Kabanata 8: The Call “Oh, nag-ri-ring yata ang cellphone mo.” Agad na puna sa akin ni Tasha na inaayusan pa rin ako ng buhok at make-up sa mukha, hanggang sa nakarinig ako ng mga boses na tila pumasok sa kwarto. “Oh, ayan na pala si Via oh!” Narinig kong sabi ni Becky. “Are you okay?” Dagdag ni Ava. “Ayos lang.” Matipid kong sagot kay Ava at Becky. “Sasagutin ko lang ‘to sa labas.” Nagpaalam naman ako na lumabas muna saglit sa kwarto dahil para pa rin akong ginugulo ng lumulutang ko na utak. “Oh, Via? Sure kang okay ka lang ha?” Nag-aalalang tanong ni Tasha matapos ako hayaan muna. “Oo, sasagutin ko lang ‘to. Kanina pa ring ng ring eh.” “Mabuti pa nga, kanina pa ‘yan sa bulsa mo, baka gusto mong tignan?” “Sa labas na lang, Tasha.” Nagmadali akong umalis sa upuan ko kahit hindi

