axel?” Agad kong tanong.
“Eh sa amin Olivia, wala ka bang tiwala sa mga plano rin namin?” Banat naman ni Axel.
“I already have a script. This is just a short film. Kalma, okay? And it will run for about 5 minutes or less. And I am even planning na huwag sundin ang script, ‘yon bang parang impromptu.”
“Woah.” Narinig kong reaksyon ni Tasha sa aming sagutan, this time, mas lalo yata siyang napakamot ng ulo.
“A-ah, excuse me lang, Via. Pwede ba naming malaman kung anong context ng script mo? Hindi ba regrets, fears, and secrets on the intersection ‘yong title? Kung impromptu, how is this going to be?” Dagdag niya.
“Sure, Tasha. Para malaman na rin ng lahat.”
“So, the context of my script is pertaining to a boy and girl’s love story. Since Valentine’s Day is near, I am planning to release it on that day.”
“Teka, akala ko ba 1-week ang filming, eh ilang araw na lang Valentine’s Day na ah.” Singit ni Axel.
“Wala pa naman akong kino-confirm, direk. Pero, since that’s the case, kaya naman siguro 1-day na lang ang filming for just a short film, ‘di ba? Tapos edit natin agad kinabukasan or after the filming. Simulan na natin bukas ang filming.”
“Bukas? Tapos impromptu, okay ka lang ba, Via?! I think mas okay na ‘yong una mong ni-propose eh. ‘Yong mag-i-interview tayo ng mga tao sa araw ng mga puso.” Bwelta niya naman.
“Well, I just realized something earlier while I was thinking. And so, I changed my mind.”
“Seriously, Via. Ang gulo mo.”
“Axel, kaya nga ‘di ba? Don’t you get my point? Hindi ba mas mahirap ‘yong una kong suggestion, kaya nga ito na oh? I am proposing this alternative. The more natural, the easier. Mas ma-se-stress tayo kasi walang kasiguraduhan na may magpapa-interview ng on-the spot sa Valentine’s Day? Everyone is busy with their own lives, most especially tuwing Valentine’s Day.”
“Saan ba ‘yong mas natural doon at easy? Are you even sure na wala talaga tayong kasiguraduhan na may magpapa-interview ng on the spot sa araw ng mga puso? Ha, Via? T’saka, ganoon lang ba ‘yon kadali para sa’yo?”
“Just also look at my suggestion from a different perspective, okay? We are trying to be the voice for them here, kesyo single, taken, o masaya man o malungkot. This film will speak for people who don’t even have the time and energy to say what they feel. ‘Yon lang naman ang gusto ko.”
“What makes it different ba sa gusto mo, Via? Gusto mo impromptu tapos 1-day edit pa, tapos saan tayo hahanap ng artista n’yan na babae, dapat nga mayroon na tayo n’yan ngayon pa lang eh.”
“Ano bang problema mo, Axel? Kaninong video project ba ‘to? Sa akin, ‘di ba? You are supposed to help me kung pakiramdam mo nahihirapan ako or mahirap ito. Dapat pa nga naiintindihan mo ‘yong pinupunto ko dito na hindi lahat makakapagsabi ng nararamdaman nila, okay?”
“That’s the point, we will ask them naman and we will talk to them properly.”
“At sa tingin mo naman Axel sasabihin nila what they feel just for my film dahil lang d’yan? ‘Yong iba nga d’yan kahit sa kaibigan nila ‘di masabi ang totoo at kahit pa kausapin mo pa sila ng maayos. Ano na lang sa iba? Sa tingin mo magtitiwala sila sa atin? And what’s more to that, sa tingin mo talaga we’ll get something more natural from them? NO.”
“Hindi mo pa nga nasusubukan NO na agad.” Sabat naman ni Axel.
“Of course, I will not tell this kung ‘di ako mismo ang nakaranas ng ganyan.” Baling ko kay Axel.
“Ah guys? Baka gusto niyo kumalma?” Narinig kong singit ni Tasha.
“May suggestion ako.” Singit din ni Becky na kanina pa tahimik at pinagmamasdan kami.
Natigil na naman kami ng salitan ng thoughts ni Axel.
“Ikaw na lang mag-lead actress, Olivia. Mas kilala mo ang script mo, mas alam mo ang dapat na sabihin dahil pitch mo ‘to. The more natural, the more easy. Kaya ikaw na lang!” Dagdag ni Becky.
