Kabanata 9: The Chance A new day always means a new chance. Anong araw ba talaga itong hatid ng umaga sa akin? Ang bigat ng katawan ko at parang nakadikit na lang itong katawan ko sa kama at ayaw ko na bumangon. Bago ko pa man mamulat ang mga mata ko at bumangon na nga sa kama para simulan ang aking araw, nagulat naman ako sa biglang pagbungad ni Tasha, Becky at ni Ava sa akin. Kanina pa pala nila ako pinagmamasdan. At ang lapit ng mga mukha nila sa pagmumukha ko ngayon! Si Tasha naman na may dalang salamin, agad na hinarap sa akin ito habang hindi ko pa rin maintindihan kung bakit sila nandito ngayon sa loob ng kwarto ko sa hotel namin. “Hey! What are you all doing here?!” Napabangon naman ako sa aking higaan nang may biglang kasabay na pumitik na kaunting kirot at sakit mula sa aki