“See? Mabuti pa si Becky naiintindihan ang punto ng script, kaya ko lang naman gagawin impromptu ang batuhan ng lines eh dahil nga, going back to the context, it’s just a love story, of a a boy and a girl who will intersect with each other and reveal their regrets, fears, and secrets on that day. And the revelation must sound just as natural as my core theme for the film, mga tao tayo eh. Hindi naman umiikot lang sa isang script ang mga iniisip at nararamdaman natin, ‘di ba? Mas lalong sa kasinungalingan. It doesn’t end there, Axel. It goes beyond our hearts, our deep thinking and hidden feelings. That’s my goal, to reveal our human side.”
Natahimik ang lahat.
“I agree kay Becky, para ‘di na rin tayo ma-stress, mas okay na siguro na si Olivia na lang ‘yong lead actress para ma-unfold ang goal. Tutal, bukas na rin naman tayo mag-fi-film, if bukas tayo mag-fi-film, i-edit natin sa araw ng Valentine’s or before V-day, tapos i-release rin natin. ‘Di goods na.” Sabi naman ni Tasha.
“Buti pa ‘tong si Becky at Tasha mas may sense sumingit eh. That’s a good suggestion, Becky. Thanks ha! So, do we have this as a deal now?”
“Deal.” Dagdag ni Ava.
Sumenyas naman ng oo si Tasha at Becky.
Napalingon ako ng bahagya kay Axel na wala pa rin imik.
“So, sino ang lead-actor?” Agad niyang usisa.
“Teka, parating na. Tinext ko kanina.” Matulin kong tugon.
“Sinabi mo ba dito sa Canto Bogchi Joint?” Usisa ni Ava.
“Yes, he’s actually already on his way.”
“Mauna na ako, tawagan niyo ako kapag magsisimula na tayo bukas.” Bulalas ni Axel.
“Teka.” Hinawakan ko ang braso ni Axel.
“Masyado ka naman ata nagmamadali, iiwan mo team mo dito? Wait till you see our lead-actor. Hindi dapat umaalis ng director agad, maghintay ka.”
“Wait, ako ang director?”
“Just now, I decided to step down as the assistant director, ako ang aarte, ‘di ba? So, ikaw na ang mag-di-direct. Ikaw din naman ang bahala sa production so lahatin mo na para sulit naman ‘yong tulong mo sa akin. Tama, ‘di ba Ava?” Balin ko kay Ava.
“Ang gulo mo kausap.” Naiinis na bwelo ni Axel.
Sus, parang ikaw, ‘di magulo kausap ha.
“Maupo ka na lang, dinner will be served.” Pananaway ko.
“Come again, Via?”
“Axel, umupo ka d’yan. At kumain tayo ng hapunan ng sabay before we plan things out completely. Hintayin natin si—”
“Jaden?” Gulat na usad ni Ava na naging dahilan para maputol ang sinasabi ko, agad akong napalingon sa pinto ng restaurant kung saan kami ngayon at hinanap kung saan si Jaden.
Nakita naman agad ng mga mata ko si Jaden dahil siya na rin ang lumingon mula sa kinaroroonan namin. Saktong dumating na rin ang mga in-order namin, kaya inimbitahan ko na agad siya na umupo kasama namin.
“Jaden! Nand’yan ka na pala! Halika dito!”
“Olivia!” Bati nito nang makita ako.
“Jaden, I’d like you to meet Axel, he will be the production director and the director, of course, of my video project, this is Becky, he will be assisting Jaden in the video editing and she will be in charge of my subtitles. And this is Tasha—”
Napansin ko naman na parang iba na ang tingin ni Tasha kay Jaden.
“Huy! Umayos ka!” Bulong ko dito.
“This is Tasha, she will be our make-up artist and PA during the 1-day filming tomorrow.”
“Wow. Nice to meet you everyone, sorry ngayon lang ako.” Tila nahihiyang pagbati ni Jaden.
“It’s okay, Jaden, Olivia’s ex–I mean, friend.” Singit ni Ava at napatakip naman ito ng kanyang bibig.
Napansin kong mukhang kanina pa paikot-ikot ang tingin ni Axel, para naman siyang tatay mo ngayon, tatay mong striktong tinititigan ang manliligaw mo from head-to-toe. Iyon bang handa nang himayin ng pino ang dala mong lalaki sa bahay kapag may ginawang kagaguhan. Hay! Ano ba itong imagination ko! Abot hanggang limit line! Bago pa ako tuluyan mabaliw, paalalahanan ko na itong si Jaden nang hindi na masyadong nahihiya.
“Upo ka na Jaden. Huwag ka mahiya, they are all my college and HS friends. Si Tasha at Becky, kilala ka na nila. Naririnig ka nila sa akin dati, as for Ava, of course she doesn’t know you that much as well as Axel. So, just take this time para magkakilanlan naman tayo.”
“Let’s eat?” Pag-aaya ko nang lahat na ay naupo at may mga pagkain na sa mesa.
The akward ambiance continued to arise. Habang tahimik lang talaga ang lahat at walang nagsasalita. Ngunit ilang minuto pa ang nakalipas, nagsalita si Ava.
“Via, maiba tayo ng usapan. Hindi ba you’re planning to bring this film in the U.S, will it be okay kung i-re-release mo sa Valentine’s Day?”
“Yes, dadalhin ko sa U.S ‘tong film when we go back. Pero ‘di pwedeng hindi ko ma-release sa araw ng mga puso itong film, sayang ang essence. Isa pa, sure ako magsisikap sa pagtatrabaho ang Light Studios kaya sayang naman kung ‘di ko rin to ibigay sa kanila para they can release it on Valentine’s, ‘di ba? More engagements pa ‘to sa page nila pag nagkataon.” Sagot ko kay Ava.
“Wow, ‘di ko alam this was your plans pala, Via. Salamat.”
“Wala ‘yon Tasha, it’s my way of saying thank you na rin sa magiging tulong niyo. Rest assured, everything will run smoothly tomorrow. For now, let’s just enjoy the rest of the evening, okay?”
Biglang sumingit si Axel sa usapan.
“Baka naman mayroon pa sa inyo dito ang hindi nalilinaw ang mga plano ha, sabihin niyo na. We don’t want to have problems for tomorrow.”
“Oo nga, baka mayroon pa d’yan hindi nagbibigay ng linaw sa mga bagay. Nga pala, here’s my written script. You can read it later na lang, parang gusto ko mag night market ngayon. Kaya pa ba?” Inabutan ko silang lahat ng printed script ko matapos sumabat naman sa intended parinig ni Axel na halatang aburido pa rin ang mukhang palakang napipikon na.
“Uy, I’d love to go there too.” Dagdag ni Ava habang kinukuha ang binibigay kong script at pinasa kay Tasha.
“Great. Kayo, g ba kayo Axel?” Balin ko sa masungit ni direktor.
“Ako, g ako d’yan!” Singit ni Jaden.
“Wait! ‘Di ba may script ka rin na sinulat, Becky?” Singit ni Tasha habang nakabuklat ang pages ng aking script.
“Script?” Naguguluhan kong usisa.
“Oo, may script din siya na isinulat, ‘yon nga sana rin ‘yong plano niyang i-share pero mukhang mas maganda ‘tong iyo ha.” Napansin kong sinasabi ni Tasha habang binubuklat ang mga pahina sa script ko.
“Mamaya na nga ‘yan.” Pananaway ko.
“Hindi na bale, dapat si Via ang sundin natin. Siya naman talaga dapat.” Tugon ni Becky.
“Ako naman talaga, ‘di ba?” Sabat ko.
Nagulat ang lahat at napatingin sa amin ni Becky at mas lalo silang natahimik.
“Joke lang! Kayo naman! Masyado kayong seryoso d’yan! Let’s just loosen up a bit, okay?” Niyakap ko naman si Becky mula sa kanya likuran.
“Are you drunk, Via?” Usisa ni Ava.
“No, ‘di ako umiinom. Hindi nga ako marunong uminom eh. I haven’t even tried being drunk yet. Sober pa ako. Okay? I just had a sip of what we drank earlier.” Paalala ko kay Ava na hindi na makasagot dahil mukha akong nanghahamon na ng away.
“Mag-night market tayo. Ubusin na muna natin ‘tong mga nakalatag na pagkain bago tayo sumugod sa mas maraming chibugan.”
“Tama! Ako g na ako d’yan! Sure ako g na rin si Becky d’yan!” Muling singit ni Tasha sa sinabi ko.
“Aba, ano pa nga ba? Go!” Dagdag din ni Becky na mukhang nahimasmasan naman.
“Basta be sure you guys will be complete tomorrow, six tayo ngayon, I want the same number of people for tomorrow. Walang mintis. Ngayon nga lang tayo mag-mi-meeting dahil panay postpone tapos ma-a-out of this world nanaman kayo bukas? Ayusin niyo lang kung gusto niyo matapos tayo.”
“Yes, direk Axel. Huwag ka na ma-stress, sayang ka-pogian.” Singit ni Tasha na natatawa pa.
“Alam niyo, tara na. Magkaka-wrinkles tayo dito.” Sabat ko naman dahil masama nanaman ang tingin ni Axel, mukhang KJ na tito. Kaya nauna na akong tumayo at umalis sa loob ng restaurant na kung saan kami kumakain ngayon. Hindi ko maatim na titigan sila, nakakapikon lang lalo. Haynako, sana naman pagkatapos ng filming bukas ‘di ko na kailangan pa makipag-deal d’yan sa lalaking ‘yan. Sa lalaking ang sama ng tingin sa akin! Kulang na lang pigain ako na parang basang tuwalya tapos isampay sa sampayan. Sana naman kasi naiintindihan niya kung saan ako nagmumula hindi ba! Parang hindi naman kami magkaibigan dati ah! Palibhasa! Nakakapagod din naman kasi talaga sundin ‘tong script sa isip ko noh, sa kung paano ko naman ba pakikisamahan ang lalaking ni-reject ako years ago at iniisip na we’d still be friends after.
Bago pa kami makatungtong sa labas, agad ako nagulat dahil biglang hinarang na kami ni Sean, fiancé ni Ava, sa labas ng parking lot.
“Ah guys, mas mabuti pa siguro if umuwi na muna ang lahat sa hotel.” Tambad nito sa akin.
“Sean, loms!” Bungad ni Ava sa fiance.
“Hi, loms.” Niyakap niya ito at lumingon sa akin.
“Via, umuwi na muna kayo. I know you guys just had some dinner, at bukas din kayo mag-fi-film, ‘di ba? Kailangan niyo ng sapat na energy, so better have some rest.” Payo ni Sean.
“So, kaya ka pala tumahimik na kanina dahil tinawagan mo na ang loms mo?” Sabi ko naman kay Ava.
“Wala naman sigurong masama if we postpone the night market experience noh? Sa susunod na tayo masyadong mag-enjoy once it’s all over, we can have a road trip and then visit the night market as you all guys want.” Singit naman ni Ava.
“I agree.” Sabay na sabi ni Tasha at Becky.
Napalingon na lang ako sa kanilang lahat, ano ba ito, pinagkakaisahan ba ako ng lahat?
“So, paano ba ‘yan? Nand’yan na ‘yong van, sama na kayo sa akin? Iisang hotel lang naman tayo, maliban kay, Jade—Jaden, right?” Paglilipat ng atensyon ni Sean kay Jaden.
“Yes, pare.” Sagot ni Jaden kay Sean.
“How about Via, do you have any other plans? Tara na, let’s go home.” Sabi naman ni Sean sa akin while I am still left speechless with what is happening right before my two eyes. Ang bilis naman kasi ng mga kaganapan!
“Ako na ang maghahatid sa kanya.” Sabay na sabi ni Jaden at Axel.
“Gosh, I can’t believe this.” Reaksyon ko.
“Ako na.” Agad kong naramdaman ang paghawak ni Axel sa siko ko.
“Ako na.” Naramdaman ko rin sa kabilang siko ko ang kamay ni Jaden.
“Wow, haba ng hair ha!” Singit ni Tasha at agad ko naman napansin binatukan siya ni Becky. Nagkatinginan lang din si Ava at Sean, halatang pinipigilan na matawa dahil mas hinigpitan nila lalo ang holding hands nila.
“Excuse me? Pwede bang huwag kayong humarang sa daan?”
At may kanina pa pala naki-extra sa aming usapan, may nasa likod ko pala na naghihintay makadaan kaso kanina pa ‘di makatawid dahil nakaharang ako sa daanan niya.
“Sorry po.” Sinubukan ko tumabi pero ayaw bitiwan ni Jaden at Axel ang magkabilang siko ko, para akong manikang pinag-aagawan ng dalawang babae na magkapatid, any moment mababali na ‘tong mga braso ko.
“Teka nga! Hindi ako si Olaf, okay?!” Nagpumiglas naman ako sa mga kapit nila.
“Excuse me lang mga pare ha, kung gusto niyo ‘tong babae, doon niyo pag-agawan sa labas. Huwag dito, konting respeto naman sa amin.” Singit ng inis na inis na magandang bakla na kanina pa naaasar sa sitwasyon ko.
Napabitaw naman si Jaden at Axel ng sabay at nagtatawanan sina Sean, Ava, Tasha at Becky sa gilid. Habang ako ay parang puputok na na bulkan ang histura. Eh, paano ba naman kasi! Parang hindi ko na magalaw ang sarili kong mga kamay dahil sa mga lalaking ito!
“Ano ba kayong dalawa ha?! Sa tingin niyo ba kapag naputol ‘tong mga braso ko matatapos natin ang filming bukas? Hello!? Hindi ako snowman ha na kapag naputol ang braso maikakabit pa rin tulad ni Olaf sa Frozen. Tabi nga.”
“Via!” Sabay ulit na tawag ni Axel at Jaden nang nakapagpumiglas ako mula sa mga kapit ng kamay nila sa siko ko.
“Ewan ko sa inyo! Umuwi kayo kung gusto niyo, dito ako sasabay kay Ava at Sean.” Iniwan ko naman silang dalawa na mukhang mga aligaga na at ‘di mapakali. Nakakagulat lalo ang mga kinikilos, well siguro, itong si Jaden, he’s doing it as a form of care for me. Pero itong si Axel?! Ewan ko! Ewan ko talaga!
Kung pwede lang isigaw ang frustration ko sa labas ng van while the windows are open and even the night is there, I would! Kaso nakakahiya naman kung may makakakita sa akin, turista nga lang tapos nagkakalat pa sa city ng iba, haynako! I better keep this to myself, wala rin naman saysay kung magkakaroon pa sila ng lugar sa isip ko, ang swerte naman nilang dalawa kung ganoon. Of course, I would not let that happen, as if ganyan din ang ginagawa nila sa akin!
Pero bakit ba kasi nila ako pinag-aagawan kanina?
Wait, ako? Pag-aagawan?
At bakit naman?
Kaya nga, hindi ba? Kaya nga tinatanong mo hindi ba?
Huy! Olivia, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo!?
Bakit mo ba ito tinatanong?!
Well, of course, I want to know!
Then, bumaba ka, go and ask them this question!
In the first place sila ang dapat na magpaliwanag!
Hay! Ewan ko ba! Bakit mo ba kasi ito naiisip Olivia!
Maghunos-dili ka nga!
“Mmmm, oh, ano nanaman ‘yang iniisip mo, d’yan?” Singit ni Ava nang pinagmamasdan ako sa isang sulok na nakaupo matapos ng ilang minuto bago kami nagdesisyon na umuwi.
“Wala.”
“Anong wala? With that look on that face, wala?” Singit ulit ni Ava na nakaupo sa tabi ng driver’s seat.
“Pwede ba, mga dok? Not now. Tuloy niyo pag-la-loving loving d’yan.” Iritado kong tugon.
Hindi naman ako naiinis na masaya itong kaibigan ko at may dahilan siya para maging masaya dahil inlove siya. At alam ko naman na hindi lang basehan ng pagiging masaya ang pagiging inlove o ang pagiging in a relationship, pero the more I think of how hopless my romance life is in my age tapos men will confuse their words and actions pa, the more I get irritated! Like, can we just be transparent in this time and century? Kaloka!
“Sige, ikaw bahala. Basta huwag mo ako gagambalain mamayang madaling araw kapag ‘di ka makakatulog ah. Just in case you’re worrying, si Tasha at Becky nakauwi na. Nauna sila nakarating sa hotel kasama si Axel. While Jaden, nakauwi na rin. Tayo na lang ang on the road pa ngayon, kaya if you wanna sleep, sleep muna. Tomorrow is another candid day.”
“Whatever, just wake me up kung nasa hotel na tayo.” Matipid ko muling sabi kay Ava habang napairap ako sa sobrang inis at pagod.
Wala naman akong ibang masisisi kundi ang sarili ko, dahil nasa sa akin pa rin kung paano ako mag-re-react sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko. But they owe me an explanation too! Pero, ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga iyon? Gosh, men! Sakit sa ulo!
Anyway, it was a long day, I know I am going to shut down ilang minutes pa ang lilipas. I know this dark and cold city will give solace to my heart and mind. But those two men are giving me a hard time thinking and interpreting their actions! Lalong lalo na ‘yan si Axel, ayusin niya lang kundi makakatikim siya ng isang malaking hampas sa script na isinulat ko. Ngayon pa na may silbi naman pala siyang tumulong sa akin? He has to know what he has to know before he ruins my mind again. Haynako, kung wala lang talaga siyang magiging ambag dito, hindi ko na siya kakausapin pa ever! Kung pwede lang talaga!